Chapter 1

2K 39 3
                                    

Chapter 1

Sabi nila, move on daw, pero sabi naman ng iba, accept the fact. Ano ba talaga? Saan ba talaga ako tutungo?

....

"Icah, bili ka naman ng puto cheese." Yna said. Nagmamakaawa na siya't lahat pero ayaw ko talagang bumili sa puto cheese niya. Iba e, ibang- iba. Kasi naman kakaiba ang lasa kaysa hitsura nito.

"Busog pa ako, Yna. Sa susunod na lang." Sabi ko sa kanya. She rolled her eyes. Tusukin ko kaya itong hawak kong ball pen sa kanyang mga mata. Tingnan natin kung ano ang hitsura niya. Nakakainis na talaga siya day. Lage siyang ganyan sa akin. Hindi ko naman siya inutusan na lage siyang magbibinta ng puto dito. At isa pa, wala namang kalasa – lasa ang puto niya.

"Sige na, Icah..." Ayaw ko talaga. Mauubos iyong pera ko sa kanya.

"Ayaw ko talaga, Yna." She moves away from me. I don't care kung ano ang gagawin niya. Kahit patayin niya ang kanyang sarili. Wala akong pakels sa kanya.

I am glad kasi nakapagtapos ako ng pag- aaral sa college. Even my parents, pero hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nakaraan. Saksi man ang araw at buwan noon sa akin sa nangyari pero hindi na iyon maibabalik pa. Eight years na ang nakalipas at sa ngayon ay ayaw ko ng maging prangka. In short, ayaw ko ng maging bobo. Nakakabobo pala ang pag – ibig no? Kasi nabobo ako noong minahal ko siya.

"Icah, kain na tayo sa cafet." Tumayo ako at sumabay kay Yna. She is crazy talaga. Bakit ba siya laging nakangiti? Wala namang ikakangiti sa lunch break namin. Nakarating na kami sa cafeteria. Agad naman akong nagulat sa biglaang tili ni Yna. Mabilis ko naman siyang sinapak. Jusko! Naging bobo ako kapag may bobo akong kasama.

"Aray ko naman, Icah!" Reklamo niya at hinihimas ang kanyang ulo. Wala e, hindi ko mapigilan na masapak siya. E sa maingay siya. She deserves it naman.

"May gwapo Icah!" Ayan na naman siya sa kanyang gwapo - gwapo na salita. Wala namang gwapo dito sa gusali na ito.

"Saan ba?" Masungit kong sabi sa kanya. Nainis na ako sa kanya. Wala naman kasing gwapo rito.

"Ayun oh!"

Tinuro niya pa ha. Ayun, napakabobo ko naman para tiningnan and guesss what, the fudge.

Bakit siya nandito? Diba nasa ibang bansa siya?

...

"Sasabay ka ba sa amin, Icah?" Tanong sa akin ni Yna. I was tulala hanggang ngayon. Hanggang gumabi na ay siya parin ang iniisip ko. Ewan ko ba. Nagtataka lang talaga ako. Diba nasa ibang bansa siya? Bakit siya nandito? Hindi naman sa ayaw ko siyang makita pero masakit sa loob ko noong nakatanggap ako ng letter galing kay Trixia. Kita mo na ngang nasasaktan ang tao, hala, bigay parin sila ng wedding invitation nila. Hindi ko alam kung natuloy ba ang kasal nila.

Nagsimula na kasi akong maging anti - social noong nalaman kong ikakasal na silang dalawa. Kung lage ko namang e-open iyong facebook ko ay sila lage ang nakikita ko. Nakakasakit lang sa heart no!

Tumayo na ako at sumabay na kina Yna at iba pang mga employee. Hindi ko alam kung nakamove – on na ba ako sa kanya kasi nalilito ako kung bakit ganun nalang ang reaction ng puso ko kanina.

Nakauwi na ako't lahat pero iyong eksena parin kanina ang inaalala ko. Hindi ko naman responsibilidad kung iisipin ko siya lage. Kung may bayad man ang isipin siya ay siguro milyonarya na ako. Talent fee 'to bess! May talent fee!

To Love Again (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now