CHAPTER 22

34.7K 814 13
                                    


Sofia:

Pumunta kami sa isang 5 star restaurant. Habang nasa sasakyan ako ni Nikko ay kinakabahan ako at hinawakan naman niya bigla ang kamay ko.

"Wag kang kabahan Sofie. Magugustuhan ka nila." Sabi neto na may malaking ngiti sa mga labi niya.

Tumango ako at huminga ng malalim tsaka muling tumingin sakanya.


"Basta para sayo mahal lahat kakayanin kong harapin." Sabi ko at hinalikan ko siya.

Totoo namang kaya kong harapin ang lahat maging ang mga magulang niya para sakanya.

Lumabas na siya ng kotse para pagbuksan ako ng pinto.


Pagpasok palang namin sa loob ay mamamangha ka sa ganda dahil parang ginto ang wall neto na kumikinang maging ang upuan na gagamitin at mga kurbetos. Napaka ganda din ng malaking chandelier sa gitna na napapalibutan ng tila puro dyamante.



Huminto kami sa table sa gitna kung saan nakatutok ang malaking chandelier parang pang VIP eto dahil eto ang may pinaka magandang view.


Lumingon ang isang napaka gandang babae at ngumiti. Tumayo naman ang isang gwapong lalake na kahit may edad na ay masasabi mong napaka gwapo padin.


"Hi son finally you're here." Sabi ng babae at tumayo para halikan sa pisnge si Nikko.

"Ohh you are Sofia right? Napaka gandang bata mo naman at maswerte pala ang anak unico hijo dahil nakabingwit ng dyosang katulad mo." Sabi naman ng Papa ni Nikko tsaka tapik sa balikat ng anak niya at lumapit sakin para halikan ang kamay ko.

Hi Dear I'm Nikko's mother how are you?"

Lumapit naman ang mama niya para halikan ako sa pisnge. May kakaiba akong naramdaman sobrang tuwa ng halikan niya ako sa pisnge ko. Marahil ay nangungulila ako sa pagmamahal ng isang ina.



Pinagsaluhan namin ang pag kain at nagkwentuhan kami.


Nalaman ko rin na may isa pa silang kompanya dito sa manila ang Alferez Coporation. Lalo akong namangha dahil di ko akalain na sakanila pala ang sikat na kompanya na ito.



Marami kaming napagkwentuhan. Ang ina ni Nikko ay laging nakatingin sakin at napapansin ko ito. Nginingitian ko nalang siya dahil wala lang naman sakin ang mga yun.
Natural lang yun dahil alam kong sinusuri niya ako para sa anak niya.


Natapos ang magandang kwentuhan at masarap na pagsalo salo sa hapagkainan ay nagpasya ng magpaalam ang mga magulang ni Nikko. May kikitain pa daw kasi silang old friend kaya nagpasya nadin kaming umalis ni Nikko.



Nikko:

3 araw palang ng umalis si Sofie kasama ang boss niya papuntang London ay hindi na ako mapakali.

Lagi kong tinitignan ang phone ko kung may text o kaya naman ay baka tumawag si Sofie.


Isang linggo kasi siyang mawawala at parang taon na sakin ang tagal non. Hindi ko alam kung susundan ko ba siya o maghihintay nalang dahil sa may tiwala naman ako sakanya at ayokong magalit siya. Alam kong iisipin niyang wala akong tiwala kaya talagang magagalit to kapag sumunod pa ako. Huminga ako ng malalim at agad lumabas ng bahay ko.

Naisip kong kumain sa labas dahil wala namang pagkain sa bahay at nagugutom na ako.



Nandito ako sa isang restaurant na paborito ko. Nag order na ako ng tempura at gohan. Nilagyan ko din ng wasabe ang soy sauce na sawsawan ko dahil iba ang anghang nito nanunuot sa ilong papunta sa ulo kaya nakakaadik. Para sakin lang yun ewan ko lang sa iba. At nagorder din ako syempre ng inumin ko.




LOVE AFFAIR | Book 1[Under Editing]✔Where stories live. Discover now