Chapter 34: Drowning

211K 8.9K 2.2K
                                    


Chapter 34: Drowning

Soundtrack: Don't Forget About Me - Cloves


When I was younger, I used to watch this animated film and I remembered this courageous little character saying 'Just keep swimming'. And right now, those words seemed to be engraved in my mind. In just a moment, I became that little fish silently screaming 'Just keep swimming'. And I wasn't just telling it to myself. I was hoping that the man beside me could hear those words, too.


Mas binilisan ko pa ang paglangoy. Bagama't hindi ko masyadong magamit ang parehong braso ko sa kadahilanang hindi ko maigalaw ang aking kanan at ang isa nama'y mahigpit na nakahawak sa nanghihinang si Ethan, siniguro kong hindi tumitigil ang aking mga binti sa paglangoy upang mabilis naming mapuntahan ang speed boat. Nang dahil na rin siguro sa delikadong sitwasyong ito ay ilang minuto lang at narating na namin ang nakahintong sasakyan. I was able to haul him up to the speed boat and dragged myself up to it. With one last glance to the still, silent, and ghostly yacht, I started the engine and drove fast, far from the area. Halos hindi ko na maituon ang utak ko sa pag-iisip sa mga susunod kong gagawin. Ang tanging nakikita ko lang ay ang puno ng sugat at pasa na katawan ni Ethan na hindi na gumagalaw sa makipot na sahig ng speed boat. Let him be alive. Mas binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo sa sasakyan na tila nakikipagkarerahan na rin ako sa mga alon sa dagat. Sumadsad at halos tumakbo sa mga buhangin ang speed boat nang tuluyan ko itong pahintuin. Sa di-kalayuan ay nakita ko ang pamilyar na kotseng nakaparada at naghihintay sa pagbabalik ko. Nagsimulang dumilim ang tingin ko sa kapaligiran nang itaas ko at ikaway ang aking mga kamay upang kunin ang atensyon ng sakay nito. Agad namang bumukas ang pinto ng driver's seat at saka lumabas at tumakbo sa amin ang lulan nito.


"Oh, Christ! We need to bring him to the hospital!" Malakas niyang sabi habang kinukuha ang isang braso ni Ethan. Nang magsimula siyang maglakad ay agad kong pinigilan siya sa braso.


"We have to–-we have to leave Eremitia. Now!" Habol ang paghinga kong sabi. Nararamdaman ko ang mabilis na panghihina ng aking katawan at kahit ang dalawang armas na dala ko ay tila mas bumigat pa kaysa kanina.


"Kailangan niya ng doktor!" Tutol ni Detective Penber at muling naglakad palayo. Hindi ko inaasahan na agad akong mawalan ng balanse at masubsob sa buhangin. Mabagal at mahirap subalit pinilit ko pa rin na tumayo. Kahit ang mga buhangin ay tila hinihila at pinababagal ang aking mga paa.


Nang maisakay ni Detective Penber si Ethan sa likod ng kotse nito ay agad niya akong binalikan. Subalit sandali siyang biglang napatigil nang makita niya ang sitwasyon ko. Agad siyang tumakbo palapit sa akin at walang sabi-sabing binuhat ako.


"I can walk!" I protested.


Hinakawan ko ang braso niya na nakasuporta sa aking balikat upang hindi ako mahulog. Natigilan ako at napatitig sa aking mga kamay nang bawiin ko ang mga iyon. Dugo? Kaninong mga dugo ang mga ito? I killed people in the yacht and I did it cleanly. But if there were drops of blood from my crimes, the sea should have washed it already. But this was fresh, red blood.


Napatingin ako sa Detective na mukhang naghihintay rin ng aking sasabihin. "You've been shot at your back. We badly need to go to the hospital immediately," sa wakas ay sabi niya nang nanatili lang akong nakatulala.

Snow White is a Gangster (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon