Pagkatapos kong kumain ay kinuha ki na ang bill at lumabas na ako para maglakad papunta sa kotse ko.




Ng may mabangga akong babae.


"Miss tumingin ka naman sa dinadaanan mo." Nasabi ko at parang walang naririnig ito at tila may tinataguan siya kaya ako ang ginagawang pang harang.



Kumunot ang noo ko dahil hindi talaga ako nakikipag usap sa di ko kilala at ngayon naman ay ginawa pa niya akong taguan niya.




"Yes wala na sila. Salamat pogi." Sabi niya at biglang ngumiti.


Di ko siya pinansin at nagsimula na akong maglakad ng hatakin niya ang long sleeve ko.



"Ano ba?! Wag mo ngang hatakin magugusot ang damit ko!" Sabi ko dahil naiirita na ako sakanya.



Hindi ako pumapatol sa babae pero sana makapagtimpi pa ako sa babaeng to.


Kakaiba kasi siya. Akala mo magkaibigan kami at feeling close pa. Nabubwiset talaga ako sa mga ganong tao.


"Wait lang pogi. A-ano kaa-se e."



"Ano?! Wag mo sayangin ang oras ko pwede. Bitawan mo na ang damit ko!"



"Ang sungit mo naman! Bakit porket pogi ka ha?! Probinsyana lang ako at nawawala ako dahil ngayon lang ako nakatuntong sa lugar nato!"



"Wala akong pakealam. Hindi kita kilala at please lang wag mong painitin ang ulo ko lubayan mo nadin ang damit ko."



Agad niyang binitawan eto at akmang maglalakad na ako palayo ay humabol nanaman siya at hinarangan ako.


"Sasama ako sayo please pogi. Nawawala kasi ako eh. Maawa ka naman sakin hindi ko alam at kabisado ang mga tao dito."




"Pwede ba miss umalis ka sa dinadaanan ko istorbo ka. May pulis station dito dun ka magpatulong. Hindi ko ugali ang mag ampon kaya kung pwede ha umalis ka sa dadaanan ko dahil kanina pa ako hinihintay ng asawa ko." Nasabi ko nalang yun dahil ang kulit niya. Baka pag nalaman niyang may asawa ako ay sa iba nalang siya huminge ng tulong. Agad kong tinuro ng hintuturo ko ang pulis station para matulungan siya at makaalis na ako.



Natulala lang siya sakin at naglakad na ako papasok sa itim na kotse ko.


Ng i start ko ang makina ay nagulat ako dahil agad siyang sumunod sa loob.

Napahampas ako sa manibela ko sa sobrang pagkabwiset sa kanya dahil sobrang kulit niya. Naiirita na ako sakanya.


"Labas." Sabi ko ng pigilan ko ang nagwawala kong galit.

Hindi siya nakinig at nakaupo padin sa passenger seat.

"Sabi ko labas! Lumabas ka!" Hindi padin natinag ang babaeng iyon kaya ako ang lumabas at pumunta sa kabilang pintuan at hinila ang braso niya.


"Aray ano ba?! Nasasaktan ako! Wag mo naman akong palabasin dahil wala na akong pupuntahan please maawa ka."

Hindi ako nakinig at kinaladkad ko na siya.

Agad na may nakakita saming pulis at sinaway ako.

"Mr. Anong ginagawa niyo? Alam niyo bang pwede ko kayong hulihin dahil sa ginagawa niyo sa asawa niyo?"


Nag igting ang panga ko at nabitawan ko ang walang hiyang babaeng yun saka tumakbo ulit at pumasok sa sasakyan ko.


"Tama po yan mag usap kayo. Wag daanin sa dahas." Sabi ng pulis tsaka umalis.



Napatingin ako sa babaeng yun at nakita ko ang pagtawa niya at pag labas pa ng dila niya. Tila nangaasar pa ito.





Agad akong pumasok sa kotse ko at pinaharurot ko ang sasakyan ko na sobrang bilis.



"Hoy bagalan mo naman ayoko pang mamatay!" Sigaw niya.


Wala akong pakialam at lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho at ng makarating ako sa bahay ko ay kinaladkad ko siya papasok.



Siya naman ay manghang mangha dahil sa nakikita niya sa bahay ko.


Hindi ko pinansin yun at agad akong pumunta sa maid's room at may kinuha ako.



Agad akong bumalik sa sala at inihagis sakanya ang damit pang katulong.


"Akala mo libre? Magtrabaho ka! Simula ngayon katulong kana dito sa pamamahay ko." Sabi ko.

"Pero madali lang naman akong kausap. Kung ayaw mo pwes bukas ang malaking pintuan sa bahay ko at makakaalis kana." Walang emosyon kong sabi.



Ngunit agad siyang umiling at tuwang tuwa pa. Nababaliw na talaga ang babaeng to.



"Salamat Sir pogi. Ayos lang sakin maging katulong dito basta wag niyo akong palayasin dahil wala na akong mapupuntahan."



"Sir Nikko." Sabi ko. Ayokong tinatawag niya akong pogi dahil mas lalong nagiinit lang ang ulo ko sakanya.







Hi guys kamusta kayo? Kaya bang umabot ng kahit 5votes? Para ituloy ko ang story:) salamat 700 na tayo. Thanks sa mga nagbabasa :)))




Author

LOVE AFFAIR | Book 1[Under Editing]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon