Kabanata 7

4.1K 72 0
                                    

        NAKITA ni Sofia si Tristan sa kusina. Nasa hapag ito. May hawak itong mangga. Tinitigan lang niya si Tristan.

Minuto na ang lumipas ngunit parang hindi kumilos ang piluka ng lalaki. Bumaba ang tingin niya sa dala nitong mangga na mahigpit ang pagkakahawak.

Kumunot ang noo niya. Anong nangyari kay Tristan?

Galing kasi siya sa dalampasigan. Naglakad lakad siya. Nag baka sakaling may makitang tao, barko o bangka. Kahit ano na makatulong sa kanya makabalik lang sa Manila.

Alam niyang nag alala na ng sobra ang kanyang lola. Baka atakihin ito sa puso. Kahit tawag lang ang kanyang magawa. Mapa alam lang na buhay siya.

Kahit probinsiya ang La Libertad alam niyang naabot na doon ang balita na nalunod ang kanyang sinakyang barko.

Siguro ang saya saya na ng mga tao doon. Patay na ang kontrabidang si Sofia. Ngunit nagkakamali sila. Buhay pa siya at maghihiganti siya sa kanila isa-isa. Lalo na si Lourdes. Ang kanyang makating pinsan. Ipaparamdam niya ang paghihiganti ng isang api.

Sinabi niya noon na hindi na siya ulit babalik ng La Libertad ngunit kinain lamang niya ang kanyang salita.

Ang buhay niya ngayon ay isang biyaya galing sa Maykapal. Pangalawang buhay na niya ito at hindi niya ito sasayangin.

Alam niyang may dahilan kung bakit nabuhay siya ulit. Tuturuan niya ng leksyon ang lahat ng umapi sa kanilang mag ina.

Maghihiganti siya.

Hindi habang panahon nasa ibabaw ang mga umapi sa kanya. Minsan nasa ilalim rin ng mga ito. At sisiguraduhin niyang siya ang dahilan ng pagbagsak nila.

Napangisi nalang siya sa kawalan.

Naalala niya ang lalaking tumulong sa kanya."Ang bata!" Bigkas niya kaya iyon ang dahilan kung bakit gusto niyang maka usap ang binata.

Magtatanong siya kung may nakita ba itong litrato sa kanyang short. Doon kasi niya iyon nilagay.

Ngunit ito ang naabutan niya sa kusina. Nakatunganga lang ito at ang lalim ng iniisip.

Sa ilang oras na kasama niya si Tristan ang pag igting ng panga ang kadalasin niyang mapapansin. Palaging naka igting ang panga nito. Parang palaging galit.

Ngunit mas lalo siyang ginanahan pagmasdan ang mukha nito.

Ngumisi muna siya bago lumapit sa binata.

Ang sungit kasi... Iniwan na naman siya kanina.

Gusto lang naman niyang magpaturo. May maganda siyang boses ngunit hindi niya alam pano tumugtug ng kahit na anong instrumento.

Hindi siya marunong. Pagkakataon na sana iyon kanina ngunit sinungutan lang siya.

"Hi Tristan! Nasaan pala yung damit ko? May nakita ka bang litrato sa bulsa dun?" Masigla niyang tanong.

Hindi kumibo ang binata kaya hinawakan niya ang balikat nito.

Sa paglapat ng kanyang kamay sa balikat ng binata marahas nitong hinawi ang kanyang kamay.

Nabigla siya sa ginawa ng binata.

Mabilis itong tumayo at marahas na kinuha ang kanyang dalawang kamay.

Parang wala sa sarili ang binata.
Nag aalab ang galit sa mga mata nito.

Napadaing siya sa sakit ng naramdaman niya ang paglapat ng kanyang likod sa pader.

Marahas ang pagkakagawa noon.

"Tristan!" Natatakot na siya. Ang kanyang dalawang kamay ay nasa ibabaw ng kanyang ulo.

It Might Be YouWhere stories live. Discover now