Chapter 10 ~ Ang magnanakaw

Start from the beginning
                                    

"Sana lagi ka nalang tumatawa. Sana lagi kang ganyan."

Kaagad na natigilan siya sa pagtawa. Yung nakatawa niyang mukha, unti-unting napawi. Sarap saktan ng sarili ko uh? Gusto ko nalang ipukpok ang ulo ko sa pader ngaun. Yung sobrang lakas na magkaka bukol ako sa ulo. Ahhh! Dapat di ko nalang pinansin! Wrong move, Macah. Wrong move!

"Ayokong mabalitaan na pinagkakalat mo sa lahat na napapatawa mo ko." masungit niyang sabi saka nag dekwatrong umupo.

Kinagat ko ang labi ko at tumango. "Okay."

Umupo ako sa tabi niya. Ipinwesto ko ang siko ko sa hita ko at naghalumbaba na pinagmasdan siya. Sinusuklay niya ngaun gamit ang kamay niya ang mala-astroboy niyang buhok. Tinataas niya ang harap nito na medyo bumababa na. Maikli at neat ang buhok ni Zero, malayong malayo sa maangas na buhok ni Tyler na medyo mahaba at tumatakip sa mata niya. Gustong gusto ko talaga ang mga ganung style ng buhok tulad ng kay Tyler at ayaw ko sa clean cut dahil masyadong pa "good boy" but now, it's different! Kahit neat si Zero, tingin palang niya maangas na. Isama mo pa ang makalaglag panty niyang tindig at kilos. My god, supeeer angas! Like na like ko talaga yung effortless niyang pagiging maangas at bad boy, hindi tulad ng ibang trying hard na may piercings, ripped pants at kung anu-anong ka artehan at ka echosan.

"Grabe. Ang gwapo mo talaga Zero." hindi niya ako pinansin at dahil papansin ako, magpapapansin pa ako. "Umaapaw! Sa english, overflowing! Yung tipong... Gosh, di ko na keri. Napapa loose-thread mo ang panty ko!"

Napa nguso siya. Ngumiti ako ng makitang natatawa nanaman siya pero pinipilig nalang niya ang ulo niya at pinipigilan ang ngisi at tawa niya. Ang cuuuuuuute niya! >__

Don't worry Zero babe, kahit magdamag kapang tumawa, hindi ko ipapagkakalat. Itatago ko. Itatago ko sa puso ko. Mwahaha!

"Langya, ang gwapo talaga." tumawa ako.

"Langya, ang pangit talaga." ngumisi siya sabay kain niya ng fishbol GAMIT ANG STICK KO. Nalaglag ang panga ko.

"Ano? Ma-masarap ba?" nabubulol kong tanong ng makita ang slowmotion niyang pag nguya. Kita kong may pandidiri sa bawat paglunok niya.

"Pwede." nag kibit balikat siya at tumusok nanaman ng fishbol. Napangiwi ako sa ekspresyon ng mukha niya. Para bang labag na labag sa kalooban niya ang pag kain ng fishbol. Napipilitan talaga ang itsura niya. Pinagmasdan ko ang kamay niyang nandidiring tumutusok ng fishbol. Ang arte talaga niya?

"Ngaun ka lang din ba nakakain.niyan? Ng fishbol?" tumango lang siya.

"Sabi mo pwede na. Pero mukhang hindi naman ata? Wag mo ng pilitin kung ayaw mo naman talaga."

"Kinikilabutan ako."

"Huh?! Bakit?! May multo?! Natatae ka? Ano?! O___O"

"Yung tindero neto. Nakita mo ba yung kuko niya?" napalunok si Zero. "Ang dumi tapos yung lutuan niya? Nangitim na. Tapos yung lugar? Walangya, napaka bantutin."

"Masarap at ginugutom na ako pero tangina, kinikilabutan talaga ako." dumapo ang kamay niya sa braso niya at nawindang ako ng makitang nakataas talaga ang mga balahibo niya sa braso at hinahaplos niya ito para bumaba.

"Nakakasuka." napahawak siya sa bibig niya sabay tayo.

Bahagya siyang lumayo saken. Pinanood ko siya. Yumuko siya at napahawak sa tuhod niya. Nanlaki ang mata ko ng makitang nagsusuka na siya. Tumakbo ako sakanya at hinagod ang likod niya.

"Kung ganyan kaarte at kahina ang sikmura mo, dapat kase hindi kana nag-iisip ng kung anu-anong nakakadiri at kumain kanalang ng di ka masuka." pang-aaral ko sakanya sabay hagod sa likod niya.

Courting ZeroWhere stories live. Discover now