NF• Ika-Tatlumpu't Lima.

1.9K 76 16
                                    

How can someone hurt a gorgeous woman like Hell? 😭

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

How can someone hurt a gorgeous woman like Hell? 😭

PS. No proofread. No edits. Enjoy 😊




••

Author's POV






"FVCK!"

Isang gulat na sigaw ang umalingawngaw mula sa isang lalaki nang tumambad sa kaniyang harapan ang walang buhay na katawan na naliligo sa sariling dugo nito habang may naka-saksak pa sa dibdib nito. Napa-lihis ang tingin niya sa katabi nito na siyang kasamahan nila na tila ay naka-luhod sa harapan nito't hindi gumagalaw. Hindi niya makita ang mukha nito sapagkat ito'y nakatalikod sa kaniya.

"Anong nangyari!? Nakatakas ba ang babae!?" tanong naman ng kakarating lamang sa silid kaya napa-tingin dito ang sumigaw kanina.

"Tang*na pinatay ng babae ang kasamahan natin!" galit nitong sabi kaya agad napa-tingin yong isang lalaki sa likoran nito at nanlaki agad ang mga mata at napabuka ng bibig nang makita ang patay na katawan ng kasamahan.

"What the fvck!" nasambit na lamang nito at agad na lumapit sa patay na katawan ng kasamahan. Kinapa niya ang pulso nito sa leeg ngunit ni isang tibok ay wala nga siyang naramdaman kaya patay na nga ito. Nalihis naman ang kaniyang tingin sa taong kaharap niyang naka-upo at nakitang naka-tingin ito sa kaniya't mabilis na pinipikit-buka ang mga mata na tila ba'y may gusto itong sabihin sa kaniya ngunit siya'y napa-kunot noo nang hindi niya ito maintindihan lalo na kung bakit hindi ito gumagalaw.

Bigla na namang nalihis ang kaniyang paningin nang makarinig siya ng malakas na tunog kaya'y napa-tingin siya roon at laking gulat niyang makita ang kasamahan niyang hinahawakan ng mahigpit sa leeg ang babaeng dinukot nila na ngayo'y nahihirapang huminga habang naka-sandal sa pader.

"Anong ginagawa mo!? bitawan mo siya, gago! Gusto mo bang ikaw ang patayin ni boss!" sigaw niya at agad na sumugod dito't pinigilan ang kasamahan. Ngunit tila ayaw nitong magpa-awat kaya napa-suntok tuloy siya sa mukha nito ng wala sa oras dahilan para mapa-awat ang kasamahan at bahagya pang natumba sa gilid.

"Bakit mo ba ako pinipigilan! Bwecit! Alam mong pinatay niya ang isang kasamahan natin at 'yong isa naman ay hindi makagalaw! Ang kailangan sa babaeng ito ay patayin brad!" nagbalak na namang sumugod ang lalaki kay Hell ngunit pumagitna na ang isa.

"Huminahon ka! Gusto mo bang matulad sa kaniya?" tinuro nito ang patay na kasamahan. "Kung gusto mo mamatay ng maaga, sige patayin mo ang babaeng 'yan dahil papatayin ka rin naman ng boss natin 'pag bumalik na 'yon." umalis ito sa gitna nila at minabuting suriin ang kasamahang hindi gumagalaw.

Habang ang isa naman ay naiwang nakatayo at hindi nagawang sumugod kay Hell na ngayo'y muling napa-upo sa sahig habang naka-hawak sa leeg nitong namumula at pilit na hinahabol ang hininga. Napa-kuyom na lamang ng mga kamao ang lalaki at nagmartsang lumabas ng silid tsaka kinuha ang telepono upang tawagan ang kanilang boss upang ipag-bigay alam ang nangyari.

K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon