Chapter 15

3K 70 2
                                    

Chapter 15

"Love is a mysterious thing that someone feels for no apparent reason at all. Walang scientific explanation."


"Ang bilis naman ata ng desisyon mo, anak. Bakit ka pa luluwas ng Cagayan de Oro? May paaralan naman dito sa Bukidnon."

"Oo nga, mama. Balik tayo kina Ante Yna?" I looked at my mother who is now trying to urge not to cry. Tiningnan ko si Cai. I faced him.

"Cai babalik tayo kina Ante Yna mo dahil maganda doon."

"Pero anak, malalayo kayo sa amin ng itay mo." Di sang – ayon ni nanay. Tiningnan rin ako ni tatay.

"Pwede ba tayong mag – usap, Chzenaicah?"

Kinabahan man ay sumunod ako kay itay.

"Doon ka muna kay lola, Cai. Mag – uusap lang kami ng tatay lolo mo ha?"

Tumango ang anak ko.

Nang nasa labas na kami ng bahay at sa sobrang layo noon ay hindi na iyon maririnig ni nanay ang usapan ni tatay.

"Umamin ka nga sa akin, Icah. Bakit ka ba padalos – dalos ng desisyon? Diba sabi mo na dito mag – aaral si Cai? Bakit kayo luluwas sa Cagayan?"

Nagulat ako noong sumigaw si tatay. Hindi agad ako nagsalita. Hinintay ko si itay na magsalita.

"Akala ko aaminin mo na sa amin ng inay mo ang nakaraan mo, anak pero hindi. Wala kaming narinig mula sa'yo kaya nag – alala kami ng inay mo. Pero tama, anak, sabihin mo na. Umamin ka na please. Kahit ngayon lang. Bilang ama ay nag – alala ako sa'yo. Mahal kita anak at ayaw kong masasktan ka."

Napaigik ako at napaiyak. Yumuko ako. Sobrang sakit ng dinadala ko. Halos mag pipitong taon na. Pero hindi parin mawala-wala sa isipan at puso ko ang nangyari noon. Kung sasabihin ko man iyon kina itay ay hindi ko kayang gawin iyon. Hindi nila ako maintindihan dahil ang boses ko ay manginginig sa sobrang iyak ko. Hindi ko pa nga nasabi sa kanila ay nauunahan ako ng pag – iyak ko.

Hindi ko kayang masaktan si itay ng ganito. Hindi ko pinangarap na ganito ang mangyayari.

Narinig kong umiyak narin si Itay kaya napaiyak na rin ako ng lubusan.

"Hindi na kita nasilayan kagabi, anak. Gulat na gulat ako noong may nakita akong makisig na lalaki,"

Tumingala ako at tiningnan si Itay. Humarap siya sa akin. Mata sa mata. My heart is beating so fast.

"Sabihin mo nga sa akin, bakit niya kamukha si Caius? Anak sabihin mo!" Niyugyog ni Itay ang balikat ko. Iyak ako nang iyak. Walang lumabas sa bibig ko.

"Sabihin mo, siya ba ang ama ni Cai? Siya ba ang lalaking dapat dumapo sa kamao ko, Icah? Sabihin mo sa akin!"

"Tay..."

Naghintay si tatay na magsalita ako pero hikbi lang ang sagot ko sa kanya.

"Kamukha niya talaga si Cai, anak. Kahit saang anggulo kamukha niya talaga. Sa pagngiti niya tapos tumawa, kagaya ni Cai pero ang mas malala pa ay pareho rin sila ni Ma'am Casta ng ngiti sa labi."

"Paanong nangyari iyon, anak? Ang yaman nila anak. Sa sobrang yaman ay mapapailing ka na lang."

Nang kumalma na ako saka ako humarap kay Itay. Habang siya'y hindi makapaniwala sa kanyang nakita kagabi. Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay sa pisngi ko. I smiled at him.

To Love Again (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now