Chapter 30

96.5K 3.4K 92
                                    

Chapter 30

Ozu's Point of View

Nandito lang ako sa kuwarto ko. Nakahiga lang sa kama habang may katawagang importante.

Tatlong buwan na ang lumipas simula nang umalis ang mga Ate kasama si Pangit papuntang Paris.

Simula rin nang hindi na magpakita si Pangit sa campus naging tahimik at bumalik na sa dati ang lahat.

Gano'n din si Ezikiel. Iyon nga lang, tuluyan nang iniwanan ni Moira ang bestfriend ko dahilan para palagian na naman siyang mag-isa.

Dahil 'yon sa pangyayari nang gabing mahalikan ni Ezikiel si Pangit nang hindi nalalaman ng lahat ng tao na si Melanie talaga 'yon.

Wala namang ibang nakakaalam na si Pangit ang hinalikan ni Ezikiel kundi kami lang ng mga Ate, kahit pa ang mga king wala silang alam tungkol don.

Bawat araw naman nagbibilang lang ako at nagmamarka sa kalendaryo. Inaalam ko kasi kung ilang araw nalang ba bago ang pagbabalik nilang tatlo.

Lalo na si Pangit. Inaabangan ko kasi talaga siya.

Nang biglang pumasok dito sa kuwarto ko ang mga king kaya nagulat ako. Bigla kong naitago 'yong cellphone ko sa ilalim ng unan ko.

"Yow! Pinuno? Gimik naman tayo!" Anyaya ni Zyren.

"Bakit ba mahal na mahal mo itong kuwarto mo? Bihira ka na rin lumabas. After ng school, back to room? Anong mayroon dito?"  sabi naman ni Darren.

Nilibot nila ang tingin sa buo kong kuwarto samantala si Ezikiel kumuha ng magazine at umupo lang sa sofa ko.

"A-a-anong ginagawa niyo rito?" dinaganan ko ang cellphone ko gamit ang unan ng hindi nagpapahalata.

"Gusto lang namin malaman kung anong meron dito sa kuwarto mo." ani Zyren at parang hindi mapakali itong dalawang ugok.

"Wala! Gusto ko lang laging nandito. Wala naman akong gagawin sa labas eh."

Pinagmamasdan ko lang sila.

Ano ba ang hinahanap nitong mga ugok na ito rito?

"Talaga lang ha? Hindi ka naman ganyan dati eh."

Nilibot nila ang buong kuwarto ko at naghiwalay pa ang dalawa.

Ano ba'ng ginagawa nila rito?

Naiwanan si Ezikiel dito sa harapan ko habang nagbabasa ng magazine. Nakakainis mangugulo lang sila at istorbo pa.

Eh, biglang may tumunog na cellphone kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Ezikiel.

Binitawan niya ang magazine na hawak niya.

"Sa 'yo ba 'yon?" tanong niya. Umiling kaagad ako.

Patay na!

Bigla siyang lumapit sa kama ko tapos pilit niya akong hinahawi pero hindi pa rin ako umaalis sa kinauupuan ko.

"W-w-wala 'yon." pagtatanggi ko habang pinipigilan siya.

"Parang sa banda rito nanggaling 'yong tunog." pagpupumilit niya.

"Hoy! Ano ka ba? Sinabi nang wala 'yon!" pilit niyang inaalis 'yong unan na dinadaganan ko.

Hay! Ang kulit niya!

Nagpabigat ako ng husto sa unan baka kasi makita niya 'yong cellphone.

"Hoy! Ano ba Ezikiel? Bumaba ka na sa kama ko!"

Ba naman tumuntong na siya. Nakakainis.

"Dinadaganan mo." turan niya.

Pilit niyang hinihila iyong unan pero hindi pa rin ako umaalis at nakadagan pa rin ako rito.

Pero hinihila niya pa rin talaga.

Mababaliw na ako!

Hindi nila puwedeng makita si Pangit kahit nakabandage pa iyong mukha niya. Basta hindi puwede!

"Nakuha ko na!" sabi niya sabay itinaas niya ito kaya nanlaki bigla iyong mga mata ko.

"Hoy! Ibalik mo sa akin 'yan!" pilit kong inaagaw sa kanya 'yong cellphone ko pero nagdatingan 'yong dalawang ugok.

"Oh, catch up Ezikiel!" Ipinasa ni Ezikiel ang cellphone ko kay Darren.

"Hay! Ano ba? Ibigay n'yo sa akin 'yan!" pagwawala ko kaya hinawakan ako ni Zyren sa dalawa kong braso.

"Bitawan mo ako, Zyren!" Gung-gong talaga itong mga 'to.

Pinindot-pindot nila 'yong screen pero sakto na naloabat 'yong phone ko kaya tinawanan ko sila.

"What the! Bakit na loabat?!" inis nilang sabi kaya nilapitan ko sila.

"Hahaha!" Tinawanan ko ulit sila. Masuwerte pa rin talaga ako.

Bigla kong inagaw sa kanila 'yong cellphone ko.

Hinalikan ko pa ito. Mabuti nalang talaga! Pumunta ulit ako sa kama tapos chinarge ko.

"Sino ba 'yang katawagan mo? Si Mysterious girl ba iyan, ha?" tanong ni Zyren pero 'di ko siya sinagot.

Basta tinago ko na 'yong phone ko sa cabinet habang nagchacharge.

"Ano ka ba Ozu? Hindi mo naman kailangang itago sa amin 'yon. 'Yon nga lang, naunahan ka ni Ezikiel na mahalikan siya. Hahaha!"

Nginisian ko 'yong dalawang ugok dahil tawang-tawa sila. Nanunukso pa.

"Eh, ano ngayon?" pagsusungit ko. "Tch, lumayas na nga kayo rito! Istorbo kayo e!"

Hinila ko sila nang sabay-sabay palabas sabay nilock ko ang pinto. Salamat naman at wala nang storbo.

*****

Bebang's Point of View

Bakit gano'n? Bakit biglang namatay? Naloabat ba siya?

Nang biglang may kumatok sa pintuan kaya binitawan ko na iyong cellphone na binigay sa akin ni Ozu.

Umayos ako ng upo.

"Melanie? May good news kami para sa 'yo." sabi ni Ate Mimi pagkapasok nila ni Ate Mini.

"Talaga po? Ano naman po 'yon?" Naghihintay ako sa sasabihin nila.

"Puwede na raw tayo umuwi next month." Bigla akong napangiti.

"Waah! Di nga po?" Naexcite ako bigla.

"Oo! Saka bukas puwede nang tanggalin 'yang bandage sa mukha mo."

Nagkangitian sila ni Ate Mini at halata ang excite sa mga mukha nila gano'n din ako.

Ibig sabihin nito, makikita ko na ang bago kong mukha? Kinakabahan ako!

"Pero Melanie, 'wag mo munang sasabihin kay Ozu na uuwi na tayo next month, ha? Isusurprise natin siya."

Excited akong tumango. "Sige po, kung 'yan ang gusto ninyo."

Surprise daw e! Hindi na rin ako makapaghintay. Napapangiti tuloy ako ng wala sa oras.





Votes and Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon