NF• Ika-Dalawangpu't Isa.

3.6K 100 43
                                    




••

Author's POV

••


Sa isang upuan, nakasimangot ang mukha nitong si Tucker habang nakayuko sa kanyang pagkain. Narito naman ang kanyang mga kaibigan, katabi niya ngunit bakit nga ba nalulungkot siya?





Napatingin tuloy ng wala sa oras si Nyril dito nang mapansin ito ngunit hindi niya na inabala't tinanong pa sapagkat alam niya na naman kung bakit nagkakaganun ang kaibigan. Ilang araw niya na itong ino-obserbahan at isa lamang ang nakikita niyang dahilan...


Napabaling siya ng tingin sa kanyang kaliwa, si Maisie. Oo, si Maisie ang dahilan kung bakit Nagkaka-ganun si Tucker. Naalala niyang may gusto si Tucker kay Maisie ngunit nitong mga nakaraang mga araw, iba na ang mga kinikilos ni Maisie lalo na nang malaman niya ang nakakapang-gulat nitong rebelasyon, na ang kanyang Kakambal pala ang matagal na nitong nagugustohan, na ilang buwan na ang nakalipas at hindi man lang nila alam ang pangalan nito.



Nang malaman iyon ni Nyril ay naiintindihan niya rin kung bakit ilang buwang walang alam si Maisie sa pangalan ni Viroughn dahil maging sila ng kanyang pamilya, hindi man lang nila alam na narito na pala si Viroughn at pinagtataguan lang sila.





"Una muna ako sa classroom, dudes.." Bigla silang napalingon kay Tucker nang bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo at namaalam na uuna sa silid. Bago pa man makasagot sina Nyril ay walang lingon na umalis na agad si Tucker. Ni hindi man lang sila nito pinasalita ng kahit isang letra.




Napatingin nalang tuloy si Nyril kay Bane dahil alam niyang si Bane ay may alam rin sa nangyayari kay Tucker. Nagkatinginan sila nito ngunit agad ding tumayo si Bane sa pagkakaupo at ngumiti sa kanila.




"Uhh, sasama na rin ako kay Tucker." saad ni Bane at napatango nalang si Nyril kaya napatingin siya kay Viroughn ngunit wala naman itong reaksyong kumakain sa nabiling pagkain kaya bumaling na lamang siya kay Maisie ngunit maging ito, parang wala ring narinig dahil busy itong nakatingin sa kanyang lalaking nagugustuhan na si Viroughn.





Napabuntong hininga nalang si Bane at tuluyan ng lumisan sa Cafeteria para sundan ang kaibigang si Tucker na ngayon ay Sawing Puso.





Ilang minuto lang nang nawala si Bane ay biglang umusog ang upuan ni Viroughn kaya napatingin si Nyril dito. Nakita niyang parang aalis na rin ito gaya ng dalawang nauna.



"I'll go now." tipid na paalam ni Viroughn kay Nyril na napatango nalang kaya walang ano-ano'y lumakad na paalis si Viroughn kaya ang naiwan sa mesa ay ang dalawang sina Maisie na parang naghihinayang at Nyril na napabuntong hininga nalang.







••

Nyril's POV

••




"Ay! Bakit umalis na agad si Viroughn?"


Napatingin ako kay Maisie na siyang katabi ko lang dito. Nakanguso pa siya ng kay haba na animo'y gustong tanggalin ang kanyang labi habang nakasimangot ang mukha. Psh.







"Hoy ikaw Maisie, talaga bang gusto mo yang kakambal ko?" naniningkit mata kong tanong sakanya dahil naninigurado lang ako dahil Oo nga't gwapo si Viroughn (Syempre maganda ako eh, Pfft) pero Eww! Pareho kaya kami ng mukha nun at talagang nagkagusto siya sa kapareho ng mukha ko?

Hindi kaya.. Kinaibigan lang ako nito kasi kamukha ko si Viroughn!?? Waaah! (O_____O)



Nanlalaking mata kong tinitigan si Maisie. "Isa kang tomboy!!" sigaw ko habang nakaturo pa sakanya na siyang ikinagulat niya naman. Lumaki pa nga ang butas ng ilong niya! Pfft.







K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon