Kabanata 22

3.2K 57 1
                                    

Reminisce

     IT is like déjà vu. Nagising na naman siya sa isang kama. Ang kaibahan lang ngayon ay puti lahat ang pumapaligid sa kanya.

Is it heaven?

No. Wala namang kama sa langit diba?

Realization hit her. Mabilis siyang bumangon at hinawakan ang tiyan.

"My baby..."

Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang doktor at nurse.

"My baby... please save my baby." Pagmamakaawa niya ngunit nagkatinginan lamang ang dalawa.

What's strong? Wala ba silang gagawin? Hindi ba nila siya tutulungan?

Bullshit! Tinanggal niya ang mga aparato na nakakabit sa katawan. Kung hindi sila tutulong, pwes! Maghahanap siya ng ibang doktor.

She's desperate to save her baby. "Ma'am please calm down." Hindi siya nakinig sa sinabi ng nurse. Tinanggal niya ang nakasabit sa kanyang ilong ng makaramdam siya ng hapdi.

May tinusok ito sa kanyang leeg. Lumabo ulit ang lahat at nawalan na naman siya ng malay.

NAGISING siya ng maramdamang may humahaplos sa pisngi niya.

Hindi siya gumagalaw. Nakiramdaman lang siya.

"Malakas kang babae hija. Malalagpasan mo ito." Nalito siya sa narinig kaya minulat niya ang mga mata. Malabo pa iyon hanggang naging malinaw. Isang nakangising matanda ang bumungad sa kanya.

It is not her Lola Cecelia. Walang glasses na suot ito habang ang kanyang lola ay mayroon.

She's too curious to know why this woman in front of her cry.

"Who are you?"

Pinunasan nito ang luha at niyakap siya. Gustong niya sanang itulak pero baka mapano ang kanyang baby kaya hindi niya nagawa.

There's something in her that wants her hug. It feels comfort.

"Nagising ka narin hija. Akala ko matagal-tagalan pa." Kumunot ang noo niya sa narinig. Anong pinagsasabi nito?

"Sino po kayo?"

"Hindi mo ako naalala?"

Umiling siya bilang sagot. "Ako yung niligtas mo sa barko! Ako si Samantha." Anito at ngumiti.

Tumango lang siya. "Yung baby ko po?"

Nag-iwas ito ng tingin. Ano ba ang nangyari at walang gustong tumulong sa kanya. Ni sagotin ang kanyang tanong ay wala.

"Hija... sana maintidihan mo."

"What do you mean po?" Nanginginig na ang kanyang labi.

"Ginawa na namin ang lahat hija.  Maraming dugo ang nawala sayo. She didn't make it. I'm sorry."

Mapakla siyang ngumiti. Sana pinatay nalang din siya kung ganoon.

"Sinabi niyo pong wala na ang anak ko?"

"I'm sorry hija... I'm sorry. Ginawa na namin ang lahat bu-"

"Kung ginawa niyo na ang lahat, bakit siya nawala? Sana pinatay niyo nalang ako! Sana siya yung niligtas niyo at hindi ako! Wala naman akong saysay sa mundong ito eh! Para narin niyo akong pinatay sa sinabi niyo!"

May pumasok na lalaki sa silid. Lumapit ito sa matanda. Bumaling ito sa kanya at galit siyang tiningnan. Anong karapatan nito?

"Respetuhin mo naman si lola. Wag mong pagsalitaan ng ganyan."

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon