Chapter 14

102K 3.8K 138
                                    

Chapter 14


"Titira ka na sa bahay ko."

Pagkasabi na pagkasabi nya no'n parang nawala ako bigla sa sarili ko na parang nagtatanong na bakit ako? Bakit ako titira sa bahay ng isang kaaway ko?

Lalo na si Ozu Kang pa? Parang ang laki laki ng nakatapal na question mark sa pagmumukha ko ngayon matapos niyang sabihin 'yon.

Mortal enemy kaya kami!

"Nandito na tayo." sabi niya.

Nang makita ko ang bahay niya halos hindi na ako kumurap. Para kasing hindi bahay 'to e, kundi, palasyo!

"Hoy! Ano ba?! Bumaba ka na nga riyan!" sigaw niya.

Nakababa na pala kasi sila ng sasakyan tapos ako nandito pa rin sa loob at nakanganga.

"Hindi! Uuwi na ako!"

Tatakbo na sana ako kaya lang ang daming mga men in black ang humarang sa daraanan ko kaya wala na akong nagawa.

"Ano ba talagang binabalak m—?" Hindi ko na natuloy pa 'yong sasabihin ko dahil bigla na niya akong hinila. "Hoy! Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko.

"Tumigil ka!" Hindi siya nakinig sa akin. Hinihila pa rin niya ako papasok sa loob.

"Bitawan mo nga kasi ako! Hindi ako sasama sa'yo!" sabay kapit ko sa isang sanga ng puno.

"Hoy! Ano ba?!" naiinis na siya.

"Pauwiin mo na kasi ako!" hinigpitan ko iyong hawak ko sa sanga.

"Ang tigas ng ulo mo!" bigla niya akong binuhat sabay nilagay niya ako sa balikat niya.

Nagulat ako sa ginawa niya. "Ano ba? Bitiwan mo ako!" mas lalo akong nagpupumiglas.

"Sumama ka na kasi!"

Halos takpan ko iyong mukha niya.

"Hay! Ano ba? 'Wag mong takpan 'yong mukha ko!" pero tinatakpan ko pa rin lalo na iyong dalawang butas ng ilong niya.

"Ayoko sumama sa iyo! Ibaba mo na ako! Aaaah! Tulong!" Pinapalo ko na iyong likod niya pero mukhang ako iyong nasasaktan at hindi siya.

"Aaaah! Ano ba kasi Ozu Kang?!" pagpupumilit ko pa rin.

"Pag 'di ka tumigil, ipapakain kita sa alaga kong aso! Gusto mo ba 'yon?"

Bigla akong napatigil sa sinabi nya. Anong klaseng aso 'yong sinasabi niya? Pumapatay ba ng tao 'yon?

Bumalik ako sa pagkatao ko.

"Alaga? Hindi naman totoo 'yan, eh! Bitawan mo na kasi ako!!"

Halos hataw-hatawin ko pa rin iyong likuran niya pero hindi talaga siya nasasaktan. Ano ba namang klaseng katawan niya ito? Parang gawa sa bakal!

"Hay! Puwede ba Pangi?t Sumunod ka nalang kasi?!" naasar na siya pero tuloy pa rin ako.

"Hindi! Ayoko! Ipapasalvage mo ako eh. Pakawalan mo na ako! Maawa ka na! Binabawi ko na 'yong mga sinulat ko sa diary ko tungkol sa iyo! Hindi naman talaga totoo 'yong mga sinulat ko roon!" pagsisinungaling ko.

Ang sama sama niya kaya! Kaya totoo lahat ng mga sinulat at drinawing ko roon.

"Hindi mo na mababawi 'yon kahit kailan, kaya, puwede ba? Sumama ka nalang!?" naasar na talaga siya.

Umiiling-iling nalang ako.

"Aaaah! Tulon—!" bigla niyang pinatakpan 'yong bibig ko ng packaging tape sa mga men in black nya.  Pati mga kamay ko mayroon rin kaya 'di na ako makasigaw at makagalaw.

Napapaiyak na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Tulong!!!"

Mayamaya pa, puro kuwarto na iyong mga nakikita ko nang tuluyan na kaming makapasok dito sa loob ng bahay niya. Maraming kuwarto, sobrang dami.

Saan naman niya kaya ako dadalhin?

