Chapter 10 ~ Ang magnanakaw

Start from the beginning
                                    

"Hala! Wala ni isa akong saulong number sa contacts ko. Uwaa! Paano na yan?" kinagat kagat ko ang daliri ko. "Zero ikaw ng makitext! Text mo sina Ruji!"

"Number ko nga di ko alam. Kay Ruji pa kaya?" bumuntong hininga siya at inabot ang fishbol kong nilamig na ata. Napangiwi siya habang pinagmamasdan ito. Umiling siya at maarte niyang hinawakan ang stick ko. Namilog talaga ang mata ko ng makita kong tumutusok na siya ng fishbol. Nakita ko talagang tumaas ang balahibo niya sa braso ng maamoy ang fishbol. Umiling siya at bumuga ng hininga. Tutok na tutok siya sa fishbol na dahan-dahan niyang inaangat papunta sa bibig niya. Kita ko talagang labag sa loob niya ang ginagawa niya. Halatang nandidiri ang itsura niya.

"Zero wag mong pilitin kung ayaw-"

"Mamamatay na ako sa gutom."

Nahabag ako. Oh my poor baby! Gutom na gutom na talaga siya? Luminga-linga ako sa lugar. Dmn! Mamalimos kaya ako? Wala kayang foreigner dito na pwede kong kembotan at agad-agad ang bayad? Ahhhhh!!!! Kakapit ako sa kahit anong patalim, wag lang magutom ang mahal ko.

Malapit na sa bibig niya ang fishbol na nasa stick. Tinitigan ko ito at nalaglag ang panga ko. Holy sht! Akin ang stick nayan! Ginamit ko nayan! Gagamitin niya ulit? Hala, eh deba indirect kiss ang t-tawag dun? Pag ginamit niya pa yun, di para narin kaming naghalikan? Napatayo ako. Gagamitin niya? Seryoso? Eh ang arte arte arte ni Zero deba? Ho my god!

Natigilan si Zero at tiningala ako. "Umupo ka nga. Ang pangit mo."

"Kase Zero, kase akin stick yan? Pangkuha nalang kita ng iyo. Hehe." pumungay ang mata ni Zero. Hindi naman sa ayaw kong magka indirect kiss kami. Ang romantic kaya nun at kakakilig kung gagamitin niya ang stick na pinaggamitan ko na pero MAS OKAY KASI KUNG DIRECT KISS! Wehehe.

"Bakit? Bad breath ka ba?" tanong niyang ikina taas ng altapresyon ko. Walangya uh? Five times a day pa nga akong nagtotoothbrush sa isang araw ye!

"Grabe! Pinagbibintangan mo ba akong mabaho ang hininga ko? Naamoy mo naba? Nakakainis ka naman Zero! Inaano ba kita?" oo ako ng pikon. Pikon talaga ako lalo na at amoy ng hininga ko ang hinuhusgahan niya ngaun.

"Tawagin mo na akong losyang at pangit pero wag mong ku-kwestyunin ang amoy ng hininga ko! Hindi ko matatanggap! Bad breath pa talaga uh? Kahit mag amuyan pa tayo ng hininga ngaun! Sige nga!" hamon ko sakanya.

"Anong sabi mo?" napa nguso siya. Tumalim ang titig ko sakanya ng makita kong natatawa siya.

"What's so funny?!" nagpameywang ako sa harap niya.

"Tinatanong ko kung bad breath ka. Di ko sinabing mabaho hininga-"

"Ganun na din yun! Nakaka hurt ka talaga kahit kelan! Nag toothbrush kaya ako!"

Nalaglag ang panga ko ng tumayo siya at humalakhak ng malakas. Nakakatameme lang yung tawa niyang umaalingawngaw sa sobrang lakas. Walangya talaga. Ang gwapo niyang tumawa shet! Mas madalang pang magpakita ang bulalakaw kesa sa magpakita ng tawa si Zero kaya hindi ko mapigilan hindi mawindang at tumunganga sakanya.

"You're crazy." aniya'ng natatawa. Umiling-iling siya at nakangisi tinitignan ako. Pakiramdam ko umulan ng rainbow sa paligid. The fvckers, sarap atang mag tumbling ngaun! Okay na saken kahit tawagin niya akong bad breath tapos tatawanan ng malakas. Okay lang talaga, my god! Laitin niya na ako basta ba tatawa siya, kikiligin na ang bones ko! Taena kasi. Ang gwapo niyang tumawa!

Yung feeling na kapag tumawa siya, nakakalimutan kong siya si Zero Cross- mayaman, mapanlait, mayabang, maarte, mapanghusga, masama, bossy, demonyito, at lahat na. Nakakalimutan ko lahat ng negatibong bagay tungkol sakanya. Naku, marinig niyo lang ang tawa niya, sobrang cuuuute!

Courting ZeroWhere stories live. Discover now