CHAPTER 10

49.1K 844 3
                                    


Sofia:

Saturday ngayon at maaga akong gumising dahil may lakad kami ni Nikko. Kakain kasi kami sa labas at pupunta kami sa bahay niya sa alabang.


Matagal nadin ako di nakakadalaw sa bahay niya. Kasama niya ang kanyang pinsang lalaki na si Raven dahil may business eto sa alabang. Siya kasi ang may ari ng isang sikat na restaurant doon.



"Ring! Ring!"

May tumatawag. At tama ang hula ko na si Nikko ang tumatawag at sinagot ko naman to.


"Hi mahal good morning. Ang ganda ganda mo talaga. I love you." Agad na bungad niya. Napatawa naman ako dahil sa kilig.

"Hay nako Mr. Alferez hindi ka lang pala magaling sa mga numbers kundi magaling kadin pala sa pangbobola." Reaksyon ko sa sinabi niya habang napapangiti ako.


"Totoo namang gandang ganda ako sayo e. At ang sarap mo pa." Sabi niya.

Ang bastos talaga ng lalaking to hay nako. Mas lalo lang ako napapangiti sa mga sinasabe niya.


"Hoy Mr. Alferez tigil tigilan mo ako dyan. Yang bibig mo ha." Sabi ko at namumula na ako sa hiya.


"Bakit? Ano ba ang masama sa sinabe ko? Di mo pa kase ako pinapatapos e. Sabi ko ang sarap mo naman talaga. Sarap mo magmahal." At tumawa siya ng napaka seksing tono na boses.


"Sus ang dami mong alam. 11 na oh anong oras mo ba ako susunduin ha? Akala ko may date tayo?" Sabi ko.



"Open your door kanina pa ako nandito." Sagot niya.


Nagulat ako dahil di pa ako nakakaligo at nakakapag ayos. Ni hindi pa nga ako nakakapaglamos o kahit mumog man lang.



"Haaaaa?! E bakit wala kang pasabe? Mag antay ka Jan sa labas mag aayos na ako." Sabi ko. Ayoko kasing makita niya ako na ganito. Gulo pa kaya ng buhok ko.




"Papasukin mo na ako please may dala dala akong breakfast dito alam ko di kapa kumakain." Sabi niya. Kinatok na niya ang pinto. Bigla naman ako nakaramdam ng pagkulo ng tiyan ko kaya walang sabi sabi ay binuksan ko na ang pinto.



At nandun nga siya nakatayo at madaming dalang pagkain. Nakangiti naman siya at hinalikan ako sa noo.


"Hi gorgeous." Sabi niya sabay kindat at pasok sa loob. Sinara ko naman ang pinto at tinignan ko agad yung dala niya dahil gutom na talaga ako.




Matapos namin kumain ay pinag antay ko siya sa sala para makapag ayos na ako. Siya naman ay walang angal at nanood lang ng T.V.




Dali dali akong naligo at nagayos ng kaunti. Pulbo at konting lip tint ay okay na. Di ko na kailangan maglagay pa ng blush on dahil mamula mula na talaga ang pisnge ko. Binuksan ko ang drawer ko at nakita ko ang dress na niregalo sakin ni lola last birthday ko.



Ayun ang sinuot ko. Color nude siya na above the knee at fit na fit siya sakin kaya kita ang hubog ng katawan ko. At nag flat shoes nalang ako na itim pinares ko nalang sa bag kong maliit na itim din ang kulay. Saglit kong sinuklay ang mahaba at wavy kong buhok at nag spray ng pabango na niregalo sakin ni Sarah. Miracle ang tatak neto at napaka bango niya di masakit sa ilong tamang tama lang. Mild yung amoy na pangbabae talaga.



Bumaba na ako ng ready na ako..





"Perfect." Sabi ni Nikko.



"Ha?" Litong pagtatanong ko.



"Ang ganda mo talaga bagay na bagay sayo ang ayos mo ngayon." Sabi niya at lumapit sakin at hinalikan ako sa mga labi ko. Sandali lang yun at hinila na niya ako palabas.







Nasa BGC na kami sa alabang. Kumain kami sa isang mamahaling restaurant. Napaka galante talaga ni Nikko.




May inabot siya saaking isang parehabang box na color dark blue. Halatang mamahalin ito.



"Ano to?" Sabi ko.





"Open it." Sabi naman niya at ngumiti lang saakin.


Sinunod ko naman siya at binuksan ko ito. Napanganga ako sa nakita ko. Isang silver necklace na may pendat na infinity at tadtad ng diamond. Sobrang ganda neto. Kumikinang ang diamond na nakaarkong infinity ang style niya. Napahawak ako sa mga labi ko sa sobrang gulat.



"You like it?" Tanong niya. Anniversary kasi namin ngayon at apat na taon na ang relasyon namin.



Tuwang tuwa ako at napatayo ako at agad ko siyang niyakap. "Thank you mahal. Makasama lang kita sapat na sakin yun. Pero may regalo kapa talaga thanks talaga mahal." Sabay halik halik sa pisnge niya. Napangiti naman siya at lumingon sakin habang hinahalikan ko ang pisnge niya kaya sa susunod na paghalik ko ay nagtama na ang mga labi namin.



Bumitaw siya at tumayo. Kinuha niya ang kwintas at isinoot sakin. Napakaganda talaga neto.



"Bagay sayo. Lalo kang gumaganda habang suot mo yan. Happy Anniversary mahal."Niyakap niya ako at muling nagsalita. "Mahal na mahal kita Sofie." Nagkatinginan kami at muli nanman niyang sinakop ang mga labi ko. Di namin alintana ang mga tao. Wala kaming pakialam sa mga oras na yun. Bumitaw ako sakanya at nagsalita ako.




"Mahal na mahal din kita Mr. Alferez ng buhay ko." Sabi ko. At napatawa naman siya. Kumain na kami habang masayang nagkkwentuhan.







5pm na ng umalis kami sa restaurant na kinainan namin. Nagenjoy kase kami lalo kaya nagorder nanaman si Nikko ng pang early Dinner na food at kumain nanaman kami.



Pumunta muna kami sa bahay niya at nandoon si Raven. Alam ni Raven ang lahat samin ni Nikko at suportado naman niya ang relasyon namin ng pinsan niya.




"Hey dude kasama mo pala si Sofie. Lalo kang gumaganda Sofie." Sabay halik sa kamay ko. Tumikhim naman si Nikko na parang pinagdadamot ako sa pinsan niya. Tumawa nalang ako dahil ganyan talaga yan si Nikko kaya naiinlove ako lalo sakanya.





Nagkwentuhan lang kaming 3 at kumain ulit ng light foods. Mapilit din kasi si Raven at nagluto ng specialty niya kaya kumain nanaman kami ni Nikko.





Past 9pm na ng ihatid ako ni Nikko sa bahay namin.




Ayaw pa nga niyang umalis at nagpupumilit na sa bahay matulog. Syempre hindi pwede dahil baka malaman pa ni lola. Sa susunod na linggo na ang uwe niya at excited na ako makita si lola.




Nagpaalam na sakin si Nikko at hinalikan niya ako sa mga labi ko.





Hay ang sarap talaga sa pakiramdam. Hinintay ko siyang makapasok sa kotse niya. Kumaway ako sakanya hanggang sa di ko na matanaw ang kotse niya.





Pagpasok ko sa loob ay naligo ako dahil sa init ng panahon ngayon. Malapit nadin kasi ang Summer.




LOVE AFFAIR | Book 1[Under Editing]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon