Kabanata 6

4.5K 75 1
                                    

Ang Pagkamahina

FEEL na feel na kumain si Sofia sa tinolang manok na niluto ni Tristan.

Infairness masarap ito. Lasang lasa. Hindi niya pinansin ang pagtingin sa kanya ng binata. Kumain lang siya ng kumain. Totoo palang ilang araw na siyang walang kain dahil ikadalawa na siyang nagpakuha ulit ni Tristan ng kanin.

Inangat niya ulit ang kanyang paningin at napaubo siya ng nakitang nakangiti ito.

Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng tubig."Hinay-hinay lang Sofia. Marami pang kanin dun. Hindi mo iyon mauubos." Sabi nito habang tinanggap ang baso.

"Wag mo kasi akong tingnan, naiilang ako." Nahihiya niyang paliwanag.

Humalukipkip lang ang binata. "Ang ganda mo kasi, kaya hindi ko mapigilang sulyapan ka." Yumuko na lamang si Sofia. Ayaw niyang ipakita na naaapektuhan siya sa sinabi nito. Pumula kasi ang pisngi niya.

"Wag mo akong bolahin." Sabi niya at sumubo ulit.

Pero mukhang hindi nakinig ang binata dahil binola siya ulit nito. "Totoo naman ah! Maganda ka kaya. Ang taas ng ilong mo tapos ang pula pa ng labi mo." Sabi nito at humiga sa tabi niya.

Dito mismo siya sa kwarto ng binata kumain. Wala na siyang lakas kanina para maglakad. Mabuti lang at hinayaan siya ng binata na dito mismo sa kama nito kumain. At ito pa ang naghatid at naghanda ng kanyang makakain.

"O sige na! Wag ka nang makulit! Tatanggapin ko na ang sabi mo na maganda ako. Sanay naman ako na sabihin sakin yan ng mga tao." Sabi niya at sinulyapan ang binata. Kumunot ang noo niya sa nakita. Nag-aalab ang galit nito sa asul nitong mga mata. At umigting rin ang panga nito.

"Maraming nagsasabi sayo na maganda ka?" Mariing tanong nito.

Ngumiti siya bago sinagot ang tanong. "Oo! Maraming nagsabi na maganda nga ako pero di matatapos ang pangungusap kung walang magsasabi na maganda nga..." Lumunok muna siya bago nagpatuloy. "pangit naman ng pag-uugali." Bago pa ito magreact, nagsalita na naman siya. "Pero wag kang mag-alala magiging mabait ako sayo. Asset kita eh!" Masiglang sabi niya at kinindatan ang binata. Nagpatuloy rin siya sa pagkain.

"Tss. Wag kang maniwala sa kanila. Mabait ka naman kung ikaw ay kilalanin." Anito at tinaasan lang niya ng kilay.

"Ilang oras pa lang tayong magkakakilala Tristan kaya wag kang magsalita ng tapos."

"Tss. Tigas talaga ng ulo mo." Namula siya ng may maalala. Anong matigas? Sinunod naman niya lahat ng utos nito. Lahat lahat.

Iniba niya ang usapan dahil alam niyang pulang pula na nang kanyang mukha. At ilang sandali nalang liliyab ulit ang pagnanasa sa kanyang katawan.

"Bakit nga pala ikaw lang sa islang ito?" Tanong niya. Segundo muna ang lumipas bago sumagot ang binata. Parang nag aalinlangan pa nga ito.

"I own this island Sofia." Nahulog ang kutsara na kanyang hinawakan dahil sa narinig.

"Kaya lahat ng nandito sa isla ay pagmamay-ari ko. Pati ikaw Sofia. Akin ka." Natigilan siya. Pano siya maging sa kanya na nandoon pa ang kanyang puso kay Miguel. Hindi pa niya ito nabawi. Hindi pa niya muli naayos ang kanyang nawasak na puso.

"Kung ganoon, ang yaman mo pala." Komento niya.

"Hindi. Hindi ako mayaman. Isang trabahante lang ako sa kompanya ng mga Pantoja." Natigil siya sa pagkain sa narinig. Trabahante? Isang kalokohan iyon. Pano nito makapagmay-ari ng isang isla kung trabahante lang ito.

Hindi pa siya nakapagsalita ng sinagot na nito ang katanungan sa kanyang isip. "Pamana ito ng aking mga magulang. Sila ang dahilan kung bakit meron ako nito."

It Might Be YouWhere stories live. Discover now