Chapter 8

2.4K 51 0
                                    


Chapter 8

Tumatawa ako dahil sa biro ni Cross. Sabi niya sa akin na magkakaroon daw kami ng isang dosenang mga anak. Gusto niya pa ay tumira kami sa Bukidnon dahil doon ay madaming kahoy tapos masagana doon. Gusto ko rin naman iyon. Sino ba ang hindi diba? Sobrang mausok dito sa Manila.

"I wanna go to Greece with you, pangga." I smiled. Kakalimutan ko muna na wala siyang maalala at kakalimutan ko muna na ako si Chzenaicah na kahit kailan ay hindi mamahalin ni Cross.

"Really, pangga? Ano naman ang gagawin natin doon?"

I asked him. He looked at him. Sobrang gwapo talaga niya. Ano kaya ang magiging mukha kung magkakaroon kami ng anak ni Cross? Siguro half pinoy at half magandang nilalang. I giggled.

"What are you thinking?" He asked me. Umiling ako. Ayaw kong malaman niya iyong iniisip ko.

"What?" Tumaas iyong eyebrow niya. Mataray na gwapong nilalang.

"What is it? Pangga tell me, baka iba na naman ang iniisip mo. Baka lalaki iyan, may mapapatay talaga ako," Sabi pa niya.

"Wala. I am contemplating what our future babies will look like."

He smiled at me. Iyong nakakaloko. Dyahe! Huwag ganyan Cross.

"Gusto mo ngayon sisimulan natin para malaman natin kung ano ang mukha nila?"

Sinuntok ko naman ang tiyan niya. Nasa kwarto niya ako – condo niya. Nagcuddle kami like the bonds we like. Gusto niya kasi na nasa tabi niya ako. Na nasa kwarto niya ako kapag gabi. Walang hiya talaga. Gusto na niyang titira na ako dito.

"Huwag ganyan, Cross." Seryosong kong sabi. He made a face. Ang cute niya. Iyong kamay kong sinuntok ang kanyang tiyan ay medyo nasaktan, tigas ng tiyan pre.

"Okay, I'll wait – oh no. Soon to be – my wife – Mrs. Dela Santos, perfect."

Unting – unti naglalaho ang ngiti sa labi ko. Dela Santos? Hindi ba Verzosa? Oo nga no? Hindi niya alam na Verzosa siya. At ang isa pa, may nagmamay – ari na sa surname niya.

"Mahal kita pangga." Iyon lang ang nasabi ko sa kanya. He kissed my forehead first before my lips. Minsan kapag naghahalikan na kami ay umaabot sa make out pero doon lang.

"Matulog na tayo." I nodded.

Dalawang linggo na rin ang lumipas noong pumunta sa bahay ni Yna si Cross. Iyong tumugtog siya ng gitara. I choose to break my being. I choose my love. This is my chance right? Chance to makes everything change.

Hindi na ako aatras pa. Nandito na ako, nandito si Cross.

..

"Aroy! O ano, nagsex ba kayo ni Cross?"

Sinapak ko naman si Yna sa kanyang braso. Dyahe 'tong babae. Wala na nga siyang hiya ang kapal pa talaga ng mukha. Paano niya iyon nasabi? Ganyan ba talaga siya?

"Wala! Ano ka ba!"

Tumawa ito. Baliw talaga. Gusto ko nang itapon sa kanyang mukha itong clearbook na hawak ko.

"Weh? Para ka kasing diniligan. Blooming mo 'te!"

Ang ingay niya talaga. Pero simula noong doon ako sa bahay niya natulog, naging magkaibigan na kami.

"Tumigil ka na at saka, wala kang mapapala dahil wala kaming ginawa."

Natigilan kami ni Yna nang may tumawag sa aking pangalan.

"Si Sir Kent po, tumawag."

Nanginig ako. Agad kong iniwan si Yna. Pumunta ako sa babaeng nagturo sa akin kung saan ang telepono.

I immediately took the phone.

"Hello, Sir?"

May narinig akong tumatawa.

"Hello there, Icah? Naghanda ka na ba?"

"Ano po?"

Nagtatanong ko kung anong klaseng ipaghahanda ko.

"Are you ready to break your heart?"

Napako ako sa kanyang sinabi. I parted my lips. Walang lumabas na salita.

"Right now, Trixia will promptly retrieve what rightfully belongs to her. So, Icah, it's time to prepare yourself."

Narinig ko na ang pag – totoot ng telepono. Senyales na wala na sa kabilang linya si Sir Kent. Nanghina ako, sobra. Parang nawalan ako ng lakas sa sinabi ni Kent. So, Trixia is here? Kailan? Is she still beautiful and smart?

Kakayanin ko na bang masaktan ulit?

...

Nasa bahay na ako. Pero hindi parin ako makapaniwala na nandito na sa Pilipinas si Trixia. I tried to call Yna pero out of reach siya kaya naman ay nasa sulok ako ngayon sa kwarto. Iyong larong hide and seek lang ang peg. I attempted to move my legs and hands, but they were unresponsive. Namamanhid ako.

Hanggang sa may narinig akong tunog ng bell. I immediately get out myself in my room. Nasa labas na ako ng bahay. Baka si Cross 'to. Pero nang nabuksan ko na ang gate ay gumuho ang mundo ko.

"Is Cross here? May nagsabi sa akin na dito siya tumutuloy."

She's damn pretty. Ang bango niya. Ang kinis ng kanyang balat. Iyong itim niyang buhok noon ay kulay blonde na ngayon. Nag – iba, meron. Ibang – iba na siya. She's not the ex – best friend I'd had before. Nanlumo naman ako. Naiinsecure ako, sobra.

Trixia, ikaw na ba 'yan? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang masaya na ako? Ganyan ka ba talaga? Iyong papatayin ang kasiyahan ko?

AIRYL04

To Love Again (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon