"oo.... kaso di naman kami pwede" sagot ko sa kanya at ininum nalang yung beer...

"ganon? e bakit? ayaw ng parents nya?" tanong pa nya

"wag na natin pag usapan" sagot ko sa kanya at biglang nagvibrate ang phone ko

"wait" sagot ko at lumayo ako sa kanila para sagutin ang phone call

si mama??

"hello?" sagot ko

"pumunta ata jan si Lydia.... hindi na namin nasundan e, dahil di na namin alam kung nasan, umuulan ba dyan?" tanong ni mama O___O

halos napalaki ang mata ko nung napatingin ako sa kalsada mula sa loob ng bar, ang lakas ng ulan shit!

"anong oras ba umalis si Lydia dyan?!"

"mga 3, nakapambahay pa yun! jacket at wallet lang ang dala, nacancel na nga tong party nya dito dahil pasaway yang kapatid mo! abangan mo nga jan" sagot sakin ni mama

"sige sige, bye" sagot ko at binaba ko na ang call saka nagtatakbo pabalik sa school

"Harold san ka pupunta!" sigaw nung mga kasama ko pero hindi ko na napansin dahil sa pagmamadali ko Nakalimutan ko na rin kumuha ng payong -____-

tuloy basang basang sisiw rin akong takbo ng takbo papunta sa school...

hindi pa napupunta si Lydia dito at di rin naman nya alam kung saan yung dorm ko kaya dederecho nalang ako sa school Napahinto na ko bigla....

bago pa man din ako makalapit sa main gate nakita ko na sya...

sya lang naman tong nag-iisang nakatayo sa harapan ng school namin at walang payong....

Habang papalapit ako sa kanya napalingon na sya sakin....

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.... siguro.... 20 steps away ang layo ko...

"bakit ka umalis?" tanong nya

"bakit ka nagpunta dito?!"

"masama bang sundan ka!!!! lagi ka nalang umaalis!!! wala ka ng ibang ginawa kundi ang iwan ako!!!! ni walang paalam nanaman!!!! Harold lagi ka nalang bang ganyan?!!!" sigaw nya sakin.....

"ako?.... laging ganto?.... Tingin mo ba ikaw lang tong nahihirapan? tingin mo ba hindi sakin mahirap yung umalis?! Lydia!! umalis ako para sayo!!! iniwan ko yung pamilya natin para sayo!!! para layuan ka! para hindi ka masaktan habang nakikita mo ko!!! tiniis ko yung 7 months na mag-isa ako! ginagamot ko mag-isa ang sarili ko! Pinipilit kong maging masaya kahit mag-isa! para sayo!!! para sumaya ka!!! para hindi ka masaktan!!! kala mo ba hindi ako nasasaktan!?!!! haa!!!!! *nilapitan ko na sya at di ko napigil ang sarili ko sa galit na nahawakan ko ang dalawang braso nya* ikaw ang lagi nalang ganyan!!! *bitaw* ikaw nalang tong laging iniisip na ikaw lang nasasaktan... na ikaw lang lagi tong kinakawawa!!.... na ikaw tong lagi kong nasasaktan! na ikaw na lahat sumasalo ng hirap sa nangyayare satin!!........"

"Lydia... siguro nga....kaya mo naiisip yan dahil wala naman akong nagagawa para sayo.... pero..... kahit mahal kita, wala rin akong magawa... kahit saang papeles mo tignan kapatid parin kita... di man sa dugo pero wala parin tayong magagawa......"  buti nalang umuulan.. natatakpan yung putanginang luha ko -_____-

Lydia's POV

Totoo ba yung narinig ko? O____O

na.....

MAHAL NYA KO??

hindi ko na napigilan ang sarili ko... this point, gustong gusto ko na syang mayakap....

"pwede bang.... kahit ngayon lang...... kalimutan muna natin na...... magkapatid tayo?...... birthday ko naman e..... di pa nga natin alam.... kung birthday ko nga ba?......"   

huminto na ko ng kaharap ko na sya....

tinititigan ko sya sa mata.. namumula yun.... siguro nga... umiiyak sya...

mali ako....

maling mali ako.....

tama sya, wala nga talaga kasi syang nagagawa para sakin..

para sa sitwasyon namin, para sa problema na to...

para sakin...

pagkakamali yung pag-alis nya....

pero hindi ko nga naisip yung sinakripisyo nya para sakin dahil sa pag-alis nya....

na nilayuan nya yung mismong pamilya para sa ikagagaan ng loob ko....

at di ko naisip yung naramdaman nya habang mag-isa sya dito....

Hinawakan ko ang mukha nya.....

pero ang mas ikinagulat ko ang paghawak nya sa mga bewang ko at inilapit sa kanya....

inilapit naman din nya ang mukha nya.....

at hinalikan ako.....

grabe.....

totoo ba to? nananaginip lang ba ko??

nakalimutan ko halos na umuulan... na madilim sa paligid....

nakalimutan ko lahat ng paghihirap namin.. tanging nararamdaman ko lang....

ay ang labi ng mahal ko..

ang totoong mahal ko......

-----------------------------------

To Be Continue ^_____^

UnconditionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon