CHAPTER 21

37K 844 7
                                    

(Flashback)

Jacob:



Isa akong CEO at walang nakakatagal sa ugali ko.




Papalit palit ako ng sekretarya dahil simpleng letter lang ay hindi pa magawa ng tama.




Palagi ay ako pa ang umuulit ng letter dahil sa wrong grammar eto.




"Ms. Rivera nasan na ang investment letter na pinagawa ko sayo para kay Mr. Lee." Sabi ko sa bago kong secretary.




Agad niyang iniabot saakin ang hard copy neto at kumunot ang noo ko dahil sa hindi ko maintindihan ang grammar niya.




"This is bullshit! Nakagraduate kaba talaga ng kolehiyo at ganito ang grammar mo! Ang simple simple lang ng pinapagawa ko hindi mo magawa! Umalis kana! You're fired!" Sigaw ko sakanya at nangingiyak na siya sa pagpapahiya ko.





I don't really fucking care. Dahil binabayaran ko siya hindi para gumawa ng katangahan.





Agad akong dumeretso sa opisina ko dahil sobrang sasabog na ang ulo ko sa init. Ipinatawag ko si Ms. Francisco ang HR. Umiinit ang ulo ko kaya nag hiring kagad ako ng iba.






"Yung maayos na secretary ang kunin niyo." Sabi ko.




Tumango ito at pinabalik ko na sa trabaho niya.





Nagring ang phone ko. Lalong uminit ang ulo ko ng makita ko kung sino ang tumatawag.






Ang spoiled brat kong kapatid na si Megan.






"Bakit?" Iritableng sabi ko.






"Hi kuya! Finally sinagot mo din. So how are you?" Sabi niya.






Nagiinit lang talaga lalo ang ulo ko dahil kilala ko si Megan may kailangan to kaya napatawag.






"Direct me to the point Megan. Ano ba kelangan mo?" Agad na sabi ko.






"Well wala naman kuya bakit masama ba mamiss ang kapatid ko?" Sabi niya.






Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng babaeng to kaya ibinaba ko na ang tawag niya.




Huminga ako ng malalim at nagpasya ng umalis dahil may meeting ako ngayon.





Natapos ang buong araw at maayos naman ang lagay ng kompanya ko.




Kinabukasan ay maaga agad akong gumising dahil madami nanaman akong naka scheduled na meeting.




Maaga palang ay nagsisimula na akong magtrabaho ng biglang may kumatok.





Pinatuloy ko ito habang nakatalikod ako.





"Goodmorning Sir. Andito na po si Ms. De Ocampo ang bago niyong secretary." Sabi ni Ms. Francisco.





Lumingon ako sakanya at napatitig ako sa ganda niya.





Hindi ko mapagkakaila na mala angel ang ganda niya at may anong kaba akong naramdaman.




Ubod ng puti na akala mo anak mayaman ang balat neto. Napakakinis ng balat at hindi mo makikitaan ng kahit anong dumi.





Pilit kong hindi ibahin ang emosyon ng mukha ko para di niya mahalata.





LOVE AFFAIR | Book 1[Under Editing]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon