Chapter 64

73.1K 2.6K 24
                                    

Chapter 64


Mimi's Point of View

"Hindi ko na alam kung ano pang puwede nating gawing paraan." sabi ni Mini at sinapo niya ang ulo niya. Nag-aalala kasi kami para kay Ozu.

Habang ako naman napatingin lang rito sa labas nitong kotse. Sa totoo lang kahit ako wala pa rin akong maisip.

Nagulat kami dahil bukas na pala kaagad dadating 'yung Krisha Liu na 'yon tapos mapapaaga pa 'yung kasal nila ni Ozu. Hindi namin napaghandaan 'yon.

"Young Ladies, excuse me po." agad kaming lumingon kay Butler Lim.

"Ano po 'yon Butler Lim?" tanong ko. May ipinapakita ito sa amin gamit ang hawak niyang tablet.

"Tignan n'yo po itong pinagkakaguluhan ngayon lang sa social media."

Nagkatinginan muna kami ni Mini bago kuhain 'yung tablet.

Nagulat kami sa nilalaman ng social media. Nakita namin ang mga nagkalat na sexy pictures ni Crystal kaya napanganga kaming dalawa.

"Oh my—siya ba talaga 'to?" gulat na tanong ni Mini.

"Woah! Grabe ang ganda niya. Hindi ako magtataka kung pagkaguluhan siya ng nitizen ngayon."

Tuwang tuwa kami ni Mini sa nakikita namin ngayon. Ito na 'yung binunga nang pagpapaganda namin sa kanya.

"Sandali, tatawagan ko siya." agad kinuha ni Mini ang phone niya para tawagan si Crystal.

Excited na kaming makausap siya. Naghihintay lang kami ngayon na sagutin niya 'yung call.

"Hello Ate Mini?" sabi niya sa kabilang linya.

"Uy Crystal! Ikaw ba talaga 'to ha? 'Yung nasa magazine?" bungad ni Mini. Narinig namin ang mahina nitong pagtawa.

"Opo mga Ate, ginawa ko 'yon bilang bahagi ng mga plano ko."

"Ha? Kung gano'n, nakaisip ka na ng paraan?" nagkatinginan ulit kami ni Mini.

"Opo Ate, at sana kumagat." bigla kong inagaw 'yung phone kay Mini.

"Kumagat na kaya Crystal! Nakakainis ka bakit hindi mo sinabi sa amin ang tungkol dito, huh?"

"Huwag ka nang magtampo Ate Mimi. Basta ako pong bahala. Sige po tatawagan ko po kayo mamaya. May dapat pa po akong gawin, bye po!"

"Sandali Crys—" binaba na niya 'yung phone. "Hay, grabe ang hot." bigkas ko habang nakangiting nakatitig sa magazine.

"Ayos nga 'yung ginawa niya eh. Alam mo Mimi, mukhang nahuhulaan ko na kung ano 'yung pinaplano niya."

"Talaga? Kung gano'n dapat matulungan natin siya."


*****


Darren's Point of View

Habang si Ozu nagmumukmok dito sa sulok ng teritoryo namin ng mga king, kami naman ni Zyren pinagkakaguluhan naming dalawa itong mga sexy pictures ni Miss Crystal.

Hindi namin akalain na kaya niyang gawin ang mga 'to. Napailing nalang kami.

"Grabe! New Teen Hot Chick, I say wow!" sigaw ni Zyren kaya tumango tango naman ako.

"Napakaganda niya talaga, para siyang anghel na bumaba mula sa langit. Ey, Pinuno! Tignan mo 'to." nilapitan ko siya pero hindi niya ako pinansin.

Nakapikit lang siya habang nakasimangot at nakaupo sa sofa. "Pinuno, kapag nakita mo 'to sigurado akong magtatayuan 'yang mga balahibo mo. Dali, tignan mo na 'to." ani Zyren.

"Wala akong panahon diyan!" masungit niyang sabi habang nakapikit pa rin.

"Talaga lang, ha? Sige. Babasahin ko sa 'yo kaya makinig ka." madiin kong bigkas. "The New Teen Hot Chick CRYSTAL KIM, nagpapadagundong ngayon sa social media. Isang napak—"

"Anong sinabi mo? Patingin nga!" hinablot niya kaagad sa akin 'yung magazine kaya naputol ako sa pagbabasa nito. "What the—si Crystal ba 'to?!" gulat na gulat siya habang nakatitig dito.

"Sabi na eh." sabay apir namin ni Zyren sabay iling.

"Sabi mo wala kang pakialam?" pang-aasar ko.

"Hindi mo naman kasi kaagad sinabi na tungkol pala 'to kay Crystal. Teka! Siya ba talaga 'to, ha?" halos manlaki 'yung mga mata niya.

"Oo naman. Ayan na nga 'yung pangalan, nakasulat na sa ibabaw oh, ang laki— CRYSTAL KIM."

Tinuro ko pa ang pangalan nito na nakasulat sa magazine. Ang kulit niya kasi e. May picture na nga e hindi pa rin naniniwala. Napailing nalang kami.

Nang bigla kaming nagkatinginang tatlo nang makita naming tumatawag si Crystal sa cellphone ni Pinuno.

Nakita kasi namin 'yon sa screen e. Nakalapag lang naman 'yon sa mesa sa harapan namin dito.

Kaagad niyang sinagot 'yung tawag at ni-loudspeaker pa niya.

"Ehem. Oh! Crystal Kim? Bakit? Natutulog ako huwag kang istorbo." pagsisinungaling niya.

Umiling nalang kami ni Zyren.

"Natutulog ka? Puwes, sa loob ng sampung minuto at hindi ka nakapunta rito sa Shining Company, hindi ka na magigising kahit kailan. YOU'RE DEAD!" sabay hang up nito sa phone kaya napangisi si Pinuno.

"Ano raw?" pagtataka niya samantala nagtawanan naman kaming dalawa ni Zyren.

"Pinuno, hindi ba't linya mo 'yon?" pang-aasar namin sa kanya. Nagtawanan kami.

"Lagot ka! Sa loob daw ng sampung minuto at wala ka pa sa Shining Company, kreek! You're dead." halata 'yung pagkaasar niya kaya binato niya kami ng unan. Mabuti nalang at nakailag kami.

"Hala! Siyam na minuto nalang natitira." pananakot pa lalo ni Zyren kaya agad siyang tumayo.

"Humanda siya sa akin pag nagkita kami!" sambit niya sabay alis at nagmamadali pa.


Votes and Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon