CHAPTER 2

77.8K 1.1K 7
                                    

Sofia:

Kinabukasan ay maaga akong pumasok nagpaalam na ako Kay Lola dahil may thesis kaming gagawin ng mga kagrupo ko at di kailangan na namin masimulan ng maaga yun dahil sa byernes na ang deadline at martes na ngayon.

Dahil martes ay 10am ang pasok ko pero pumasok ako ng 8:30am to be exact para mas maaga.

Naglalakad na ako ng may tumawag sa pangalan ko. Kasalukuyan akong nag aantay ng jeep papasok sa school nagtitipid kasi ako at kaya di ako nag tataxi.

"Sofia." Boses ng isang lalaki at kilalang kilala ko ang boses na yon. Si Harold Steve, siya ang lalaking Simula first year college palang ay nanliligaw na saakin at kinukulit ako kahit ilang beses ko siyang binabusted ay ang kulit padin niya at maghihintay daw siya. Mabait naman si Harold pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya.

"Oy harold kamusta kana?" Yun nalang ang nasabe ko. Ayoko naman din maging bastos sakanya. Ahead siya saakin ng 1 taon kaya grumaduate na siya last year.

"Okay naman ako. Ikaw? Lalo kang gumaganda sofie" sabi niya. Eto nanaman siya di ata ako titigilan neto kaya pinutol ko na ang usapan namin.
"Ahehe okay naman ako Harold. Osige na may klase kase ako at malelate nako e bye!" Sabi ko at agad na sumakay ng jeep buti nalang may jeep na. Narinig ko ang sigaw niya na ihahatid niya ako pero nagkuyare lang akong walang naririnig. Sorry Harold alam ko kaseng mangungulit ka ulit. Nasabi ko nalang sa isip ko.

Pag pasok ko esaktong 8:45 am na. Nalate ako ng 15mins sa tansya ko dapat kase 8:30am talaga ako kase madami din akong gagawin. Ako nga pala ang Vice President ng student council namin kaya kapag wala si president sakin lahat ng trabaho. Pero okay lang kase palagi ko nakikita si Nikko at lihim niya akong tinitignan. Napangiti nanaman ako na parang ewan ng maalala ko si Nikko.

Pumasok ako ng teachers faculty para kunin ang naiwan na mga kelangan Kong gawin agad. Mamaya pa kase pwedeng makapag trabaho si Jane ang President namin. Kaya ako nalang ang gagawa para hindi na siya mahassle dahil may class pa siya ngayong 9am. Pagpasok ko ay nakita ko si Nikko at si Ma'am Ruby na nagtatawanan. Nag good morning ako sakanila at kinuha ko ang mga dapat kunin at umalis agad.

Sa totoo lang di ko feel si Ma'am Ruby dahil sa alam kong malaki ang pagkakagusto neto Kay Nikko. Pano ko nalaman?







Flashback





Ganito kasi yon. Nag C.r ako malapit sa teachers faculty at narinig kong nagbubulungan si Ma'am Danica prof ko sa p.e at si Ma'am Ruby.




"Uy Ruby ahh napapadalas na ata yang pag aaya mo kay Nikko lumabas" sabi ni Ma'am Danica.
"Aminin mo nga sakin may gusto ka Kay Nikko noh?"dagdag pa neto.




Agad na tinakpan ni Mam Ruby ang bibig ni Mam Danica kahit pabulong lang eto at nag blush siya. "Shhhh wag ka maingay Nica baka may makarinig satin" sabi niya.




"Umamin ka muna kasi" sabi ni Mam Danica na may halong pilosopo na ang boses. Agad na huminga ng malalim si Mam Ruby at muling nagsalita.



"Oo Nica, Di lang gusto. Mahal ko si Nikko" at napangiti siya ng pagkalaki laki. Agad na tumili si Mam Danica.





"Bagay naman kayo e ang ganda ganda mo kaya at pati mga kalalakihang studyante mo nahuhumaling sayo." At agad silang nagtawanan.






End of flashback




Naalala ko nanaman at naiinis nanaman ako. Bakit kase ang gwapo gwapo ni Nikko eh halos lahat nga ng mga babaeng studyante dito crush siya haaaay Nikko.




LOVE AFFAIR | Book 1[Under Editing]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon