CHAPTER 35

34.7K 841 22
                                    


Hi guys thank you sa votes:) 22k na tayo! Iniisip ko kung gagawan ko ba ng part two yung story na to kapag natapos ko na. Well matagal pa naman yun at depende sainyo kung gusto niyo:) please comment kayo guys ha kasi gusto ko din malaman kung okay ba sainyo. Ciao!



Sofia:

Masayang masaya ako ng mga oras na yun. Tumayo na si Nikko at hinalikan niya ako.


"Magcecelebrate tayo gusto ko magbakasyon Sofie yung tayong dalawa lang. Namiss nadin kasi kita sobra kung alam mo lang."




Tumango ako sakanya at muli ay hinalikan niya ako sa mga labi ko. Tumikhim si papa at nagpaalam ng lalabas na muna ng library pati narin si mama para makapag usap kami.

Ng makalabas ang mga magulang ko ay hinila ako ni Nikko at napakandong na ako sakanya.





"May sasabihin kaba?"
Tanong ko rito.






"Mahal naalala mo ba lahat ng kasalanan nagawa ko sayo noong mga panahong akala natin ay magkapatid tayo?




Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nito.






"Mahal sorry nagdadala ako lagi ng babae dito. Pangako ko sayo hinding hindi na sila makakatuntong pa dito sa pamamahay nato. Alam mo naman kasing sa mga oras na yun ay pinilit kong kalimutan ka. Sobrang mahal talaga kita at ang lakas ng tama ko sayo kaya nga kahit mukha na akong baliw ay tinanggap ko na kapatid kita noon basta di magbago ang pagmamahalan natin." Mahaba niyang paliwanag.







"Wala na yun mahal. Kalimutan na natin yun ahm kahit ako e may kasalanan din kasi nakikipagdate na ako non kay Jacob."






"Shhhh no mahal. Di mo kasalanan yun talagang malakas lang ang tama sayo ng lalaking yun kaya hindi ka niya tinatantanan. Pero hindi kana niya pwedeng ihatid dito at sunduin dahil baka ano pa ang magawa ko sakanya. Diba sabi ko sayo noon pa man akin ka lang."






Natawa ako sa mga sinabi niya dahil hindi parin siya nagbabago. Masaya talaga ako at pinagdadamot pa niya ako kaya naalala ko yung ginawa niya sa kaklase kong lalaki na nililigawan ako at kinukulit ako araw araw.






( Flashback)


"Uy Sofie sagutin mo na ako please ang tagal tagal ko ng nanliligaw sayo eh."






"Mark pwede ba? Sinabi ko na nga sayo na wala kang pagasa kasi may iba na akong gusto."






"Hindi ako naniniwala sayo e wala ka pa ngang pinapakitang boyfriend mo eh. Wag ako Sofie. Hindi ako susuko sayo."






"Hay ang kulit mo. Ano ba umalis ka nga dyan at marami pa akong gagawin storbo ka e." Naiinis na ako Kay Mark dahil sobrang kulit nito.






"Sagutin mo muna ako. Hindi mo talaga matatapos yang ginagawa mo hanggat hindi mo ako sinasagot."






"Hay umalis ka na nga sabi e! Naiinis na ako isa!" Banta ko sakanya sobrang kulit kasi nito.






"Mr. Ramos anong ginagawa mo dito? Gusto mo bang ibagsak kita sa subject mo?" Biglang dumating si Nikko at yun ang sinabi niya.






"Ahh e hi Sir kayo pala yan. Tapos ko na po yung pinapaproject niyo." Confident na sabi ni Mark.






"Anong tapos? Mali mali lahat ng sagot mo sa equation. Ulitin mo lahat yon or else ibabagsak na kita. At oo nga pala dadagdagan ko pa ang project mo kaya mamaya pumunta ka sa faculty." Sabi ni Nikko.






LOVE AFFAIR | Book 1[Under Editing]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon