Chapter 66

71.8K 2.6K 41
                                    

Chapter 66


Lumipas pa ang ilang oras, nandito kami sa ibabaw ng kotse niya habang nakatingin sa kalangitan katulad ng dati naming ginagawa.

"Pangit," tawag niya kaya't nilingon ko siya.

"Bakit, Ozu Kang?"

Humugot siya ng malalim na hininga. "Sa tingin mo magtagumpay kaya tayo?"

Halata pa rin sa kanya ang pag-aalala. "Ano ka ba! Gagawin ko ang lahat para hindi ka makasal sa Krisha Liu na 'yon."

Napangisi siya. "Talaga lang, ha?" napatingin siya sa akin.

"Oo, kaya huwag ka nang mag-isip diyan!" nginitian ko siya.

"Pero paano nalang kung magpilit pa rin si Mama?"

"Siyempre magpipilit 'yon lalo na kung hindi magbunga 'yung ginawa kong plano."

Napayuko siya at natahimik sa sinabi ko. Napatitig tuloy ako sa kanya. "Oh, bakit bigla ka yatang natahimik diyan?"

"Wala naman." umiling lang siya kaya natawa ako. Mukhang ang drama niya ngayon e.

"Huwag mo kasing dibdibin may likod ka pa oh." pagbibiro ko tapos ngumisi lang siya.

Mayamaya pa ngumiti rin naman siya. "Eh 'di, napangiti kita? Napaka emotero mo talaga, Ozu Kang." nilihis ko ang tingin sa kanya sabay titig sa kalangitan.

"Hindi ko lang kasi maiwasang hindi mag-isip. Katulad bukas dadating na siya, tch."

Halatang halata talaga na ayaw niya kay Krisha Liu.

"Gano'n rin naman ako, ah? Bukod pa ro'n, ni hindi ko nga alam kung anong itsura niya sa personal. Wala akong idea kung anong personality mayroon siya. Pero basta ako? Ang mission ko kay Ozu Kang dapat manalo! Hinding hindi ako magpapatalo sa Krisha Liu na 'yon kahit anong mangyari!"

Itinaas ko ang mga kamay ko at sinuntok suntok ko ang hangin.

"Haha!" natawa siya sa sinabi ko kaya binalikan ko siya ng tingin.

"Oh, bakit ka tumawa?" pagtataka ko.

"Masama ba? Natutuwa lang ako." aniya sabay ngiti kaya ngumiti rin ako. "Pangit..." tawag niya ulit.

"Uhm?" magkatitigan kami.

"Bakit hindi ka muna humingi ng permiso sa akin bago mo gawin 'yung photoshoot? Sa susunod na ulitin mo 'yon, you're dead!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Bakit? Kailangan ba? Ano ka ba ginawa ko rin naman 'yon para sa 'yo."

"Kahit na! Dapat nagsabi ka na muna sa akin. Paano kung pagnasaan ng mga kalalakihan 'yung mga pictures mo? Tch!"

"Woah! Nag-aalala ka noh?" sabay sinundot ko 'yung tagiliran niya kaya umiilag naman siya.

"Anong sinabi mo? Hoy! Ano bang ginagawa mo? Tigilan mo nga 'yan!"

"Ang sungit mo naman, para pinapatawa ka lang." itinigil ko 'yung ginagawa kong pangingiliti sa kanya.

"Nagagalit ako! Paano ako tatawa? Nagkalat 'yung mga pictures mo!" sigaw niya. Mukhang seryoso na nga siya.

Napailing nalang ako. "Eh, ano naman nga kasi? Bahagi na 'yon ng plano ko. Para sa iyo 'yon kaya ko ginawa." pagpapaintindi ko sa kanya ang kaso biglang may dumaan na insekto.

"A-a-ano 'yon?" nagulat siya.

"IPIS!" sigaw ko dahilan para magmadali siyang pumasok sa loob ng kotse niya at halos magkandarapa pa nga.

"Aaah! Ipis! Ipis! Ipis!" tuwang tuwa tuloy ako dahil sa reaksyon niya.

"Hoy! Oz—hahaha! Ozu Kang, joke lang, lamok kaya 'yon!"

Bigla siyang napangisi. "Anong sinabi mo!? I'll kill you bumalik ka rito!"

Hahabulin niya sana ako ang kaso tumakbo na ako papalayo.

"Grabe, ang tapang tapang niya sa mga tao pero takot naman sa insekto. Sasakit na naman ang tiyan ko nito panigurado."

Nang bigla kong maalala na mission ko nga rin palang alamin ngayong araw kung bakit bigla niya akong hinalikan nung araw na nasa Bohol pa kami.

Muli akong lumapit at tumabi sa kanya.

"Oh, ano? Masaya ka na sa papanakot mo, ha?"

Hindi ko na siya sinagot. Natawa nalang ako.

"Ozu Kang..." sambit ko

"Ano 'yon?" pagsusungit niya.

"'Yung tungkol sa Bohol..." Hindi ko masabi sabi 'yung gusto kong sabihin.

Alam kung nakatingin lang siya sa akin ngayon habang nakayuko ako. Pero nagulat ako nang bigla niya akong lapitan at i-corner. 

"O-o-ozu Kang! Ano bang ginagawa mo? Umalis ka nga riyan sa harapan ko!"

Napahiga na ako rito sa front mirror ng sasakyan niya. Napatakip ako ng dalawa kong kamay sa dibdib ko.

"'Di ba, ito 'yung ginawa natin sa Bohol?" bigla siyang napangisi kaya napalunok naman ako.

"Oh, eh, ano ngayon? H-h-hindi naman 'yan 'yung ibig kong sabihin."

Unti-unti pa niya lalong nilalapit 'yung mukha niya kaya ang lakas ng tibok ng puso ko. Napapikit nalang ako habang nagdadasal.

Ano bang ginagawa niya?

Huwag n'yo po sanang hayaan na makagawa si Ozu Kang nang kasalanan nang dahil sa akin.





Votes and Comments are highly appreciated

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon