"Wala ng kaclose si Franz. Choosy iyon sa mga kaibigan." Parang siguradong-sigurado si Kuya Dave sa sagot niya.

"Totoo ba iyon?" Baling sa akin ni Bading.

"Opo." Taumatangong sagot ko. Gusto ko sanang sabihin na, 'paano magkaka-close friend ang artista ninyo eh nuknukan iyon ng sungit at suplado?' Pero hindi ko na sinabi. Syempre, hindi ko kayang siraan si Franz. Kaya nga naparusahan akong maglinis kanina eh. Dahil ayaw ko ng pabulaanan ang sinabi niyang kasinungalingan kay Sir Karl kanina.

Napatingala si Psy at parang nag-isip. "Alam ko na!" At animo'y may light bulb na umilaw sa tuktok niya.

"Ano?" Nakangiting tanong ni Miss. Ang ganda talaga ni Miss sa malapitan. Sana anaging Zacarias na rin ako eh.

"Admirer. Kailangan ko ng isang mapagkakatiwalaang admirer ni Franz para sa interview." Dagdag ni Psy.

At dahil ang dami ngang nakikinig at nakatingin sa amin, "Ako na lang!" volunteer ni Kyla. Tumakbo agad siya sa tabi ni Psy. 

"Sino ka naman?" At tulad ng ginawa sa akin ni Bading, hinead to foot niya rin si Kyla.

"Si Kyla po. Solid fan, classmate and admirer ni Franz." Sagot naman ng inyong malanding kontrabida.

Namilog ang mata ni Psy. "Mukhang ok na ok ang isang ito, Miss Menchie, Dave, kasi kilalang-kilala niya si Franz kung ganoon." Comment ni Psy na gusto ko sanang itama. Pero baya-e na! Iyon ang paniniwala nila eh.

"Anong gagawin ng mga bata?" Tanong ni Kuya Dave habang naglalakad na kami papunta sa mga upuang sa loob ng habong ng tent, na dala ng Network para sa mga staff nang gaganaping shooting. 

Pinaghila pa ni Kuya Dave si Miss Menchie. Ako ang kinikilig sa kanila eh! Ako naman ay umupo sa harap ni Miss, at si Kyla ay nakairap sa akin, na nakaupo sa gitna namin ni Kuya Dave.

"Ganito ang gagawin. Sasagutin lang ninyo ang lahat ng questions ng host natin, ok?" Sabi sa amin ni Psy.

Tumango naman kami ng sabay ni Kyla. 'Madali lang pala!' Sa loob-loob ko.

"Oh make-upan na itong dalawa." Utos ni Psy sa mga make-up artist.

Panay ang irapan namin ni Kyla habang inaayusan kami. Bakit ba naman kasi napasama pa ang babaeng ito sa shoot na ito? Mamaya ay magpropose pa iyan on air kay Franz eh. Nakakahiya!

"Sorry, I'm late! May tinapos kasi akong project sa library." Humahangos na sabi ni Franz.

Shomai wrapper! Nanigas ang leeg ko sa kaba! Andito na siya. Kitang-kita ko sa salamin sa harap namin ni Kyla ang presensiya niya mula sa likod ko. Kahit medyo mgulo ang tuwid niyang buhok, ang gwapo pa rin niya! 

"Ok lang." Sagot ni Psy.

"Buti at pumayag kayo na magshoot po dito, Miss Menchie." Pagbaling niya kay Miss Menchie. Kitang-kita ko ang pagpula ng pisngi ni Franz ng harapin niya si Miss. May crush ata ito kay Miss eh!

The StarWhere stories live. Discover now