Chapter 10

2.7K 64 1
                                    

Chapter 10

Hindi pa nga ako nagtagal dito sa Manila ay parang gusto ko ng umuwi sa Cagayan de Oro. Mahirap kapag hindi ko makikita si Cross. Wala akong nakitang kahit anino ni Cross. Simula iyon nang kinaladkad niya ako palabas sa kanyang condo. Masakit? Oo sobra. Kapag namumuo na iyong luha sa mata ko ay pinipigilan ko dahil ayaw kong may makakita na umiiyak ako. Ayaw kong maging mahina at sabi pa nila ay Big girls don't cry.

"Icah..."

Si Yna pangit ang tumuwag sa pangalan ko. Lumingon ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kabila kong braso.

"Pwede tayong mag – usap kung gusto mo. I can see it in your eyes. There's something in it."

Aniya. Ang galing niya talagang manghula. Sayang ang talent niya.

"Wala 'to." Huminto siya at saka siya humarap sa akin.

"Pwede bang pakinggan mo naman ako Icah. Look at you! Ang pangit mo na!"

"Sobra naman ang sa'yo." Sabi ko.

"Anong sabi mo?"

Umiling ako. Wala, ang bingi mo Yna pangit!

"Hindi mo ba alam na umalis si Cross papunta sa Greece?"

Namimilog ang mga mata ko at tumayo sa aking inupuan. I faced Yna for real.

"W-what?" Nanghihina kong sabi sa kanya. She rolled her eyes. Nainis naman ako lalo sa kanya.

"Pumunta siya sa Greece dahil gusto niya makita iyong tinatawag nilang Trixia."

Nanghina ang boung katawan ko. Sumabog ang bombang kahit kailan ay hindi ko mapipigilan. Alam kong aabot sa ganito pero bakit hindi pa ako sanay?

"Tapos nahanap na niya ang sarili niya, Icah."

I cried like a kid. Masakit na talaga.

"Hindi na daw babalik dito si Cross pero sabi lang naman iyon sa balita. Pero alam ko naman na babalik siya dito, Icah. Alam mo 'yon hindi ba? Kasi ikaw, ikaw ang magiging reason niya na bumalik dito."

Lumapit na ako kay Yna at niyakap ko siya. I want somebody who will help me to save myself from drowning. Nalulunod na ako sa pagmamahal kay Cross.

"Paano na ako ngayon, Yna? Wasak na wasak ako..."

Tuluyan na akong umiyak at hinayaan lang ako ni Yna. Uuwi na lang daw kami. Tapos noong nasa apartment na kami ni Yna ay siya ang umisikaso sa akin. Siya ang nagluto at lahat. Initindi niya ako. I cried and cried. Walang kapagurang umiyak ako.

Napahinto ako noong umabot na iyon ng madaling – araw. Yna is there, as always. Tapos may sinabi siya sa akin na ikinahinto ng hininga ko.

"Tapos ka nang umiyak? Tapos na ba? Kung oo, huminto ka na. Hindi na maibabalik ang dati, Icah. Think about the future tapos tsaka ka na mag – emote. May bukas pa, Icah. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa lalaking iniwan ka. Iniwan ka na, tapos ganyan ka? Madaming lalaki diyan-"

"Yes! That's true Yna but the point is am I in love with those guys? No, because in the first place hindi mo naranasan ang ganito!"

"Naranasan ko na iyan, noon pa, Icah. Nasaktan? Naramdaman ko na iyan. Pero heto ako ngayon nasa harapan mo na nagsasabing tama na. Hindi na siya babalik pa. kung babalik man siya ay noong isang linggo pa pero nasaan siya, Icah? Nasa Greece kasama ang asawa niya at ikaw naman ay nagmumukmok dito tapos iiyak ka. Hindi ka ba napapagod na mahalin siya?"

To Love Again (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now