Chapter 14:

34 3 0
                                    

'You can't put a band aid in a fresh wound'

******************

Sometimes, acceptance is the hardest thing to do, when people makes you wrong but you know to yourself that you're right and they treated you like a trash because of one mistake you didn't even know that's a mistake. I just want to have worth, to be precious and to never be treated like a trash or a piece of sh*t.

Matagal tagal na ring panahon ang nakalipas nang natapos ang periodical exam. Pagkatapos nung araw na nagalit sa akin si ate Carryle ay di niya na muna ako kinakausap. Dito naman sa school, pinipilit kong maging masaya at magmukhang hindi apektado sa results.

Inaannounce na ang ranking at nagulat ako nang marinig ko ang pangalan kong binanggit ni Mam as top three. 0.0

Di ko magawang huminga nang maayos at para bang lahat ng kapalpakan na nagawa ko ay bigla muling bumalik sa utak ko. Sumunod naman ay si Samantha Flinn as top 2, mas ikinagulat ko na napunta sa top 2 si tisay eh samantalang katratransfer niya lang. Si Mnizette naman ang top 1, siya yung dating top 2. Kasunod ng rankings ay inannounce na yung mga makikipaglaban sa CSPC...  Ang pinakahuling inannounce ni Mam ay iyung editorial writing. Everyone's expected that I'm the participant but change is constant,

"For English Editorial writing, let's try Samantha Flinn," she said with a smile. Everyone is shocked, I'm shocked.

"Mam, bakit hindi po si Cayla?" Daphne asked,

Nakayuko lang ako at sa sandaling ako ang pinaguusapan nila ay tila bang kamalasan na lang ang naririnig kong bumubulong sa akin.

"We see naman diba? Mas mataas ang potential ni Samantha for this contest, Malay nyo.... Samantha is better than her," she replied. Natingala ako sa mga nasabi ng teacher ko, those words hit me like I've been wrecked by a wrecking ball. Alam kong may mas magaling sakin pero bakit parang iba na iyong pinararating nila.

I can't talk, I can't defend myself, i'm useless.

Ngumiti ako, trying to obscure my pain. Diba ganon naman talaga? Itago na ang lahat, wag lang makaapekto ng iba.

"Sorry Cayla, but ... Why don't we give others a chance?" Sabi niya sa naawang tono. Tumango ako at ngumiti muli.

****

"Are you okay?" Tanong ni Daphne habang kumakain kami sa canteen,

"I'm fine, don't worry about me," sabi ko and this time, kahit na masakit at malungkot ako ay kinakausap ko si Daphne di katulad nung exam.

"Bakit kaya? Parang nasasapawan ka ni Sam? What's special about her?" Sunod Sunod na tanong ni Daph at natigilan sa pagsubo nang kanyang pagkain.

"Indeed, she's spokening dollar and mukhang mapera. Baka naman talagang she deserves it kasi magaling siya sakin... You know?.... Better than me," sagot ko,

"Hmm? Di kaya dinadaan niya sa pera?" Biglang lumaki ang mga mata ko at natigil sa pagnguya,

"Di naman siguro? Wag na lang natin pagusapan," sagot ko,

"Pero syempre di—," naputol ang mga sinasabi niya at nanlaki ang mga mata, tumalikod ako at dun ko nakita si Jonas papalapit sa amin. Ibabalik ko na lang sana ang tingin ko sa pagkain ko at di siya pansinin ngunit hinawakan niya ang kamay ko, napatingin ako sa kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa akin.

"Let's talk," sabi niya at hinila ako palayo kay Daphne...  Palabas na pala ng canteen. Napadpad kami sa likod ng gym kung saan walang maraming estudyante. Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa bilis niyang maglakad at grabe, tumatakbo na ako.

"Aray!" Daing ko nang binitawan niya na ang kamay ko. Grabe ha! Dahil sa letseng tawag mo bumagsak ako tapos ngayon dahil sa paghila mo sakin hihikain ako!