Pumasok kami sa isang kuwarto sabay hinagis niya ako sa kama. Tinanggal ko naman iyong packaging tape sa bibig ko ng sapilitan kahit masakit 'yon.

"Ang sama sama mo talaga Ozu Kang! Pinakamasama sa lahat ng masama!!" gigil kong sigaw samantala nakatayo naman siya sa pinto at nakatitig siya sa akin ng masama.

"A-a-anong binabalak mo?!" Hindi lang siya basta nakatingin sa akin, kakaiba iyong mga pagtitig niya.

Parang may binabalak siya. Unti-unti niya akong nilapitan.

"'Wag kang lalapit!" Binato ko siya ng unan ang kaso nakailag siya.

Wala na akong pambato. Isa lang kasi iyon unan na naandito.

Nangigilid na 'yong mga luha ko. Nakasandal na ako sa pader. Wala na kong matatakbuhan. Wala na akong ibang magawa kundi—"Tulong!!" sumigaw na naman ako ng malakas na malakas.

Pero napahinto ako nang biglang may dalawang magandang babaeng kambal ang pumasok dito sa loob ng kuwarto.

"Eh?" sambit ko.

Nagkatitigan lang kaming tatlo. Sino naman itong dalawang 'to?

Ang gaganda nila kaya kumislap na naman mga mata ko pero hindi ito ang oras para doon.

"Siya na ba iyong sinasabi mo Ozu?" sabi nung isa na kulay red ang buhok.

"Hmm... mukhang gagana nga ang plano?" sabi naman nung isa na kulay green ang buhok.

"Siya si Pangit Dimakales, ang babaeng kakaiba sa lahat ng mga estudyante roon sa campus. Bukod sa pangit na, no class pa." pagpapakilala sa akin ni Ozu Kang kaya biglang umusok 'yong ilong ko.

Nailipat ko 'yong mga nanlilisik kong mga mata sa kanya.

"Hoy, Ozu Kang! Bawiin mo nga 'yong sinabi mo! May pangalan ako—Me-la-nie!" sigaw ko sa kanya.

"Woah! Gusto namin siya." sabay naman na sabi nung dalawang kambal na babae habang nakangiti sa akin. Tinitignan nila ako mula hanggang paa.

"Teka? Sino po ba kayo?" Tinanong ko na sila. Nagtataka na kasi talaga ako.

"Ako si Mimi." sabi nung kulay green ang buhok.

"Ako naman si Mini." sabi naman nung kulay red ang buhok.

"Mga ate kami ni Ozu." sabay nilang sabi na labis kong ikinanganga.

Oo, as in laglag 'yong panga. "Masaya kaming makilala ka." bigla silang lumapit sa akin at pinagpulungan nila akong dalawa.

Akalain mong may mga ate pala itong halimaw na si Ozu Kang?

Ngumiti ako sa kanila ng sapilitan. "Ako din po. Masaya rin po akong nakilala ko kayo." Pero umiilag ako sa kanila.

Ang gaganda kaya nila tapos parang ang bango bango pa. Samantala ako? Sa pagkakatanda ko, hindi pa yata ako naliligo.

"Pero... ano po ba talaga ang dahilan kong bakit ako naandito?" nagtanong na ulit ako.

"Ibig sabihin hindi pa sa iyo sinasabi ni Ozu?" sagot ni ate Mini.

Umiling naman ako.

"Ahm... pasensya na po, ha? Uuwi na po ako. Hinahanap na po kasi ako ng tiyahin ko dahil hindi pa po ako tapos sermunan no'n, e." tumayo ako mula sa kama sabay talikod ko sa kanila.

"Kailangan ka ni Ozu." narinig kong boses ni ate Mimi kaya napatigil ako sa paglalakad ko.

Humarap ulit  ako sa kanila.

"Ha? Ako po? Kailangan ni Ozu Kang?" napatawa ako.

"Mga ate, 'wag naman po kayo magbiro ng ganyan. Ang sabi po sa akin ni Ozu Kang, pangit daw po ako at no class pa. Isa pa, mahirap lang ako. Ano pong kakailanganin sa akin ni Ozu e samantala ang yaman yaman niyo. Kaya ninyong bilhin ang lahat ng gusto ninyo." pagpapaliwanag ko.

"Pakasalan mo si Ozu."

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig ko iyon mula sa kanila. Parang nalaglag na naman yata ang panga ko. Tama ba ang narinig ko?





Votes & Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon