Chapter 54 - The Aftermath

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit ka andito Lance? Pwede ba? Umalis ka nga... humanap ka ng ibang bar" sabi ko sabay lagok ulit ng alak. 

"Bakit mo ba ginagawa yan? Tanga ka ba o tanga ka lang talaga?" =___= Pakyu to si Lance. Pakyu! Pakyu world! Pakyu life! Sarap magmura shet!

"Gago" sabi ko, iinumin ko na sana yung alak ko nang hawakan ni Lance ang braso ko.

"Tigilan mo na nga yan, alam mo namang kahit mataas ang alcohol capacity mo, malalasing at malalasing ka pa din" -Lance

"Yun na nga ang point dun eh, ang malasing ako.. ang makalimot kahit papaano! PUTA LANCE ANG SAKIT! Ang sakit sakit nang ginawa niya!" Pumatak na naman ang luha ko. Hinigit ako ni Lance at niyakap. 

Pwede bang siya na lang yung nandito? Ice.. miss na miss na miss na kita. 

"Shhh... sa tingin mo bakit niya ginawa yon?" hinawakan ni Lance ang magkabila kong pisngi at pinaharap ang mukha ko sa mukha niya. "Kasi mahal ka niya, sa sobrang pagmamahal niya sayo, gumawa siya nang paraan para makuha ko, oo ang selfish ni Ice pero ano nga bang magagawa mo kung ang gusto mo lang naman ay makasama ang taong mahal mo di ba?" 

Ang selfish selfish niya. 

"Lance, mahal na mahal ko ang lalaking yon! Ang piping Ice na yon na minsan lang magsalita! Ang Ice na yon na lagi kong nakukuhanan ng pagkain.. ang Ice na lagi akong inaasar... ang Ice na.." hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

Ang Ice na?

niloko at sinaktan ako? Ang Ice na ginamit ang mga kaibigan ko? Ang Ice na dahilan nang pagkawala ni Jake? Ang Ice na sinaktan ang bestfriend kong si Hannah? 

Hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng luha ko.

"Daniellaaa?" hindi na ako nakasagot sa tawag niya dahil nagblack na lang kaagad bigla.

XXX

LANCE POV

Shit naman si boss oh! Nahimatay pa -___- Dahil siguro sa sobrang kalasingan, sabi kasi nung bartender halong limang oras na nandun si boss at nag iinom. Tae kasi. Tsk.

Binuhat ko siya tapos pumara na ako ng taxi. Dyahe naiwan ko kasi motor ko =_= Hay nako. Dun ko muna siya iniuwi sa condo ko. >_> Bago lang naman tong condo na to, simula nung kinasal si Janine. Di ko na lang sinabi sa iba na meron na akong condo, mainggit pa mga yun.

"Ice~ Ice... bakit? Bakit mo nagawa yon?" Nag issleep talk si Daniella habang buhat buhat ko. Inihiga ko na siya sa kama. Aalis na sana ako nang hinigit niya ako at niyakap.

"Ice.. mahal pa rin kitang gago ka" bulong niya habang mahigpit akong niyayakap. =_=

Ugh. Ang hirap namang alisin tong mga kamay ni boss.

A Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon