Wala na sa amin ang naglakas loob na umimik. Alam kong naguguluhan si Renzo at kinakabahan at the same time. Kinakabahan din naman ako pero buo na ang loob ko, aamin na ako kay mama.

Sakto ang pagbalik ni mama dahil tapos na kaming kumain, kukunin na sana niya ang aming pinagkainan pero sabay kami ni Renzo na pigilan para gawin iyon.

"Ako na po!"  halos sabay na tinig namin ni Renzo. Hindi ko alam kung anong klaseng reaksyon ang ibinigay ni mama, para siyang natatawa na nawe-weirduhan sa akin. Bakit ba kanina pa siyang mukhang kalmado? Hindi ako nakakakita ng galit sa mukha niya? Hindi kaya alam na ni Mama ang lahat at tanggap na niya iyon?

Nagpauyuhan pa kami ni Renzo kung sino ang maghuhugas ng pinggan, sinabi na kasing ako na lang, nagpupumilit pa siya na siya na lang daw.

"Ako na nga dyan!"  naiinis na sabi ni mama at inagaw niya ang pwesto sa may lababo. "Sabihin nyo na kung anong sasabihin nyo, makikinig ako."  kalmadong tinig ni mama.

"Uhhm, ma .. "  feeling ko biglang umatras ang dila ko. 

"Alam kong malaki ang tiwala nyo sa akin." panimula ko. Bakit ganun, nanginginig ang mga labi ko at ang mga luha sa mata ko'y nagbabadya nang pumatak. "Sorry po, sinira ko lang iyon." hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo ako papalapit kay mama at niyakap siya ng mahigpit.

"Sorry po, di ko po napigilan ang sarili ko na magmahal at sorry po dahil nilihim ko ito sa inyo." at tuluyan na ngang kumawala ang mga luha ko.

Humarap si mama sa akin, hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa nagtutubig kong mata pero alam kong umiiyak din siya.

"Jusko, dalaga na nga ang anak ko." nangingiyak niyang sabi at niyakap muli ako. "Naiintindihan naman kita. Naiintindihan ko kung bakit mo ito nilihim sa akin."

"Sorry Ma."

Pinahid niya ang luha ko, "Palagi kong binibilin sa iyo na huwag ka muna magnonobyo pero hindi ko man lang naisip na nagdadalaga ka na, marararanasan mo rin ang magmahal at iyon hindi natin kayang pigilan."

"Anak, nasaktan ako kasi naglihim ka sa akin. Hindi ko napansin na sa paghihigpit ko sa'yo ay lumalayo na ang loob mo sa akin."

"Hindi naman ganun yun Ma!"

"Ang ibig kong sabihin, hindi na tayo yung dating open sa isa't isa. Natatakot ka magshare sa akin dahil alam mong tututol ako roon."

Hindi na ako nakapagsalita dahil ganun nga ang totoong nangyari.

"Ayaw kong maulit pa ito, anak. Ayaw kong maglilihim ka pa sa akin. Hangga't maaari ay maging  transparent tayo sa isa't isa."

Tumango lang ako habang patuloy na umiiyak. "Mahal ko po si Renzo." lakas loob na pag-amin ko. "Pero mas mahal ko po kayo kaya kayo ang susundin ko."

Tumingin si Mama kay Renzo. Halatang halata na kahit siya ay under pressure na rin. "Igagalang ko po ang magiging desisyon nyo, kaya ko naman pong maghintay."

Lumapit si Mama kay Renzo at inilapit ito sa kanyang tabi habang ako naman ay nasa kabila. Pereho siyang nakakapit sa tagiliran namin ni Renzo.

"Matagal ko na kayong pinagmamasdan at nakikita ko namang masaya kayo sa isa't isa. Nakakatampo nga lang dahil mas alam pa ito ng Lola mo kesa sa akin."

Magsasalita pa sana ako pero nagsalita ulit agad si Mama, "Pero ngayon, sa akin na kayo unang mag oopen ha?"

Humarap ako kay Mama, "Ano pong ibig nyong sabihin? Na pumapayag na kayo--"

"Hindi pa ba kayo?" natatawang tanong ni Mama.

"Woaah! Thank you ma! I love you!"  niyakap ko si mama ng mahigpit.

"Pumapayag na ako basta dapat alam niyo ang mga limitations nyo. Mga bata pa kayo at hindi nyo dapat ginagawa ang mga ginagawa ng mag-asawa?"

Palihim na nagkatinginan ni Renzo. Eh ang kiss ba pwede sa magboyfriend-girlfriend? Hahahahahaha! Pwede siguro, nagawa na namin ni Renzo eh. Hahahaha!

"Jelynne, nakikinig ka ba?" tanong ni mama.

"Opo ma! Promise po, mapapagkatiwalaan nyo po ako sa bagay na yan!"

"At ikaw naman lalake, hindi porket pumayag na ako ay okay ka na sa akin. Babantayan ko pa rin ang mga kilos mo."

Napahagikhik ako. Patay ka ngayon Renzo. Hahahaha!

"Sa oras na saktan mo ang anak ko, ipapalamon kita sa mga aso ng kapitbahay namin!"

Natawa si Renzo sa sinabing iyon ni Mama pero agad din niya itong tinigil nang mahalatang seryoso si mama sa sinabi niya.

"Makakaasa po kayo. Wala po akong gagawin na ikasasama ng anak nyo."

"Mabuti kung ganun, at dahil dyan ikaw na ang magtuloy ng paghuhugas."

Palihim na nagkatinginan kami ni Mama at ngumiti ito sa akin bago lumabas ng kusina.

Yes! We're finally official!

Tumalon ako sa may lababo at doon umupo sa tabi. Pinapanood ko si Renzo habang naghuhugas ng pinggan.

"Akala ko plato lang natin ang huhugasan ko pati pala mga hugasin nyo noong isang linggo."

Tinawanan ko lang siya. "Ano ka ba, dagdag pogi points din yan kay mama kaya gawin mo na lang!"

Napakamot na lang siya sa batok, "Kung hindi lang kita mahal!"

Yieeeeeehh! Napalukso ako pababa at niyakap siya mula sa likuran. "Ang saya ko! We're finally official!

Humarap siya sa akin, "Masayang masaya rin ako."

Inilapit niya sa akin ang kanyang mukha at dahil nahuhulaan ko na kung anong gagawin niya ay agad kong hinablot ang platong hinugasan niya at idinikit ito sa labi niya.

"Pwe! Ano ba Jelynne!"  naiinis na sabi ni Renzo!"

"Gusto mo bang isumbong kita kay mama?"  natatawang sabi ko.

"Hindi! Hindi!"  automatic niyang sagot. "Nakita mo na nga oh, tinatapos ko na itong hugasin nyo!"

Napangiti na lang ulit ako nang maalalang Legal na kami! "Akin na nga, tulungan na kita dyan!"  masigla kong alok! :))

UnexpectedWhere stories live. Discover now