Huminto kami sa bukana ng red carpet para sa picture taking. Medyo hinila ako ni Franz patagilid. "Face me." Utos niya sa akin.

"Huh?"

"Humarap ka sa akin para hindi ka masyadong malantad sa camera, kung ayaw mong maging ikaw ay pagkaguluhan na rin sa hinaharap." 

Sinunod ko ang gusto niya. Medyo tumagilid ako at nagtago sa dibdib niya. Panay ang flash ng camera kaya medyo nakakasilaw.

"Who is this beautiful lady, Franz?" Tanong ng isang reporter sa kanya.

"Ah friend." Simpleng sagot niya.

Napaayos ako ng tayo at napatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala na talaga palang magkaibigan ang turing niya sa akin. Akala ko kasi dati, ako lang ang nagke-claim na kaibigan ko siya. Akala ko ang turing niya sa akin ay isa lamang matagal ng kakilala.

"She's beautiful. Are you courting her?" Tanong ng isa pa.

Napatingin na rin muna sa akin si Franz bago sumagot. "No." Maikling sagot niya sa reporter.

"What is your name, Miss?" Oh great! Ngayon naman, ako ang kinukulit nila! Artista ba ako? Ngayon ko lang narealize na mahirap din pala ang buhay ni Franz nitong nakaraang 4 years. Mahirap ang mawalan ka ng privacy.

Itinulak ko ang mic at recorder na mga nakatutok sa bibig ko at nagpakasubsob na ako sa dibdib ni Franz. Akala ko nananaginip lang ako ng yakapin niya ako ng isang kamay. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko. Parang biglang naging jellyace ang tuhod ko. Kinikilig ako! 

"Huwag na ninyo siyang isali, hindi naman siya artista." Malamig na sabi niya sa mga reporter at naramdaman ko na lang na naglakad na kami papasok.

Lalo lang nagkagulo ang mga reporters. Para silang mga bubuyog na sumunod sa kanilang beehive. Lalong lumakas ang kanilang mga tanong na parang mga bangaw. Pero kinikilig ako dahil pinorotektahan ako ni Franz the wholetime hanggang sa makapasok kami ng tuluyan.

"Thank you!" Sabi ko sa kanya ng sa wakas ay nasa loob na kami.

Napansin kong namula ang pisngi ni Franz. Oh great! Nagkakaroon na ata ako ng epekto sa kanya! Lucky day ko ba talaga? Pakiramdam ko, ang swerte ko tuloy!

"Franz.." Naputol ang titigan namin ng lapitan kami ni Sir Lance Lao. Siya ang handler nila ni Von. Bestfriend niya ang magulang ni Von kaya nakilala niya si Franz.

"Sir, good evening po." Halos sabay naming bati.

Ngumiti lang siya sa akin at bumaling na kay Franz. "Pasensya ka na kung wala si Miss Mye na assistant mo. Sino bang mag-aassist sa pagbibihis mo?" Tanong niya habang naglalakad na kami papuntang dressing room.

"Sir, siya po ang tutulong sa akin. Si Stephanie po." At ipinakilala niya ako kay Sir Lance.

The StarWhere stories live. Discover now