Kabanata 21

3.1K 55 1
                                    

Death



     NAGTATRABAHO siya ng maagi para sa kanyang anak. Gagawin niya ang lahat para lang dito.

Pagmaka-ipon ay lalayo siya at mamuhay mag-isa. Doon niya isisilang ang kanyang anak.

Malapit nang lumaki ang kanyang tiyan kaya todo kayod siya.

Aalis siya ng Manila bago pa ito malaman ng lahat.

Puprotektahan niya ang bata. Ilalayo niya ito.

Hindi niya hahayaang may manakit dito.

Papatayin muna siya bago nito saktan ng kung sino man ang kanyang anak. Puprotektahan niya ito sa lahat ng kanyang makakaya.

Mamahalin niya ito ng buong puso. Aalagaan niya higit pa sa pag-aalaga ng kanyang ina sa kanya. At papasayahin sa kanyang makakaya.

Hindi niya iparamdam dito ang sakit na kanyang naramdaman. At hindi niya ito ipapakilaka kay Tristan.

Over her dead fvcking body!

"Sofia ano ito?" Nanlaki ang kanyang mata sa nakita.

Hawak ng kanyang ama ang pregnancy kit na kanyang ginamit.

Paano nito nalaman? Paano ito napadpad sa kanyang kwarto? Ito ang unang pagkakataon na pumasok ang kanyang ama sa kwarto at nangingi alam sa gamit niya.

"Hindi po ‘yan sa akin tay."

Magmamano sana siya ngunit malakas siya nitong sinampal.

Natumba siya sa sahig. Hinawakan niya ang kanyang tiyan. Hindi siya lalaban para hindi ito masaktan.

"Anong hindi? Sabi ng kapatid mo matagal kang di bumalik dito dahil sumama ka sa ibang lalaki. Nakipag tanan ka!"

"Ugh!" Napasigaw siya ng sipain siya ng kanyang ama.

"Wala kang utang na loob! Pinag-aral kita. Binihisan. Tapos ito ang isusukli mo sa amin?"

Kinuha nito ang buhok niya at marahas na pinatayo.

"Tay. Maawa po kayo. Wag po.... Pabayaan niyo lang po ako. Hayaan niya akong umalis." Pagmamakaawa niya.

"Ahh!!" Napasigaw siya ng sinabunutan siya nito lalo at iminusmos ang mukha sa lamesa.

"Maawa po kayo tay..." Nanginging na siya sa takot. Ang anak niya… ang baby.

Pinakawalan siya nito pero hinagis na parang bagay.

Dumugo ang kanyang siko sa nangyari.

Tatayo na sana siya ng may makitang paa sa kanyang harapan.

Tinaas niya ang ulo para humingi ng tulong.

Laking gulat niya ng makitang sino yun.

"Patrixia."

Anong ginagawa ng babaeng yan dito?

"Suprise step-sister."

Napaka bobo niya pala. Hindi niya naisip na anak pala ito ng ina-inahan niya. Patrixia galing sa pangngalang Trisha. Manang-mana sa ina, malansa ang pag-uugali. Malansa pa sa mabahong isda.

Gusto niyang sampalin ang babae. Siya ang may kasalanan ng lahat! Siya ang sumira sa relasyon nila ni Tristan!

"Daddy. Ako na po ang bahala kay Sofia."

Tiningnan niya ang ama at umiling. Papatayin siya ng babaeng ito. Papatayin siya.

"Ikaw na ang bahala jan. Na stress pa tuloy ako."

Tiningnan niya ito paalis nang may malakas na pwersa na kumuha sa buhok niya at pilit siyang pinatayo.

Shjt. Yung baby baka may mangyari.

"Tingnan lang natin hanggang saan ang makakaya mo."

"Patrixia. Sorry na. Please. Pakawalan mo ako. Pabayaan mo na ako."

"Ugh!" Napasigaw siya ng saklutin nito ang kanyang buhok. Napaka sakit niyon.

"Bakit pinabayaan mo ba ako? Kami ni Tristan. Diba hindi? Kaya ito ang nararapat sayo."

Kinaladkad siya nito palabas ng bahay at pinasakay sa sasakyan.

Saan siya nito dadalhin? Anong gagawin nito sa kanya.

Mas pinaamoy sa kanya si Patrixia at unti-unti siyang nawalan ng malay.



NAPASIGAW sa sakit si Sofia ng magising siya.

Wala siyang ibang makita. Madilim sa lugar kung nasaan man siya ngayon.

Nakagapos ang kanyang kamay kaya hindi niya mahawakan ang tiyan.

Yung baby niya. Ano nang nangyari? Baka may nangyari masama dito. Pero wala naman siyang dugo na nakita. "Kumapit ka lang diyan baby. Be strong for mommy." Aniya sa kanyang isip.

