Chapter 34: Confused And Naive

4.1K 188 27
                                    

Ilang mura na ang nabigkas ko sa aking isipan, but this is a real bull! I got caught off guard. Masyado ata akong nadala sa iniisip ko kanina kung kaya’t hindi ko naramdaman ang pagdating nito. The hell is wrong with your senses, Aurora?

Hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa kanya at tila naghihintay na mawala ito na parang bula. Am I just hallucinating?

At pawang nabasa niya ang pagkalito sa aking isipan ay lumingon si Devon sa akin. He titled his head and flash an evil grin at me, “Shocking, isn’t?”

“Paano mong…”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang sumingit ang cashier. Sabay kaming napalingon sa kanya. Nagtatanong ito kung meron kaming kung anong discount card ng mall na ito.

“None,” maikling sagot ng katabi ko.

Mahinhing ngumiti at tumango ang kausap bago niya kinuha ang card. I furrowed my brows at her. She is freaking blushing! I held my eyes from rolling at her reaction. Masyadong agaw atensyon ang demonyong katabi ko.

I snapped at myself and think of my escape instead. Goddammit! What will I do? Pwede na lang akong biglang tumakbo palayo rito at iwanan na lang ang mga pinamili. Mas malaking tsansang makatakas ako kung gagawin ko iyon ngayon habang inaabala siya ng kahera. Pero, bago pa ako bumwelo pagtakbo ay bigla kong napansin ang mga alagad nitong nakaabang sa aking lalabasan. Fuck! They’re on casual, but I know his mafia guards when I see one.

Muli akong na-estatwa sa aking kinatatayuan. Shit, shit, shit!

Bahagyang nanlaki ang mata ko ng makita sila Gazelle sa malayo. Napatigil din sila at gulat na nakatingin sa aking direksyon. Parehong takot at pangamba ang nakapaskil sa kanilang mukha. Mabilis akong umiling at sinenyasan silang umalis sa lugar. Agad nilang nakuha ang nais kong ipahayag kaya’t agaran silang nalakad paalis bitbit ang kinuha nila sa baggage counter. Ngayon, ako na lang ang kailangang tumakas.

While Devon is waiting for the packing of our groceries, I silently took a step backward. Akala ko ay di niya mapapansin, pero nagulat ako ng bigla niyang mahigpit na hinawakan ang kanang pala-pulsuhan ko. Mariin akong napadaing at malakas na hinila ang kamay ko pabalik. Gulat kaming nagkatinginan sa isa’t-isa. Maski ako ay nagulat sa aking reaksyon. Hindi ko alam na mahapdi pala ang parteng iyon.

Kinuha niya itong muli at sinuri ang aking kamay. Munting mga dugo ang lumalabas sa aking sugat kung saan dating tinanggal ang microchip. Kitang bahagyang bumukas ang tahi nito dahil sa pagkakahila ni Devon.

“Sorry, I didn’t know,” mahinang wika nito bago ipinadausdos ang palad nito at banayad na hinawakan ang akin. I hissed and glared at him. “Let’s go,” sinenyasahan niya ang gwardiyang dalhin ang dalawang malaking bag na pinamili namin.

Hinayaan ko siyang hilahin ako palabas ng grocery store. Pwede akong manlaban at ilabas lahat ng armas na nakatago sa aking katawan, pero hindi iyon maaari. Isa lamang ang problema ko sa sitwasyong ito. Masyadong maraming tao… It would create me a greater cost if I would put a bloody commotion in a public place.

“Have you eaten?” tanong nito sa akin.

“Are you seriously putting up a friendly chat with me?” I snapped back.

“Mas maganda kung kumain muna tayo,” aniya na tila ‘di ako narinig habang pinasadahan ng tingin ang mamahaling relo nito. I groaned at him.

“Naririnig mo ba ang sarili mo, Don?” mapang-asar kong wika sa kanya. Maagap siyang napatingin sa akin ng masama. “Why are you glaring at me, Don?” dagdag ko pa at ngumisi.

Hindi siya nagsalita at hinila niya na lamang akong muli papasok sa isang restaurant. Awtomatikong dinaluhan kami ng isang waiter.

“Table for two,” Devon told him and he immediately guide us. Padarag akong umupo roon. Inabutan niya kami ng menu, pero umiling ako sa binibigay niya sa akin.

Pretty but DeadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon