"pano magiging tayo e may Reiven ka" sagot nya sakin pagkatapos matawa at ininom ang kape...

napaisip tuloy ako... ewan ko kung nahalata nyang nalungkot ako kase bigla nyang sinabi na....

"di mo naman kaylangan iwan sya para sakin.... alam ko namang mahal mo rin yun"

napatingin ako sa kanya tas nagsmile sya

"ayokong mahirapan ka pa mag-isip kase alam ko namang makitid lang ang utak mo... *sinuntok ko nga sa braso >.<* joke lang!" sagot nya sakin...

eh mahal ko rin naman talaga si Reiven :(

ngayun nga... nasasaktan din ako sa ginagawa ko....

siguro nga dapat masaya ako ngayon dahil maayos na kami ni Harold, pero sana... kung hindi kami ni Reiven....

kaso naging kami e, napamahal pa sakin si Reiven..... kaya nasasaktan ako sa ginagawa ko T___T

"H-Harold...."

napalingon sya sakin

"gusto ko muna sanang maayos yung samin ni Reiven... pero......"

"pero?" tanong nya

"wag magbabago isip mo ha.... wag ka na magsusungit sakin.." sagot ko na parang bata na natatakot mapagalitan TT____TT

natawa naman sya bigla tas ginulo pa buhok ko at inakbayan ako ^____^

"ou hindi.... biglaan lang naman kase pangyayare e kaya wag ka mag-alala..... pero ano munang balak mo ngayon?" tanong nya bigla..

hala di ko alam TT____TT

"eeeh.. iniisip ko na patagalin muna yung samin ni Reiven, lalo pa may singsing--

"sira ibig kong sabihin pag-uwi mo.... 8 na oh?! ipapasundo nalang kita kanila mama" 

-_______________-

"eee!! ikaw nga sabi maghahatid sakin!!" >.<

"maaga pasok ko bukas di talaga pwede" sagot nya sakin habang nagtatype na sa keypad TT___TT

"eh kung hindi mo ko ihahatid kelan pa kita makikita?!!" nakanguso kong tanong, napatingin naman sya sakin pero masama tingin ko sa kanya -__-

"ikaw lang naman tong ayaw sasama kanila mama pagpumupunta dito e" sagot nya sakin

"ayoko ngang pumunta dito ng kasama sila... di ko magagawa gusto ko" sagot ko

"suuuus... gusto pala kami lang" sagot nya sakin na nakatingin sa malayo pero napapansin ko mejo napapasmile sya pero hindi halata..xD

"asa ka pa! gustong gusto mo naman" sagot ko

"gusto daw... *tingin sakin* hoy ikaw.. mag iingat ka sa mga kinikilos mo dun.. alalahanin mo di ka na bata.. wala ako dun para pagsabihan ka" sabi nya sakin, nginitian ko naman

"opo! basta ikaw magpapakabaet jan! ikaw kala mo di ko napansin kanina ha! amoy alak ka pa" sagot ko

"eh di ko naman kase alam na hahabol ka pala"

"eh bakit ba kase umalis ka sa birthday ko?!"

"ikaw tong nagsabi na di mo naman ako kaylangan e kaya umalis ako"

"anong klase ba naman yun!"

"e pano kung totoo yung sinabe mo? di ko na pagsisiksikan sarili ko"

"ano ka ba naman! syempre di totoo yun!" >.<

"o na sige na... natext ko na sila mama papunta na yun..." sagot nya sakin tas natahimik kami..xD

"bakit nga pala bigla ka ng pumayag sa gusto ko?" tanong ko para mabasag yung katahimikan

UnconditionalWhere stories live. Discover now