Papatay talaga siya pag may mangyaring masama sa kanyang anak. Mapapatay talaga niya ang babaeng iyon.

"Patrixia! Lumabas ka diyan! Magbabayad ka!" Sinigurado niyang dumadaloy ang galit sa kanyang bawat sigaw.

Hindi nga siya nagkamali lumabas doon ang babae. Maganda sana ang pangit lang ng ugali. Ang dami talagang santa santina sa mundo ngayon.

"Hi dear stepsister." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

Tinaas niya ang kilay at niluwaan ang mukha nito.

Napangisi siya sa ginawa. Yan ang nababagay sayo.

Dumilim ang paningin nito at marahas na hinawakan ang kanyang buhok.

Napasigaw siya sa sakit.

"Ugh!" Parang nakuha na ang kanyang buhok.

"Pakawalan mo ako Patrixia. Wala naman akong ginawang masama sayo! Pinabayaan ko na kayo ni Tristan!"

Mas sinabunutan siya nito lalo at sinampal siya ng malakas.

Natumba ang silya na kanyang inupuan. Shjt! Napakasakit sa pagtama ng kanyang ulo.

Pero titiisin niya wag lang masaktan ang bata.

"Umalis ka nga pero wala na si Tristan sa akin! Ano ba ang sinabi mo sa kanya at hindi na niya ako pinapansin? Hah?”

Umiling siya.

"At itong nasa sinapupunan mo." Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang hawakan ng babae ang kanyang tiyan.

"Wag ang bata please." Mistulang sabi niya sa kanyang isip. Nagdadasal na walang masamang mangyari.

"Kailan nitong mawala. Kailan niyong mawala. Kailan niyong mawala sa buhay ko!"

"Ahhh!"

Sinipa ng babae ang kanyang tiyan.

"No. No. Please No.”

Nataranta siya ng makakita ng dugo.

Dumadaloy iyon sa hita niya.

Mabilis siyang bumaling sa babae. Nanlaki ang mata niya, hindi alam ang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang uunahin.

"Yung baby ko.... yung baby."

Tumingin siya kay Patrixia. "Maawa ka Patrixia. Iligtas mo ang bata."

Kahit nakagapos ang kanyang kamay gumapang siya patungo sa babae.

Hindi ito nakagalaw sa pagkabigla. Lumapit siya at naiiyak na hinalikan ang paa.

"Patrixia... ple-please." Tao parin ito at nakakaramdam. Maaawa ito sa kanya. Naniniwala siya doon.

"Ahh!" Napakasakit na talaga ng tiyan niya. Parang nabibiyak narin ang kanyang ulo sa sakit.

Nilabanan niya iyon lahat para sa kanyang anak. Hindi ito pwedeng mawala. Hindi ito isang pagkakamali. Ito ang bunga ng pagmamahalan nila ni Tristan.

Hindi na niya kayang tabunan ang nararamdaman. She still love Tristan. Hindi niya ito kayang makalimutan. Ito ang buhay at ang maging anak nila ang gagawin niyang sandata para lumaban. She will fight and make sure she will win the game.

Tiningnan niya lang si Patrixia. Hindi parin ito nakagalaw. Nanginginig ito katulad niya.

Gusto nang pumikit ng kanyang mata sa sakit pero nilabanan niya.

No. Not this time.

Nakarinig siya ng malakas na tunog. Maraming tao ang pumasok. Mga kalalakihan.

"Help me. Please..."

May isang matanda na lumapit kay Patrixia at sinampal ang babae. Tinadyakan at kung ano pa.

What happened? Bakit hindi siya tinulungan ng mga ito? 

And her tears started to flow when she saw him.

Pumasok ito sa kwarto.

It’s him. Really him. Her hero. Her knight and shining armor.

But that's she thought. Hindi ito lumapit sa kanya bagkus nakipag-away ito sa matandang lalaki.

He came here not for her but for Patrixia. Akala niya lang pala lahat. Hindi pala siya nito ililigtas pero si Patrixia.

Mabilis niyang napatumba ang matandang lalaki at tinulungan makatayo si Patrixia. Tiningnan niya lang ang bawat nangyari.

Nag simula nang lumabo ang kanyang paningin.

Nag-usap si Tristan at si Patrixia. And everything went to slow motion. Unti-unting tumingin sa kanya ang dalaga at si Tristan naman.

"Tristan."

He smiled, she smiled back. Katulad nang palagi niyang ginagawa.

Nilapitan siya nang binata. He caress her cheeks. Hindi na niya marinig ang sinabi ni Tristan. Sunod-sunod na putok ang kanyang narinig. May dugo na lumabas sa bibig ng binata and everything went black.

It Might Be YouWhere stories live. Discover now