Case 20.2 - Dating the Detective

Magsimula sa umpisa
                                    

Uso pa ba ang ring back? Malaman naiwang ng saldita ang cellphone niya.

Kinalkal ko ang bag ni Dindin at nakita ko nga doon ang cellphone. Pati credit card niya, hinanap ko rin, at noong mahanap ko iyon, nagulantang ang buong pagkatao ko.

Never pa siyang tumakas ng walang dalang cellphone lalo na ang credit card.

"Nasaan na siya? Wag mon sabihing nilayasan niya tayo? Paano na ang taping? Alam mo bang pwede akong magdemanda sa ginagawa niya?!!" pagwawala ni Director Lim pero hindi ko na lang pinansin.

Napatulala ako habang hinihilot ang sentido ko. Alam kong kayang ipagtanggol ni Dindin ang sarili at hindi basta-basta nagpapa-api, pero may hagganan ang tapang niya.

"Alam ba niya kung magkano.. asdfghjklqwertyuiop!!"

Alam kong nagsasalita pa si Director Lim pero hindi ko na talaga siya maintindihan.

Paano kong na-kidnap si Dindin? Kung anong ikina-lakas ng loob niya, siya namang pagka-iyakin niya.

Nanginginig man ang mga daliri ko, dinial ko ang number ni Shel.

"Hello? Nandyan ba si Dindin?"

Ang luka-lukang si Shel lang kasi ang bukod-tanging artistang nagtagal na ipagsiksikan ang sarili niya bilang kaibigan namin.

Napabuntong-hininga ako nang ibaba ko ang phone.

"Ano? Ha? Nasaan?" tanong ni Director Lim.

I shook my head for an answer.

"Ano bang gustong patunayan ng alaga mo? NA NAGKAMALI AKO SA PAGPILI SA KANYA?!" patanong na sigaw na naman niya.

"Rish, let's wait. For sure, she'll be back." nilapitan ni Shane ang manager niya pero sinigawan lang rin siya nito.

"WAAAIIT?! Iyan nga ang ginagawa ko kanina pa!! E gaano katagal pa ba? Napaka-importante naman yata niya!!"

"Hindi mo siya kasama? S-Sige Ailyn. Salamat." napapikit ako ng madiin nang tapusin ko na naman ang isa pang tawag.

I grabbed my car key then stood up.

"Saan ka pupunta?"

Kanina pa inuubos ng echoserang ito ang pasensya ko! Kitang nag-aalala na nga ako, puro pa siya eklavu at chuchu. Malapit ko na itong pakitaan ng 'sabunot at sampal with feelings!'

"Hahanapin ko siya." madramang sabi ko sa machong boses, sabay malanding takbo palabas.

SLY {Fall for a Detective}  [O-N-G-O-I-N-G]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon