CHAPTER 14

41.8K 971 8
                                    


Nikko:

Maaga akong nagising 5am na at bumaba ako para kumuha ng malamig na tubig.




Nasa tapat na ako ng ref. Wala pang gising sa ganitong oras at pati mga katulong nila.


Nagulat ako ng maramdamang may yumakap sa likod ko. Ramdam ko ang lambot ng kanyang katawan.



"Nikko." Narinig kong sabi niya. At nalaman kong si Ruby yun.

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya pero ang kulit niya.


"Ruby ano ba? Umayos ka nga baka makita tayo ng mga magulang mo." Sabi ko.


Parang wala siyang narinig at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa likod ko.


"Edi maganda para malaman nilang may relasyon tayo." Sabi niya.

Agad kong tinanggal ang pagkakayajap niya kahit na nasasaktan siya.


"Anong pinagsasabi mo? Wala tay-" naputol ang pagsasalita ko ng bigla niya akong hinalikan.

Tinulak ko siya ng mahina para tumigil siya.


"Ano ba Ruby?!" This time ay galit na ang boses ko.


Ano bang nangyayare sa babaeng to?


Naguguluhan ako sakanya.


Sa mga kinikilos niya.



Agad siyang lumapit sakin at akmang hahalikan ako pero umilag ako.



"Ano ba?! Ano bang ginagawa mo?! Maawa ka nga sa sarili mo! Para na kitang kapati-" naputol nanaman ang sasabihin ko ng halikan niya ako ulit.


Ang kulit talaga niya. Galit na ako at tinulak ko siya ng malakas.


Wala na akong pake kung masaktan siya. Agad akong tumalikod at hinabol niya ako.



"Nikko sandali!" Agad niyang sabi at tumakbo sakin tsaka ako niyakap sa harap.




"Mahal kita Nikko. Kahit na mga bata palang tayo mahal na kita. Ay mali, hindi pala kita mahal dahil mahal na mahal na mahal kita." Sabi niya na alam kong umiiyak na siya.


Tumingin siya sa mga mata ko at nagpatuloy.




Kaya di ako tumuloy para magtrabaho sa Amerika dahil sinundan kita. Sinadya ko na mapalapit lalo sayo Nikko. Lahat gagawin ko dahil mahal na mahal na mahal kita.


Kaya kong ibigay ang lahat sayo.

Kahit ang sarili ko.


At nagulat ako ng agad niyang hinubad ang black gown niyang pantulog at tumambad sa harapan ko ang kabuuan ng kanyang katawan.



Di ako tumingin.. Dahil malaki parin ang respeto ko sakanya dahil kapatid ang turing ko sakanya.


Hinawakan niya ang mga kamay ko at nagulat ako ng ilagay niya iyon sa magkabilang dibdib niya.


"Feel it" sabi niya habang inaakit niya ako.

Bigla kong naalala si Sofie. Tama ang babaeng mahal na mahal ko.

Hindi ko kayang pagtaksilan siya dahil siya lang ang mundo ko.

Mababaliw ako pag nawala siya kung gagawa ako ng kagaguhan.

Agad kong inalis ang mga kamay ko kay Ruby.


"Tumigil kana Ruby. May mahal na akong iba at hinding hindi masisira yun ng panandaliang kasayahan lang."



LOVE AFFAIR | Book 1[Under Editing]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon