Chapter 13

2.8K 62 1
                                    

Chapter 13

"Mama, miss ko na si Lola. Kailan ba tayo uuwi? Maginaw na kasi dito." Wika ni Cai sa akin. Nasa park kami dito sa Singapore. Yes, sumama ako kay Cres. And here I am with my child happily together. Masaya si Cai dahil may mga laruan na siya. Minsan nga tinatawag na niyang papa si Cres. Walang problema sa akin iyon pero hindi ko talaga kayang ibigay kay Cres ang pagmamahal higit pa sa kaibigan. Alam ko na ang salitang friend zone. Sadyang hindi ko talaga gusto si Cres.


"Siguro next month pa anak." Hindi naman alam ni Cai ang next month pero marunong na siyang magbasa at magsulat. Dito nag – aaral si Cai. Dalawang buwan na at ilang araw na lang ay uuwi na kami sa Pilipinas. Uuwi ako doon sa Bukidnon pero bibisitahin ko si Yna Jeantte sa Cagayan de Oro. Tinulungan ko si Yna para naman sa gastusin niya sa anak niya. Kailangan ko siyang tulungan dahil maliit pa ang anak niya.

"My teacher said to me, mama , na ang month ay mayroong apat na linggo, so, apat na linggo ako maghihintay mama? Tapos iyong isang linggo ay pitong araw at ang total noon ay twenty eight days, mama. Ang tagal naman."

O my god. My child's getting better. Marunong na siyang magsalita ng English at nakakaintindi na siya.

"Ice cream tayo anak?" Sabi ko sa kanya. Umiling siya. "Gusto ko ng chocolate mama, iyong hot." I smiled at him. Tapos hinawakan ko iyong kamay niya at naglakad kami patungong coffee shop. Gusto ko ring magkape dahil maginaw talaga.

My phone vibrated when I put my cup of coffee on the table. Nasa harapan ko si Cai na abala sa pag – inom ng kanyang hot choco. Pinulot ko ang cell phone tapos I turned it on. Pangalan ni Cres ang nakalagay doon kaya agad kong pinindot ang answer.

"Nasaan kayo?"

"Nasa dating coffee shop kami. Saan ka rin?"

Madaming tao sa coffee shop kaya medyo naiinitan na ako.

"Mama, is that papa Cres?" Tumango ako. "Gusto mong kausapin mo siya?" He giggled and nodded.

"Hello po, Papa Cres!" Hindi ko na narinig ang boses ni Cres noong nasa kamay na ni Cai ang cell phone ko. Akmang tatayo ako noong may napansin akong babaeng naka light pink na casual dress and a pair of gorgeous white silver stilettos. Mukha ni Trixia ang nakita ko at hindi ko inaasahan na may kasama siya. Kinabahan ako. Sobra. I glanced at my little Cai pero abala na siya sa paglalaro sa cell phone ko. Inayos ko ang gamit namin tapos iniwan ang bayad sa mesa. Dinala ko si Cai. Mabilis ang kilos ko para hindi ako makita ng kahit sino sa kanilang dalawa. Hanggang sa nakauwi ako sa condo unit ko dito sa Singapore.

"Mama, bakit po tayo umalis doon? Naiwan ko po ang hot choco ko." Inosenteng sabi ni Cai sa akin. Kung alam mo lang anak na umiiwas ako sa papa mo.

"May gagawin pala si mama, anak at pwedeng mag rest ka muna? Sure akong tired ka na." Humikab siya tapos pinagsiklop iyong maliit niyang kamay sa akin.

"Bihis muna ako mama." I smiled. Matapos ko siyang bihisan ay tinawagan ko si Cres. Ilang ring saka niya sinagot ang tawag ko.

"Icah, bakit?" Huminga ako nang malalim. "He's here." Sagot ko sa kanya.

Walang sumagot sa kabilang linya.

"Say something, Cres!"

"I don't know what to say, Icah. Hindi ko alam na nandito pala siya sa Singapore."

Kinabahan ako. Iba parin ang epekto sa akin ni Cross. I want to protect myself and my child.

"Don't worry, hindi niya malalaman na nandito kayo."

To Love Again (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now