Chapter 71

70K 2.4K 64
                                    

Chapter 71


Ang weird kasi talaga ng nasa harapan naming ngayon. As in all pink 'yung lahat ng mga kolorete ni Krisha Liu. Lahat magkakaterno.

Oo mukha nga itong barbie pero parang isip bata naman, at mas mukhang isip bata pa siya kaysa kay Ozu, at sigurado ako ro'n.

Manipis ang boses niya at para pang bata kung magsalita.

Lumapit sa akin sina Ate Mimi kaya't bumulong naman ako sa kanila. "Ate Mimi, sigurado po bang siya 'yung Krisha Liu?" pagsisigurado ko.

"Oo. Ayon 'yung pagpapakilala niya eh." bulong din niya.

Samantala nakanganga pa rin itong si Ozu, mayamaya pa—"Bwahahaha!" Tumawa siya ng napakalakas na para bang walang katapusan.

"Mama... hahaha! Pinaglololoko n'yo ba kami, ha? ito si Krisha Liu? Seryoso kayo? Eh, mukhang laruan 'to na sinuotan ng damit pang barbie, eh. Hahaha!!" Halos humagalpak siya sa pagtawa.

Pagtingin ko naman sa Mama niya napahawak ito sa ulo niya at tila nadismaya sa ginawa ng anak niya.

Pero napatawa na rin kami nina Ate Mimi at Mini matapos 'yon sabihin ni Ozu. Nagpipigil lang kami. Nakakatuwa naman kasi talaga 'yung itsura ni Krisha Liu.

"Hindi ko expected na siya 'yung makakalaban ko." bulong ko ulit sa mga Ate sabay ngiti. Ngiti na nakakaloka.

Biro n'yo pumayag pa akong magparetoke dahil ang akala ko sobrang ganda at sexy ng Krisha Liu na 'to. 'Yung tipong mga model na model talaga 'yung datingan.

Ang kaso mukhang model 'to ng mga manika. Grabe! Para talaga siyang bata.

"Kami din." sagot ng mga Ate. Nakatakip pa rin kami ng bibig dahil pinipigilan naming tumawa.

"President Kang, I hate your son!" sigaw ni Krisha Liu.

Pero ang mas kinagulat namin ay nang bigla itong umiyak, iyak na parang bata. Nakakadismaya 'yung pinapakita niya.

"Mama, sigurado ba kayo rito, ha?" tanong ni Ate Mini.

Samantala parang sumasakit na 'yung ulo ng Mama nila.

"Now I know Mama, na talagang habol n'yo lang ang kayamanan ng mga tao. Niloloko n'yo ba kami? Siya 'yung mapapangasawa ni Ozu? Eh, mas mukhang alagain pa siya ni Ozu kaysa si Ozu ang alagaan niya!" matapang naman na sabi ni Ate Mimi.

"Nakakainis kayo! Lahat kayo ayaw niyo sa akin!" Mas nagulat kaming lahat ng maglupasay si Krisha Liu sa harapan namin na parang bata.

Nagkatinginan tuloy ulit kami nina Ate Mimi at Mini.

"Mama, 'yung pinakita ninyong picture sa akin noon na mukha ni Krisha Liu, fake 'yon 'di ba? Ngayong nakita ko na ang totoong si Krisha Liu, lalong hindi ko mapapayagan ang gusto ninyo." sabi ni Ozu.

"Umalis na tayo rito, Crystal." Hinila na niya ako papalabas.

"Ozu! Bumalik ka rito!" narinig pa naming sigaw ng Mama niya dahil tumakbo na kami papalabas pero hindi namin pinansin 'yon, basta tuloy tuloy lang kami sa pagtakbo.

Bakas naman sa mukha ni Ozu na masayang masaya siya kaya masaya na rin ako para sa kanya.


*****


At ngayon nandito na kami sa teritoryo nila ng mga king.

Tumatawa pa rin siya hanggang ngayon nang makarating kami rito. Kinukuwento niya kasi sa mga kaibigan niya 'yung mga pangyayari kanina, pati itsura ni Krisha Liu kaya pati 'yung dalawang king tumatawa.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon