Chapter 2

7.7K 102 8
                                    

Chapter 2

Kinabukasan ay nagpapasalamat ako kay papa Jesus kasi buhay pa ako and that means I still have a mission that is not yet finished. Kakayanin ko ito. Nandiyan naman ang pamilya ko no atsaka walang problema sa akin ang friends dahil mabubuhay ako kahit wala akong friends.

"Icah, mall tayo."

Ayan na naman siya. Feeling close talaga.

Oo nga, nakalimutan kong tapusin ang mga trabaho ko dahil naman kasi kay Sir Tan kahapon. Ayun umuwi ako ng maaga. Nawalan na kasi ako ng gana na magtrabaho at nawalan pa lalo kung makikita ko ang mukha ni Yna. Nakakainis kasi ang mukha niya. Ang pangit pangit niya.

Naisip ko na tatapusin ko 'to kahapon para ngayon ay magmo - mall na ako pero tangina hindi ko iyon maitutuloy pa.

"Ano Icah? Sama ka? Treat ko." Okay sana ang sinabi niya pero tatambak ang trabaho ko kapag ganoon.

"Sa susunod na lang, Yna." Diyos ko! Bakit na naman siya nakasimangot? Nakakapangit e.

Umalis na siya at napapabuntong hininga na lang ako. I miss myself when I wander around the mall carelessly. Akala ko kapag may trabaho kana ay sasaya na ang buhay mo pero ngayon? Nagbago na ang pananaw ko.

Habang nagtatrabaho ako, in code dito in code doon ay sumasakit ang ulo ko. Kailangan ko pang ipasa ang iba pang mga papel sa section budget tapos sa cashier. Kailangan e, para may sahod na kami.

"Icah, may naghahanap sa'yo."

Napataas ang kilay ko. Sa isang taon at kalahati na ako ritong nagtatrabaho ay ngayon lang ako nakatanggap na may bisita. Sino kaya siya?

Lumabas na hindi alintana kung sino ang naghahanap ngunit nagulat talaga ako sa aking nasilayan. Cross sat handsomely in the wooden office chair as if it was normal to him.

Anong ginagawa niya rito? Oo nga pala, partner pala sila ni Sir Tan.

"Good morning, Sir."

Bati ko sa kanya. Sumilay kaagad ang ngiti niya sa labi. Sumakit naman bigla ang puso ko. He never smiled at me like that before and the painful part was always only for Trixia, only for her and no one else.

"Can I borrow your time, Ms. Gagnon?"

He asked me. I'm panicking na gurl! What to do? Trip to forever na ba ete!

"Kasi Sir... May gagawin pa-."

"I requested Kent's permission for you to accompany me, can you spare thirty minutes?"

Spokening dollar pala siya bess. Hindi ko siya maintindihan pero joke lang. Bakit niya kailangan ang oras ko? Para saan ito? Ito na ba ang oras para mahalin na niya ako? Mahalin ng tunay?

Ayun sinapak ko ang ulo ko pero joke lang iyon para naman akong baliw kapag ginawa ko iyon sa harapan ni Cross at saka baka umatras na naman siya sa akin kagaya noon. My heart hurts na naman.

"Can I?"

Tumango ako. Wala namang magagalit kapag sasamahan ko siya diba? At saka, wala namang masama para tanggihan siya. Kung malaman man niya ang katutuhanan ay wala na ako doon pero nangangamba ako kapag ganoon.

Habang nasa kotse na kami ay panay naman ang kwento niya. Ang sasabihin ko lang ay 'Oo, hindi, siguro.'

Wala na. Nakakabobo talaga kasama si Cross. Lage pa siyang English ng English nakakasakit sa eardrums.

Nagtaka na lamang ako noong pumarada siya sa isang Italian restaurant. Naks, ang yaman na niya talaga. Hindi ko akalain na ganito ang pagbabago ni Cross. Lalo siyang gumwapo. Ewan ko, baka kasi mahal ko pa siya?

Hello on earth! Naka move on na ako!

"Order what you want- - ."

"Call me, Icah, Sir." I said. Nakakahiya naman kapag lage niyang sinasabi iyong surname ko. Okay lang kapag Mrs. Versoza na pero kung surname kong pangluma, pangalan ko na lang please?

"Okay, Icah. Order what you want."

Obedient naman ako kaya I ordered what I want pero ang kailangan ko lang naman ay siya pero hindi ko iyon sasabihin no. Buang ako minsan pero 'wag naman kapag ganito.

Nagk-kwentuhan kami, kumakain, hindi naman awkward pero ang sakit lang kasi sa heart. Bakit ba siya ganito? Papatulan ko ba siya? May amnesia siya pero ako wala. Alam kong magagalit siya kapag nalaman niya ang katotohanan.

"Thank you, Sir." Sabi ko sa kanya. Nasa labas na kami ng kotse tapos ako papasok na sa gusali pero pinigilan ako ni Cross. Noong dumapo iyong kamay niya sa aking braso ay doon ko naramadaman ang milyong - milyong boltahe. Tiningnan ko siya. Lalo akong nabigla noong nalaman kong nakatingin na pala siya sa akin. Naramdaman niya ba iyon?

"C-can I have your number, Icah?"

He's cute. Namumula kasi ang kanyang pisngi pero nararamdaman ko na naman ang sakit. Bakit ba siya ganito! Suko na ako oy! Huwag kang ganyan! Hindi mo naman ako magugustuhan sa totoong buhay Cross!!

Binigay niya ang kanyang cell phone iyong may kagat na apple.

Nilagay ko iyong number ko sa kanya. Ngumiti sya. Ngiting kailanman ay hindi magiging akin. Hindi siya magiging akin kaya kung may mangyayari man sa aming dalawa ay hindi iyon magiging forever 'cause I know better.

"Sige Sir, aalis na po ako." Tumango siya.

"Take care, Icah."

"Kayo din po sir."

Naiwan akong tulala. Habang maaga pa ay lalayuan ko siya pero iyong puso kong malandi ay gusto niyang makasama si Cross. Pwede ko namang gawin ang gusto ko para kay Cross pero ang pansariling benefits lang ay ayaw kong gawin. Masasaktan lang ako at masasaktan din siya.

Staying in this position is safer than swimming without realizing the danger of drowning. I'm tired of waiting. I looked up for a moment and saw how beautiful the blue sky was. I close my eyes and pray. Dear Lord, guide me, kung magtetext man siya sa akin ay gagawin ko ang lahat para may forever ang Cross at Icah.

AIRYL04

To Love Again (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now