CHAPTER 33

32.3K 703 22
                                    

Sofia:

Ng matauhan ako dahil sa lalim ng iniisip ko ay di ko namalayan na kanina pa ako kinakausap ni Cheska.




"Ah sorry Cheska ahm ano kasi ah yung kaibigan ko umuwi na ng pinas. Oo tama yun nga kaya mag memeet kami mamaya kasama si Sarah yung isa ko pang kaibigan na nakukwento sayo kaya ayun excited lang hehe." Pag dadahilan ko kahit hindi naman talaga yon ang dahilan.




"Wow kainggit naman sana may chance din na makilala ko sila. Uy Sofie ahh wag mo ko kalimutan ipakilala sakanila pag may time."




Ngumiti naman ako sakanya dahil masaya din ako at gusto niya makilala ang mga kaibigan ko at nasisiguro ko na magugustuhan siya nina Sarah at Lesly. Dahil mabait naman si Cheska at totoong kaibigan.





Nakahinga nadin ako ng maluwag dahil hindi pa nangulit ito at bumalik nadin sa trabaho.





Maya maya ay abala nanaman ako sa ginagawa ko dahil nag tatype ako sa keyboard ng biglang nag vibrate ang phone ko. Tinignan ko muna ang orasan at 6pm na pala ng gabi.





Marahil ang mga kaibigan ko iyon kaya naman ay tinignan ko na kung sino ang nagtext.






Napakunot noo ako dahil...






From: 0916*******

I miss you.





Sino naman kaya ito? Well baka nangtitrip lang. Hay mga tao talaga.





Bumalik nanaman ako sa pagtatype at nag vibrate nanaman ang phone ko.






From: 0916*******

I still love you.





Nainis na ako. Kung magpalit nalang kaya ako ng number? Sino kaya to?





Hindi ko na pinansin at tinapos na ang ginagawa ko. Hindi narin muli pang nagtext ito kaya naman baka nangtitrip lang.





7pm ng matapos ang trabaho ko. Hindi na muna ako nagpahatid kay Jacob dahil dala ko ang kotse ko at nagtext sakin si Lesly na magpapaparty nalang ito kaya naman sa club kami magkikita kita ng 9pm.






Kaya naisipan kong umuwi na muna at magpalit ng damit.





Ng makauwe ako ay walang tao sa sala kaya naman ay pumunta ako ng kusina dahil nauuhaw na ako.






Papalapit na ako ng makita ko si Rea at Nikko na nag me make out sa kusina. Si Rea o Rea Burce. Kilala ko ito dahil nakakahiya man ay pinaimbestigahan ko ito.





Napagalaman kong mahirap lamang ito at lumuwas ng manila upang mahanap buhay. Napa smirked ako dahil ibang trabaho naman ang inaatupag nito at iyon ang ginagawa nila ngayon ni Nikko.






Nakita ako ni Nikko dahil nakaharap ito habang nakikipag halikan Kay Rea.






Naitulak niya ito at nagsalita.






"Sofie hindi tama ang iniisip mo."






Nag smile ako. Nakainit ng ulo pero tinatawanan ko nalang siya.






LOVE AFFAIR | Book 1[Under Editing]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon