Chapter 3

4.6K 81 1
                                    

Chapter 3

Meant to be, is meant to happen. Kaya nga lahat ng mga tao ay magsasabi na lang ng bahala na, ayun, tunganga sa huli.


....

Kinabahan ako. Oo, iyan ang nararamdaman ko ngayon at noong kagabi. Nagtext kasi si Cross. Napapadyak ako na parang bata. Si Lord kasi e! I said naman na ayaw ko na pero ako naman din ang may kasalanan kasi humiling ako kay God. Ewan ko na lang kung ano ang gagawin ko. Tatakasan ko ba si Cross o magrereply ako sa kanya?

Ang tanong ko ay nasaaan si Trixia? Bakit wala siya sa tabi ni Cross? Is she died na? Wala na talaga. Ang bobo ko talaga. Mamaya ay babaguhin ko na ang life style ko. Nakakainis na kasi. Wala akong kaalam – alam sa mundong ito!

"Anak, malelate ka na." Tumango ako at hinalikan sa pisngi si nanay at tatay tsaka ako nagmamadaling lumabas ng bahay. Nang may jeep na ay agad akong sumakay at nag sign of the cross. Kahit saan ako magpunta ay nandiyan lage si Cross.

"Bayad po." Binigay ko naman iyon sa kondoktor. Ang ingay na nasa loob ng jeep ay dahil narin sa musika.

Amoy usok na ako pero wala akong pakialam. Nasa labas na ako ng gusali at alam kong nakatingin na sa akin ang ibang tao. Ayaw kong pumasok na walang perfume. Ang baho ko oy!

"Icah." Natigilan ako. Oh my God! Boses iyon ni Cross!

"What are you doing here?" He asked. Tumigil naman ako sa paghahanap ng perfume ko. Tiningnan ko si Cross was now smiling at me.

"Papasok na po ako Sir." MaAyaw kongy diin ang pagsabi ko ng Sir. kasabay siya. Ayaw kong makita siya. Habang may chance pa akong huwag mahulog sa kanya ng malalim ay kakayanin kong huwag na mangyayari iyong dati.

"Hey.."

He grabbed my hand. Oh god! Why my heart keeps on beating so fast? Ano ba ang problema niya?

"Hindi ka nagreply kagabi at iniiwasan mo ba ako?"

Huwag mo ng itanong please kasi nakakawala ng dugo.

"Ano kasi.. Wala akong load at madami pa akong aasikasuhin,"

Hindi siya umimik pero parang galit ata. Hindi ko pa naman alam kung paano siya magalit. Paano ko malalaman, kapag kasi magkikita kami noon ay lagi siyang iwas ng iwas sa akin. Diyahe, wala naman akong sakit noon no. Ang sakit lang kasi kapag lagi ko iyon iisipin ang nakaraan.

"Ganoon ba? Sabay na lang tayo papasok." Tatanggihan ko na sana siya pero nahigit na niya ang braso ko kaya wala akong nagawa kundi ay sumunod na lamang sa kanya.

Alam kong nakatingin ang mga tao sa amin. Nahihiya na ako hindi dahil kasama ko si Cross kundi ay ang isang katulad ko ay hindi nababagay kay Cross.

"We can have lunch later." Then he kissed me on my cheeks and left me in the office. Nakakahiya na talaga.

Umupo na lamang ako sa chair tapos hindi na lang inabala ang nasa paligid. Lalo lang ako ma e- stress. Pero kinilig ako bess! Dyahe! Si Cross iyon! Ang dating kong crush.

"Ano iyon, Icah?"

Ang nakakainis pa ay napakatsismosa ni Yna. Pwede ko ba siyang patayin?

I just shut my mouth. Ayaw kong magsalita dahil hindi ko gusto na may malaman pa si Yna. At isa pa, wala naman iyon para sa akin.

"Answer me, Icah." I faced her. Ano ba talaga ang problema niya?

"Wala iyon, Yna at please lang magtrabaho ka na."

To Love Again (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now