"It's okay kuya ituloy niyo lang ang ginagawa niyo." Sabi ko sabay lapit sa ref at kumuha ng tubig.






Nakayuko naman si Rea na halatang nahihiya at hinawakan ako ni Nikko sa braso ko at magpapaliwanag pa.






Tinapos kong inumin ang tubig at muling nagsalita.






"Don't mind me kuya." At inagaw ko ang braso ko at nagsimulang maglakad paakyat.






Marahil ay ganon na nga siya at wala na akong pakialam don. Hindi na dapat ako makadama ng sakit at dapat ko na siyang kalimutan.





Napahinga ako ng malalim pagkapasok ko ng kwarto ko at humiga sandali sa kama at tumitig sa kisame.





Naisip kong maligo para mabawasan din ang init ng ulo ko.






Nagbabad ako sa bath tub ko at nag relax. Hinilot ko din ang batok ko dahil nakaramdam din ako ng pagod dahil sa pagtatrabaho.






Maya maya ay nagpasya na akong magbanlaw ng katawan.






At pagkatapos ko maligo ay nag hanap na ako ng magandang maisusuot para mamaya sa club. Gusto kong maging maganda ngayong gabi.







Pinili ko ang daring kong dress na color black at kitang kita ang likod nito dahil sa hati nito sa gitna hanggang sa bewang. Kaya naman ay kaakit akit talagang suotin ito. Maganda ang hubog ng katawan ko kaya ito talaga ang gusto kong suotin.







Nag blower na ako ng buhok at medyo inayos ito. Kinulot ng koti ang baba nito at nag apply na ako ng makeup light smokey lang ang dating at pinaresan ko ng red lipstick. Lalo akong naging sopistikada sa itsura ko.







Isinuot ko nadin ang dress ko at silver na sling bag pati ang red high heels ko.






Tumingin ako sa wrist watch ko at saktong 8:20pm na kaya nagpasya na akong umalis. Nagpasya din akong dalhin ang sasakyan ko at nagmamadali na ako dahil papunta na ang dalawang kaibigan ko.







Pag labas ko sa kwarto ko ay nagulat ako dahil nakaabang na pala si Nikko sa labas.






"Saan ka pupunta at bakit ganyan ang damit mo?" Lumunok siya at titig na titig sa itsura ko.






"Ah magpaparty kasi kami nila Sarah at Lesly kuya nakauwi na kasi si Lesly." Sabi ko at tinalikuran ko na siya.






Ihahatid na kita baka may mambastos pa sayo.






"Pwede ba kuya matanda na ako. At high class ang bar na pupuntahan ko kaya walang gago don."







"Hindi mo alam ang sinasabi mo Sofia. Tignan mo nga ang sarili mo? Nakakaakit ka kaya hindi magdadalawang isip ang mga loko sa labas na bastusin ka."






"Pwede ba kuya leave me alone?"






"Fuck Sofie! Stop calling me kuya! Damn!"







"Pwede ba wag mo akong pakialaman!"







Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako pababa at dali dali kong tinungo ang sasakyan ko.







Naririnig ko ang mga sigaw niya at alam kong galit ito. Well wala naman akong pake.








Inistart ko na ang makina at nagdrive na ako papunta sa bar na pagkikitaan namin.






....







"Uy andyan kana! Ang ganda ganda mo Sofie ah kala mo ikaw ang nag ibang bansa." Bati sakin ni Lesly na malaki din ang iginanda.






"Nako maglolokohan paba tayo e ang ganda ganda mo nga din ngayon."






Pagkasabi ko ay nagtatawanan na kaming tatlo. Hinila na ako ni Sarah para pumasok sa loob.







Ingay, usok, nakakabulag na patay sindi na ilaw at madaming tao. Ayan ang sumalubong samin sa loob.







Nagpareserved sila sa may VIP area para maganda ang pwesto namin.







Nagorder nadin sila ng alak at uminom na kami.






May 3 lalaking mukang anak mayaman at lumapit sa table namin.






"Hi can we join?" Sabi ng isa.






Nagtitili si Sarah dahil gwapo naman kasi ang tatlo at pumayag na makipag join ng table. Napailing nalang ako at hinayaan ito dahil single naman ito.







Uminom kami ng uminom at medyo tinatamaan na ako.






Akmang isha shot ko na ang isang glass pa ng alak habang nagsisigawan ang mga kasama ko sa pagccheer sakin ay may humawak ng kamay ko at tinapon ang glass na baso at nabasag ito.






Napatingin ako sa lalaking yun at laking gulat ko ng makita ko ang kuya ko si Nikko.






"Uuwi na tayo!" Pasigaw na sabi nito at hinila ang braso ko. Hindi nakaimik ang mga kasama ko ng kaladkarin ako ni Nikko palabas ng bar. Marahil ay natakot sila sa itsura nito dahil nakakatakot naman talaga ang aura nito.






Mamaya ulit ang susunod mag a update ako. Please vote thanks! :)

LOVE AFFAIR | Book 1[Under Editing]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon