Simula

5.3K 77 9
                                    

Simula

"Mahal talaga kita bess! Narinig mo ba iyon? Sabi ng mga classmate niyang mga bakla ay crush niya din ako!"

Tiningnan ako ni Trixia kung tama ba iyong sinabi ko. Wala e. Crush ko talaga siya. Siya na talaga.

"Baliw ka na siguro, Icah. Halika na, doon na tayo sa loob ng room." Abala kami sa pagkain dito sa canteen. Ito lang kasi ang time para makita ko siya pero dahil kay Trixia ay hindi ko masisilayan ang gwapong mukha ni crush.

"Sino ba iyang crush mo ha?" Tanong sa akin ni Trixia. I shrugged. Ayaw ko pa munang ipaalam sa kanya kung sino ang crush ko. Baka kasi magulat siya.

"Trics! Tulong naman oh." Lumapit si Trixia sa mga kaklase. Tingnan mo nga naman. Ganyan talaga kapag high school. Lumapit ako sa kanila dahil gusto ko ring makita kung ano ang tulong na sinasabi nila kay Trixia.

Nawalan ako ng dugo at parang gumugulong ang mundo ko. Numbers. God! I hate mathematics!

"Nandiyan na si Ma'am Elli, guys! Run and go to your seat belt!" Ulol talaga. Anong seat belt? May sasakyan ba? Mga baliw talaga.

"Good morning class." Aniya. Tiningnan ko si Ma'am Elli. Mukhang sasabak na naman ako sa gira ngayon. Ang seryoso niya kasi.

"One sit apart and prepare one half length wise sheet of paper." Oh shit to the shit.

Math 'to bess! Math! Bakit hindi ako nagreview kanina? Ayan! Panalo na naman ang itlog kong score ngayon.

"Get one and pass." Sabi ni Ma'am Elli. Tiningnan ko kaagad iyong papel. God. Bakit ganito? Mamatay na ba ako? Pesteng test paper na 'to! Bakit ang hirap naman ata!

"Icah?" Nasa labas na si Ma'am Elli dahil may kausap siya. Busy ako sa pagsagot pero dahil mahal ko ang best friend ko ay lumingon ako sa kanya.

May inabot siya sa akin. Isang papel. Tiningnan ko naman. Shits. Blessings bess!

"Mind your own paper." Ma'am Elli said. Nagfocus na agad ako sa pagsagot pero tangina! Ang hirap! At boom! Sinagot ko ang lahat ng walang kahirap- hirap. Wala e. Hindi ko ginamit si brain. Copy, copy iyong peg ko.

"Icah? Kailan ba tayo uuwi? Matagal pa ba tayo?"

Sabi niya sa akin. Tiningnan ko naman siya. I sighed. Mukhang matatagalan si crush.

"Mauna na ka lang kaya?" Sabi ko.

"Ano! Sa kakahintay ko sa'yo mauuna ako?"

Ang ingay naman ni bess.

"Sige na nga, uuwi na tayo."

Umuwi akong bigo. Charot. Hindi no! May bukas pa naman.

...

Nasa labas ako ng classroom ni crush. Kakausapin ko ang kaibigan ko dito. Hindi ko naman siya close kagaya ni Trixia pero kailangan ko kasi ito para mapansin niya ako.

"Icah!" Ngumiti ako sa kanya.

"Nandiyan ba?" Kinabahan ako. Parang nag-order ako ng shabu. Shit lang.

"Oo nandiyan." Tiningnan ko ang phone niya. Meron nga! Pwede na ako maghanda ng red ribbon cake! Char! Wala akong pera no! Kaya cupcake na lang doon sa kanto.

"Salamat ha?" Ngumiti siya sa akin.

"Wala iyon. Basta ba ay balitaan mo ako kung kayo na ha?" Tumawa ako. Wala e. Kinilig na ako.

Naglakad na ako pabalik sa classroom. Nakita ko kaagad si Trixia nakaupo at nagbabasa na naman ng libro. Edi siya na ang matalino.

"Bess!" Sabi ko. Lumingon siya sa akin.

To Love Again (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now