Chapter 6

2.7K 62 0
                                    

Chapter 6

Napamulat ako. Isa – isa kong nilagay ang papel sa folder. Compilation ito sa kompanya. Ilang araw ng wala si Cross. He missed me na daw. Hindi naman ako nabigo dahil lagi naman siyang tumatawag sa akin. I called my parents too. Kagaya ng dati, iyak na naman si nanay. Miss ko na rin sila nanay at tatay. Nayayamot na nga ako kay Yna dahil parati na lang ang nandiyan sa tabi ko. Para siyang demonyo na laging nagmamasid.

Kagaya ngayon.

"Alam mo, tigilan mo na lang kaya ang umasa. In the end, ikaw rin naman ang talo."

Nagtitimpi pa ako pero kahit kailan hindi ko kayang sumbatan si Yna. I know how to respect other people kahit mukha na silang pangit.

"I decide to stop and end the game before I have the opportunity to immerse myself in deep water."

She smiled at me. A genuine smile. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang umalis na wala man lang akong nasabi. Natulala ako. Tumunog ang cell phone ko kaya agad kong tiningnan ang nasa screen nito pero agad namang bumilis ng tibok ng heart ko.

Si Cross ang tumawag pero wala akong lakas na magsalita sa kanya.

I stood up and walked out of the building, needing some time to think. Ilang araw na ang lumipas. At araw – araw akong nagdarasal na sana huwag na lang maalala ni Cross ang nakaraan.

Hanggang sa natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa sementong upuan sa park. Sana bumalik ako sa pagkabata. Sana iyong pagbalat ng plastic ng lollipop ang problema ko. Sana ganoon kadali ang lahat. Sana masasaktan lang ako kapag nadapa ako at masugatan at ilang araw lang ay mawawala rin iyon.

I sighed. Gusto ko talaga si Cross. Paulit – ulit ba? Ganoon talaga. Mahal ko siya e. Masakit man isipin na nawala ang alalala niya pero nagpapasalamat ako dahil doon.

Without his amnesia, he would never have become possessive towards me. I keep myself fine.

Pero niloloko ko lang ang sarili ko. I am aware that I am not doing well and lack of proficiency in this particular situation.

Parang bumalik iyong dati. Parang bumalik ang pagkabobo ko. Nakakabobo talaga ang pag- ibig.

Kahit pangit siya, masama ang ugali ay gagawin mo parin ang lahat para mapansin ka lang ng taong mahal mo. Ganyan ang pag-ibig.

I am not kidding. Most of the people are like that. Kahit nasasaktan na sila ay go parin.

Bakit?

Because, they are content with their selfishness as it brings them happiness with their loved ones, and they have no regrets.

Kaya nga madaming nasasaktan. Cycle lang iyan. Hindi ka niya mahal, may mahal siyang iba tapos ikaw naman ay may nagmamahal sayo pero hindi mo masuklian. One sided love? Unrequited love? I think so.

"Ate bili ka po ng candy."

I saw a little girl. She looks so frustrated. Ang bata pa niya pero ganito na ang naranasan niya. Mas nagpapasalamat ako sa panginoon na hindi ako nagaya sa batang kalye. Mas sobra pala ang pinagdaanan ng batang ito kumpara sa akin na heart broken.

"Magkano iyan lahat?"

Tanong ko sa kanya. Kita ko sa kanyang mata na masaya siya. Naging masigla siya bigla. Sana ganyan na lang ako. Sana kagaya ko siya. Bata pa, walang kamuwag – muwang sa mundo.

"Trenta po lahat, Ate ganda."

Tumawa siya. I smiled at her. Dyaheng batang 'to!

"Sige nga, bakit po nasabing maganda ako?"

To Love Again (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now