Chapter 12

2.9K 66 1
                                    

Chapter 12

Nasa ibang lugar kami. Dito parin sa Bukidnon. Kasama ko ang anak kong nasa limang taon. Masaya ako. Iyan lang ang masasabi ko.

"Ma, bili tayo mamaya ng tinapay iyong may kulay berde." Natatawa ako kay Caius. Paborito niya ang kulay berde.

"Cai, hindi mo naman iyon kakainin. Titignan mo lang naman iyon."

Sumimangot siya tapos ngumuso.

"Mama naman, kahit two lang po." Hay, bata nga naman. Pandesal ang gusto niyang bilhin pero hindi naman niya kakainin. Gagastos lang ako pero para sa anak ko, gagawin ko.

Siya lang ang kasiyahan ko. Siya ang premyo ko noong bobo ako. Nakuha ko siya sa katangahan ko at sa pagmamahal ko. Mahal na mahal ko si Caius Jachrimo, ang anak kong kamukhang- kamukha ni Cross. Hinding - hindi mawawala sa aking buhay si Cross dahil may connect parin siya sa buhay ko, iyon ay ang anak kong si Caius. I love my child - more than pa sa ama nito. Mahal na mahal ko siya at itataya ko ang lahat para sa kanya. Iba ako magmahal, sobra man, hindi ko 'yon pinagsisihan.

"Ma, sige na po. Two lang po." Inangat niya pa ang kanyang kamay tapos inaayos iyon ng dalawang fingers niya. Ngumiti na lang ako at ginulo ang malambot, mabuhay niyang buhok.

"Sige na nga, bibilhan na kita. Promise me to eat the malunggay pandesal, okay?" He just smiled and nodded. The way he smiles at me - I can see Cross.

"Punta tayo kina Aling Gena, mama. May pandesal sila. Tapos sabi ni Lola Inday, buy niya ako ng tsinelas." Sabi pa niya. Oo, may koneksyon parin naman ako sa magulang ko pero kay tatay lang talaga ako nahihirapan.

"Ay! Mama, sabi pala sa akin ni Lolo Dong ay mag - iingat daw ako lage tapos aalagaan ko raw kayo." He said, innocently. Nakitang kong naglalaro na si Cai ng kotseng kahoy - gawa pa ni ninong Esto. Malapit lang naman ang bahay namin kina nanay at tatay. Hindi naman mahirap mabuhay dito. Sadyang mahirap kapag mag - aaral ka na dahil malayo ang paaralan dito.

Naaawa man ako sa anak ko. Wala akong magagawa. May contact parin ako kay Yna Jeanette. Sabi niya ay masaya na raw si Cross kay Trixia. Wala na sa akin iyon pero masakit parin dito sa puso ko.

"Cai, sama ka sa akin. Punta tayo sa market." Anyaya ko sa kanya. Sumilay naman ng liwanag ang mukha ng anak ko. Ngumiti lang at masaya ang anak ko, sapat na 'yon sa buhay ko.

"Sama ko po ang car ko, mama." Masigla niyang sabi. Tumango ako at inaayos ang damit niyang sando - iyong mumurahin pa pero sa gwapo ng anak ko mukhang mamahalin. Thanks for the genes - Cross.

"Mama, kailan ako mags-skul? Gusto ko skul na mama." Napangiti ako. Tinignan ko si Cai na abala sa pag - ayos ng tali sa laruan niya.

"Hahanap si mama ha? Wait lang, Cai."

"Opo."

Umabot ang hapon at naging gabi. I left my child in my house tapos pumunta kina Aling Gena. Manghihiram ako ng pera para sa pasukan ni Cai. Malapit na kasi ang pasukan tapos limang taon na ang anak ko kaya pwede na siya mag- aral. Sayang nga dahil nasa malayo iyong bahay namin sa paaralan.

"Madami ka ng utang, Icang. Tapos hindi mo pa nabayaran."

Nanlumo ako. Mahihirapan man ako, hindi ko iyon papansinin. Ang sa akin, gusto kong mag- aral si Caius.

"Sige po, salamat."

Umuwi na ako. Tapos napahinga ng malalim. Anong gagawin ko?

Isang tao na lang ang kailangan ko ngayon. Sana makontak ko siya.

To Love Again (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now