Chapter 44: Blood, Sweat, Tears

Start from the beginning
                                    


Subalit wala siyang ginawa at sa halip ay yumuko siya hanggang sa mailapit niya ang kanyang mga labi sa aking tainga at pabulong na sinabing, "Regardless of what you're gonna choose, I'd still find a way to kill you." At saka muling tumayo at inayos ang bahagyang pagkakalukot ng kanyang damit. Hinabol ko sya ng mas matalim na tingin na tila hinahamon siya sa isang laban na hindi ko aatrasan. Muli siyang tumawa subalit hindi tulad ng nakaraan ay halatang mas tipid at mas mahina na ang isang iyon hanggang sa tuluyan na iyong mawala. Tinapunan niya si Ethan ng masamang tingin pagkatapos ay ako, at saka lumabas ng silid. Agad namang tinungo ni Mikhail si Ethan at saka iginapos ang mga paa at kamay nito nang mahigpit. Ipiniring rin niya ang mga mata nito.


"We'll be back, Henrietta. At sana ay nakapag-desisyon ka na. Hindi ganun kahaba ang pasensya ng mga Novou," wika ni Mikhail at saka muli akong iniupo sa upuan sa gitna ng silid. Dinagdagan niya ang lubid na nakagapos sa akin at ikinabit iyon sa upuan. Mukhang natatakot siya na sa kabila ng panghihina ng aking katawan ay magawa ko pa ring makatakas. Maya-maya pa ay pinatay niya ang nag-iisang ilaw at saka nilisan at ikinandado ang silid. Muling nabalot ng dilim ang palagid at sa pagkakataong ito ay wala na akong makita. Tanging ang presensya at ang malalalim na paghinga lang sa isang sulok ang aking nararamdaman at naririnig.


"Henrietta? Are you okay?" Muling tawag ni Ethan mula sa isang sulok. Base sa mga kaluskos na naririnig ko ay mukhang pinipilit niyang gumalaw upang hanapin ang kinaroroonan ko.


"Stay where you are. I can't see you," utos ko sa kanya.


Tumigil naman ang mga kaluskos subalit nananatili pa rin ang mabilis niyang paghinga. Alam kong kinakabahan siya. "Are you also blind-folded?" Tanong niya muli.


"No."


"What's the sense of blindfold if they're going to turn off the damn light?" Tension and frustration were evident in the tone of his voice. It seemed that darkness was making him uneasy.


Makalipas ang ilang sandali ay tila nasanay na sya sa madilim na sitwasyon kung kaya't hindi na ganun kabilis ang kanyang paghinga. Patuloy ko pa ring iniinda ang sakit ng aking katawan at unti-unti rin akong nakakaramdam ng pagkahilo na tila ba itinutulak ako upang ipikit ang aking mga mata at matulog. Subalit alam kong hindi iyon magandang ideya. Maaari silang gumawa ng hakbang habang wala akong malay kung kaya't hangga't maaari ay kailangan kong magmatyag sa aking paligid.


"I thought life has given me a second chance. I was ready to embrace it, learn from my mistakes and become a better person. I guess life has played tricks on me. There's really no escaping from the past," malungkot ang tinig na basag ni Ethan sa katahimikan. I also thought that I had set him free. I thought he would be okay now and that his fate was far better than mine. I thought I had given him a chance to change his ending. Maybe life had tricks played on us, letting us dream of a new life only to cheat us in the end, and we would just end up in the same hole we chose to dig.


"You should have treasured your second chance. You shouldn't have let them take it away from you," seryoso kong sagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya dadamayan sa kanyang pagsisisi. Pareho kaming minalas. Pareho kaming nasa sitwasyon kung saan gagawin mo ang lahat upang iligtas ang sarili mo.


"Mukhang sinayang ko ang pagkakataon," tila mas lalong lumungkot ang kanyang tinig at hindi na niya sinundan pa ang kanyang mga sinabi. Nanatili siyang tahimik sa loob ng ilang sandali hanggang sa ako na mismo ang magdesisyon na basagin ang katahimikan.

Snow White is a Gangster (Published under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now