NF• Ika-Labing Anim.

3.3K 98 1
                                    







••

Author's POV

••









Kinabukasan, araw ng Linggo ay maagang umalis sina Tucker at Bane sa bahay ng mga Lafonso. Ipinahatid naman sila ni Hell sa kanilang driver na si Rolly na agad din nilang sinang-ayunan.











"Salamat po sa paghatid, Manong." Nakadungaw sa bintanang sabi ni Bane kay Rolly nang sila'y nakarating sa tapat ng bahay nila Tucker.









"Sige Iho, wala yun. Magingat nalang kayo't ako'y babalik pa sa bahay ng mga Lafonso." tugon naman ni Rolly kay Bane na agad na ngumiti at tumango.






"Salamat tsong!" Pahabol pa ni Tucker na tinanguan lamang ni Rolly at ipinahururot na ang sasakyan paalis hanggang ito ay nawala na sa paningin ng dalawa.







Tumingin si Tucker kay Bane at inakbayan ito sa balikat na ikinalingon lang nito sa kanya. "Pasok ka muna sa loob dude," alok ni Tucker.






Saglit namang napatingin si Bane sa harap ng bahay nila Tucker sabay iling kalaunan. "Hindi na Tuck, uuwi pa ako sa bahay. Doon muna ako." pagtanggi ni Bane na ikinakibit balikat lang ni Tucker at inalis ang kamay sa balikat ni Bane.






"O'sya, mag-ingat ka dude. Tawagan mo lang ako kung may mangyayari coz no matter what happens, I'll be there~" pakantang saad nito sabay tawa kaya natawa nalang din si Bane sa pakulo ng kwelong kaibigan.










"Oo na. Pasok ka na dun para sasalubong ulit sayo ang tsinelas ng Lola mo!"natatawang sagot ni Bane na agad namang ikinaputla ng mukha ni Tucker sapagkat kapag si Tucker ay nakakauwi ng gabi o lalabas ng walang paalam ay tsinelas agad ng Lola nito ang sasalubong. Di lamang siya dahil kahit sa iba pang Pinsan ni Tucker ay ganun din ang dinadanas sa Lola nila.



"Oh sheyt, dude!"



"Hahahaha,"






Nang makitang nakapasok na si Tucker sa loob ng bahay nila at nakarinig ng kalabog ay nailing na lamang si Bane at tumalikod na paalis. Maingat niyang tinahak ang kalye at pinakikiramdaman ang paligid dahil baka sakali't nasundan siya ng mga masasamang loob na dumukot sa kanila.





Nakarating naman siya sa Terminal ng mga Taxi kaya agad siyang sumakay at nagpahatid sa Address ng bahay nila. Nang siya ay nakarating, agad niyang binayaran ang Taxi Driver at ito ay umalis na rin.







Napatanaw na lamang siya sa isang Two storey house na nasa kanyang harapan. Makikitang walang alaga ang bahay na ito, ni hindi na nga ito napapalitan ng Pinta sa mga dingding kaya nagkukulay Dirty white na.






Binuksan na lamang ni Bane ang gate ng bahay at siya ay pumasok paloob. Kinuha niya ang susi na nasa kanyang bulsa at ginamit ito pangbukas sa pintuan. Nang marinig ang 'click' ay hudyat iyon para maitulak niya pabukas ang pintuan.





Agad inikot ni Bane ang paningin sa loob ng bahay habang dahan-dahan niyang isinara ang pinto at ni-lock ulit ito. Napabugtong hininga rin siya at hindi maiwasang mapangiti ng mapait.







"It's been awhile huh..." muli, ay nilibot niya ang paningin lalo na sa mga litratong nakalagay sa mga mesa sa gilid pati na rin ang nasa dingding na naka-kabit, ang kanilang Family Picture.







K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon