Epilogue

5.3K 110 15
                                    

Epilogue

We are now married. After that night, nagpakilala si Cross kay Caius na siya ang ama nito. Panay naman ang iyak ni Cai dahil ngayon lang dumating si Cross sa amin. Ang cute ng anak ko noong nagsalita habang iyak ng iyak sa tabi ni Cross. Now, I am here, beside Cross laughing and playing with him and our son.

"Catch the ball, little boy!" Nakisabay rin ako sa kanila. Panay naman ang sigaw ni Caius at takot na maagaw ko ang bolang dalang – dala ni Cross. Huminto ako noong naramdaman ko ang pagkahilo. Hindi naman masyadong mainit dito sa hardin namin pero talagang nahihilo ako.

"Doon ka muna sa loob ng room, Cai. At magbihis ka na dahil basa na ang likod mo." Masayang ngumiti si Cai. "Maya ulit, papa!" Tumakbo si Cai papunta sa kanyang kwarto. Lumapit kaagad si Cross.

"Are you okay pangga?" He asked. I nodded pero natumba ako kaya sinalo kaagad ako ni Cross.

"Nahihilo ako, Cross." His eyes are now terrified. "Dadalhin kita sa hospital." Pinigilan ko siya. "Huwag, baka pahinga lang 'to."

He smiled at me. Iyong nakakaloko.

"Siguro pagod ka lage gabi – gabi, pangga. Pasensya kana, I can't get enough of you." I punched him hard. Lokong lalaki, pina – alala niya pa.

"Hello guys!" Sigaw ni Ate Casta. Wala siyang kasama ngunit may dalang supot. Natakam ako sa dinala niyang rambutan.

"Kinuha ko ang bagong pitas na rambutan sa garden ng mga Montemayor. Kumain kayo kung gusto niyo at ikaw my dear brother. Kailangan mong alagaan ng mabuti si Icah."

She touched my neck. Then she smiled. "One thrust, dear brother!" Tumawa ito at nagpaalam na aalis na ito. Nagtaka naman ako sa kanya.

"Pasensya ka na lage kay, Ate. Minsan lang naman siyang ganyan." Nahihiyang sabi ni Cross sa akin. I kissed his cheeks. Namula naman siya sa ginawa ko. Tumawa ako.

Namimilog pa ang mga mata nyang nakatingin sa akin then he smiled again to me.

"Mahal kita, pangga. Tandaan mo iyan kahit magmahal pa ako ulit. Ikaw parin. Kahit mawala lahat ang mga ala – ala ko. Ikaw parin."

Hinawakan ko ang mukha niya then he touched my face too. "Mahal din kita, Cross."

"Mahal na mahal din kita, sagad sa core mo."

Pilyo niyang sabi sa akin. I punched him again tapos nahilo na naman ako pero hindi ko alam kung bakit nawalan na ako ng malay.

NAPAMULAT ako nang may narinig akong nag – uusap. Bumubulong sila.

"Is it true? God!" Boses ni Cross iyon. Hindi ko alam pero napuno ng pag – alala ang puso ko.

"Cross..." Wika ko. Hinarap niya ako at may kasama siyang lalaki. Kumunot ang noo ko. I know this guy.

"Pangga, siya si Tristan ang kaibigan ko. At kanina ay kasama ko ang doctor. Sabi niya sa akin ay buntis ka. Salamat, pangga."

"Tristan?" Wika ko ulit. Hindi ko pinansin ang sinabi sa akin ni Cross. This man, ito ang lalaking walanghiya't iniwan ang kaibigan ko! Kaya pala nabaliw si Yna Jeanette dahil gwapo din ito.

"Kilala mo ba siya, pangga?" Cross asked. I shook my head.

"Magpapahinga muna ako." Sabi ko. Umalis si Cross kasama si Tristan. Pero bumalik din kaagad ito. He's now wearing a genuine smile in front of me.

"Sleep tight, pangga. Mahal kita."

Ngumiti ako. "Iyong kaibigan mo, taga saan iyon?" I asked him. "Bakit? Nagseselos na ako, pangga. Kanina panay salita ako ngunit doon naman nakatutok kay Tristan ang mga mata mo."

Nagtatampong sabi niya. Kinurot ko naman siya sa kanyang tagiliran. Walanghiya, kinilig ako.

"Masaya kanina si Cai natin, pangga. Sinabi ko sa kanya na magkakababy na tayo."

"Talaga? Nasaan siya ngayon?"

"Nasa bahay ni Ate Cas. Doon muna siya." Then he kissed me passionately. Paraparaan mo, Cross. Nasasagad na ako sa kilig.

Alam niyo na kung saan kami pupunta diba? Kaya huwag na detail. Nakakanosebleed na.

'Di, sobrang saya ko dahil sa lahat ng mga sakit na naranasan ko, masaya parin sa huli. Kaya huwag sanayin ang sarili na lage ay masaya dahil pagkatapos ng mga kasiyahan ay may kalungkutan naman ang bubulaga sa iyo.

Dito na lang muna ang istorya ko.

SUMASAKIT ang likod ko sa kakasulat ng kwento ni Icah. Diyos ko.

"Icang! Ano ba ang ginagawa mo diyan? Halika na dahil naghihintay na sila sa labas."

"OPO!" Sigaw ko. Niligpit ko muna ang mga gamit ko. I looked at my laptop. Sa wakas natapos na rin ang story ni Icah.

Bumaba ako at natagpuan ko ang aking sarili na nakatulala. Ang gwapo niya talaga. Lumapit si Trixia sa akin.

"Sabi niya sa akin, mahal ka daw niya." I just smiled. Mahal ko rin naman siya.

"Kumusta ang pangga ko?" I raise my hand in front of him. Tinanggap naman niya ito at saka hinalikan.

"Kain na tayo. Kanina pa ako naghihintay sa'yo. Ano ba ang ginagawa mo sa kwarto natin?" I just smiled at him.

"Mahal kita." I said. He kissed me and I kissed him back.

"Mahal din kita. If I fall in love again, I want to love again with you – no other women, you only, even though my memories fade, only you pangga."

A/N: Pangit. Pangit ng story. :P Salamat sa pag – unawa niyo. Next story kay Yna Jeanette naman. Sana unawain niyo ang istorya niya. Titled: Want To Love You

AIRYL04

To Love Again (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now