NF• Ika-Labing Pito.

2.9K 91 8
                                    






••

Author's POV

••







"Sigurado ka ba talagang wala kang ideya sa kung sino ang mga dumukot sayo?"






Umiling si Bane. "Talagang wala po Chief," sagot niya sa isang pulisya na kasalukuyan siyang tinatanong sa nangyari kani-kanina lamang sa kanya.






Isinara naman ng pulisya ang hawak nitong notebook at tinapik siya sa kanyang balikat. "Osya, tapos na ang mga katanungan ko. Kung mauulit man tong pangyayari, tumawag ka lang sa 911 at reresponde agad kami sayo." saad ng pulisya na ikinatango naman agad ni Bane sabay tayo mula sa pagkakaupo niya sa isang silyang gawa sa plastik.






Umalis na ang pulisya at nagtungo sa mobile nito kaya napabuntong hininga nalang si Bane dahil akala niya ay mabibisto na siya sa mga pagsisinungaling niya sa ilang mga katanungan ng Pulisyang iyon.






"Dude!" napalingon siya bigla sa kanyang likuran nang marinig niya ang tawag sa kanya ng kaibigang si Tucker. Napatingin rin siya sa likod nito kung saan natatanaw niya mula sa kinatatayuan niya ang magkambal na sina Nyril at Viroughn na nag-uusap ng masinsinan sa pwestong may kalayuan sa kanila ngayon.











"Ano? Kamusta ang interview?" tanong ni Tucker kaya muli ay napabaling siya rito at napabuntong hininga ulit nang maalala niya ang nangyari sa paguusap nila ng pulisya.








"I'lied," mahinang sagot niya sa kaibigan na agad namang napailing at tinapik siya nito sa balikat.





"Okay lang yan Dude, mabuti na siguro yun para hindi na lalawak ang problemang 'to," tugon naman ni Tucker kaya napa-tango na lang si Bane. Oo nga't maaaring iyon na nga ata ang magandang desisyon sa ngayon lalo pa't ayaw niyang makipag-kooperasyon sa mga pulisya.









"Ano, handa ka na bang sabihin kay Nyril-dude ang lahat? Pag-isipan mo muna dude.." sambit nito sa kanya kaya muli tuloy siyang napatanaw sa dalagang si Nyril sa di kalayuan.









He shook his head and brushed his hair using his right hand out of frustration. Naramdaman niya naman agad ang pagdamay sa kanya ni Tucker na tinapik-tapik ang kanyang balikat.










"She'll hate me even more if I won't tell her the truth," nasabi nalang niya sa kaibigan na agad namang ikinabugtong hininga nito.











"Then tell her. At tsaka Dude bane, maaari naman natin siyang protektahan. Maging maingat nalang tayo ng husto kapag nalaman na ni Nyril-dude at tsaka seriously dude.." panandaliang huminto si Tucker at sinipat ang kaibigang si Nyril at muling tinignan sa mata sa mata si Bane na naghihintay naman sa kasunod na sasabihin nito. "...I am really sure that Nyril-dude can protect her own self though."









Napatahimik si Bane roon sa sinabi ni Tucker. Oo nga, mukha ngang kayang-kayang protektahan ni Nyril ang sarili nito na hindi niya inakalang magaling pala ito sa pakikipaglaban! Walang-wala naman kasi sa itsura nito at ni wala nga silang ibedensyang marunong pala ito.









Ngunit kahit pa't sabihing, Oo magaling nga si Nyril at manghang-mangha siya sa dalaga at di maipagkakailang naging Proud siya rito lalo na't may nararamdaman siya sa dalaga subalit, siya ay nakakaramdam din ng takot na baka sakaling kapag malaman na nga ni Nyril ang lahat ay yun naman ang hihila sa dalaga para mapunta sa panganib ang buhay nito. And that is the least thing that he wanted to happen to Nyril. He cares for her, Albeit she doesn't know any single thing about it.








K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon