Kabanata 9

4.2K 72 1
                                    

Falling

MASAYANG nagkukwentuhan si Sofia at Tristan sa dalampasigan.

Pareho silang nakaupo sa buhangin.

Hindi inaasahan na makakaranas ng ganitong kasiyahan si Sofia. Kung sana ay mas unang dumating sa buhay niya si Tristan, hindi sana siya nasaktan ng ganito.

Hindi niya sana iiwanan ulit ang kanyang lola.

"Yung liwanag lang yung huling nakita ko. And tadah! Andito na ako sa Isla de Espadana." Masaya niyang paliwanag kay Tristan.

"Mahal mo ba pa si Miguel?"

"Ewan. Hindi ko alam." Mukha kasing nahuhulog na ako sayo.

Ilang oras pa lang kitang kilala pero iba na ang epekto mo sa akin.

Imbes na mahaba ang kanyang sasabihin iyon nalang ang kanyang nasagot.

Wala namang silbi kung ipapaalam pa niya ang kanyang nararamdaman.

The feeling's not mutual. Masasaktan lang siya. May Patrixia ito. Eh siya? Wala.

"Tsk. Ano ba iyang sagot mo." Napapatawa siya sa reaksyon ni Tristan.

Tunog pagseselos kasi iyon. Pero may Patrixia ito kaya imposible. Kung siya ang una nitong nakilala mamahalin ba siya nito katulad ng pagmamahal ng dating kasintahan?

Kahit anong kulit niya kay Tristan walang lumabas na salita tungkol sa buhay nito. Estranghero parin ang dating nito sa kanya.

Hindi naman niya pinilit. Nasa teritoryo siya nito kaya ayaw niyang galitin baka hindi na siya makaka uwi pa.

"Uy Tristan... Sige na. Ikaw naman yung mag kwento." Patuloy niyang pangungulit.

"Yun na nga yun. Wala na akong magulang. Wag mo na akong kulitin." Nasaktan siya sa sinabi nito.

Mukha hindi talaga niya ito mapapakwento.

Tumahimik na lamang siya. Baka sa susunod na salita niya ay mas masakit pa ang ibabato nito.

Ginuguhit guhit niya ang pangngalan sa buhangin.

Paulit ulit iyon. Sofia Annie Lacorte.

Parang bata talaga ang pangngalan niya.

"Halika ka nga rito." Napabaling siya sa kanyang katabi. Paano siya lalapit kung katabi niya lamang ito?

"Tsk." Ito na mismo ang lumapit sa kanya. Ilang pulgada lang ang distansya nila sa isa't-isa kaya sa paglapit nito naglapat ang kanilang balat. Para siyang nakuryente sa nararamdaman.

Hindi talaga ito pwede. Masasaktan lang siya kung ipagpatuloy niya. Masasaktan lang siya sa huli. Iiwan lang siya nitong luhaan.

"Ang bilis mong magtampo."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Sofia. She have this feeling that she can't explain.

Lalo na ngayon na umakbay ito sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang muscles sa balikat nito.

Inipit pa siya nito lalo. She stiffened. Electricity flows down her body.

"Wag ka nang magtampo Sofia. Promise sasagutin ko na iyang mga tanong mo."

Pumula lalo ang mukha niya sa narinig.

This is ridiculous. Being in love is ridiculous.

"Talaga? Lahat?"

"Depende. Basta mag tanong ka nalang." She smiled. Shit! Kinikilig talaga siya. Hindi niya mapigilang mapa ngiti.

Alam niyang pulang pula na ang kanyang mukha ngayon. She smiled again at tinago ang mukha sa dibdib ng binata.

It Might Be YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora