Chapter 32 ♥ Acapella Song

Start from the beginning
                                    

"Alam nyo nagsasawa na akong makita ang mga kabastusan nyo rito sa school na 'to. Para kayong hindi mga estudyante, dinaig nyo pa ang mga hayop sa zoo na walang ibang ginawa kundi kumahol ng kumahol."

May isang estudyanteng lalaki ang humakbang papaharap.

"Ano bang pinagmamayabang mo? Akala mo kung sino ka ah." Sinipa nya pabalik sa akin ang upuan na sinipa ko kanina. Napigilan ito ng paa ko kaya hindi ito nakalapit sa akin. Ngumisi ako sa kanya. Buti na lang dito sa school na ito, there's no boundaries. I can do whatever the hell I want. Walang makakapagil sa akin, walang bawal. At yun ang masaya. 

Umayos ako ng tayo at taas noo syang tiningnan. Lumapit sa akin si Clarisse at bahagyang hinila hila ang braso ko. 

"Ano ba Serene, wag mo ng patulan." Bulong nya sa akin. Hahakbang na sana ako papalapit sa lalaki ng biglang tumunog ang bell. Dahan dahang nagsipasukan ang mga estudyante sa loob pero ang lahat ng mata ay sa akin nakatuon. Umupo yung lalaki na may matalim na tingin sa akin at sa oras na yun alam ko, may bago na akong kaaway sa school na ito. 

 Dumating si Pietr at as usual, pinagtitilian sya ng mga estudyante. Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa huminto sya sa harap namin ni Clarisse. May ibinulong sya saglit doon sa babaeng katabi ko. Bulong na naging dahilan para umalis sya sa upuan nya. Nagkindatan pa sila sa sa isa't-isa bago sya umupo roon sa tabi ko. 

Inaayos nya ang mga gamit nya sa bag. "Oh," sabi nya noong mapansin ako na nakaupo sa tabi nya. Kung makapagreact parang hindi nya alam na katabi ako. Psh. "Seatmate eh?" 

Mabilis na tumabi si Clarisse sa kanya. Pinapagitnaan na namin sya ngayon. 

"Hi Pietr my loves!" kaway ni Clarisse sa kanya. Ngumiti lang sya rito. Hindi ko na sila pinansin noong magsimula silang magkwentuhan at magtawanan. 

Pero teka, Pietr? Hindi man lang nya pinalitan ang pangalan nya? Kunot noo ko syang nilingon. 

"Hoy. Psst." Kung makasitsit ako sa kanya akala mo hindi ko sya katabi. Taas kilay nya akong tinuran. Ibinaba ko ang boses ko para walang makakarinig. "Hindi mo ba pinalitan yung pangalan mo para sa misyon na ito?" 

"I did." kibit balikat nitong sagot. 

"Eh bakit yung pangalan mo pa rin ang tawag sayo ni," tumingin ako sa paligid. Ichinecheck kung may nakikinig ba o wala. "Anna?" 

"I am introduced as Alexander Pietr Atillo so it's not a big deal." kibit balikat nya ulit. "Anyone can call me Alex, Alexander, Pietr, whatever." 

"Oo nga kasi Retokada." sabat ni Clarisse na nagmake-face sa akin. Humarap ulit sya kay Pietr pero this time napakalaki na ng ngiti nya. "Ang gwapo naman ng pangalan mo, kasing gwapo mo! Buti ka pa may magandang pangalan." Ibinalik nya ang matalim na tingin sa akin. "If its not because of this frea-- Retokada, my name should have been so beautiful too." 

"Ha-ha." Inirapan ko sya. Irap na napakatalim. "Sino kaya ang unang nagpangalan sa akin ng Retokada di ba? Bumawi lang ako Bagonggahasa." 

Kung hindi lang sana sya umepal, sana dala ko na ang apelyido ni Jace! Huhu. 

Hindi na sya nakapagsalita dahil pumasok na ang teacher namin para simulan ang unang klase. Gayunpaman, patago nya akong binatuhan ng papel. Inis syang bumelat sa akin noong tumingin ako sa kanya.

Inilihis ko ang tingin sa babaeng tinulungan ko kanina. Nandoon lang sya sa may gilid, tahimik na nakikinig. I wonder kung may kaibigan sya. 

Dumaan ang mga sumunod na klase at sa mga klaseng iyon, wala si Pietr. Napapansin ko na madalas ay sa unang klase lang sya pumapasok. Saan naman kaya nagpupunta ang isang iyon? Pero madalas ko ring napapansin na masyado yatang syang naging masayahin nitong mga nagdaang araw. Napakarami na nyang kaibigan dito. Madalas ko syang nakikitang nakikipag-usap at nakikipagbiruan sa mga lalaki man o babae. Noong isang araw nakita ko pang ninakawan sya ng halik ng isang babae sa pisngi. Wala syang ginawa kundi tumawa. Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Sa ikinikilos nya parang hindi ko na sya kilala. 

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now