"Problema mo?" Pagalit kong tanong,

Umiling lang siya at tinitigan ako,

"I'm sorry," sabi niya at di parin inaalis ang tingin sa akin. Umiwas na ako dahil naaalala ko lang lahat ng naging dahilan nung tawag niya. Ngayon gusto kong tanungin bakit siya nagsosorry? Dahil ba alam niya na bumagsak ako dahil sa tinawagan niya ako?

"Sorry for what?" Iritadong tanong ko,

"Sorry for all the mess," sabi niya,

Tinaasan ko lang siya ng kilay,

"Please.... Please forgi—,"

"Jonas!" Tawag ni Sam sakanya na dahilan ng kanyang pagputol sa sinasabi niya. Parehas silang nanlaki ang mga mata,

Nakatingin lang ako kay Sam na ngayon ay papalapit sa amin, her eyes are full of something..... Evilness, and her smile is like she's going to murder me and her stare is choking me.

"I knew it!....... She's the girl right?" She said in British accent,

Si Jonas naman ay umiling na lang nang mabilis at agad hinila si Tisay palayo, hindi man lang nagpaalam sakin.

Bwisit ka Jonas! Pagtapos mo akong hilahin papunta dito, iiwan mo lang ako? Damn you! I hate you!

Nakasimangot lang ako at paalis na sana kung saan ako naroon nang nakita ko si Dale na nakatayo kung saan ako palabas, di na sana ako didiretso  doon at sa ibang daan na lang dadaan kaso.....

"CAYLA!" Sigaw niya, nilingon ko at nakita kong tumatakbo siya kung nasaan ako,

Napakunot ako ng noo. Napawi bigla ang pagsimangot ko dahil tinawag niya ang pangalan ko, aaminin ko..... Namiss ko din si Dale.

"Anong nangyayari?" Tanong niya nang nasa harapan ko na siya. Dahil sa pagtakbo niya, medyo nagpapawis siya at magulo din ang buhok, IN SHORT "gwapo" siya, lahat nang iniisip ko kanina ay biglang nagbago at parang siya na lang ang naiisip ko....... P*TCHA! Anong sabi mo Cayla?!

"A-ano?" Tanong ko, nagsalita siya pero wala akong naririnig na sinasabi niya dahil nakatutok lang ako ngayon sa labi niyang gumagalaw,

"Cayla?" Biglang nabalik ang sarili ko dahil sa pagtawag niya, at ngayon nang napansin niyang kanina pa pala ako nakatitig sa kanya ay nakangisi ang loko.

Mayghad!

"A-ano kasi ulit yon?" Tanong ko pero ngayon seryoso ang tono ko,

"Anong nangyari sayo? Bakit di mo ako pinapansin? Nilalayuan mo ba ako?" Sunod Sunod niya tanong, Ano daw? Kapal ng face ni kuya ah!

"Hindi ah! Bakit kita lalayuan? At saka! Ikaw nga itong di na nagtetext eh?!" Sabi ko,

"Nawala kasi yung cellphone ko nung first day of exam, nung nagbar kami eh di ko namalayan na nakuhaan na pala ako," sagot niya, biglang namilog ang mga mata ko, kasama kaya niya si Jonas nung mga time na iyon?

Tinanong ni Dale kung bakit daw ganon yung mga nangyari, ikinuwento ko sa kanya ang lahat Simula dun sa tawag ni Jonas,

"Oh! That time, Jonas is drunk, kasama namin siyang nagbar dahil nga nagyaya si Lawrence," sabi niya na medyo natatawa pa.

Napalunok ako at parang gusto na namang bumagsak ang mga luha ko,

"H-HE'S DRUNK?" I can't believe it, lahat nasira because of that Damn call! While he was drunk! Are you kidding me?

"Oo, akala ko nga si Sam yung tinawagan niya yun pala ikaw," sabi niya at umiling iling pa. TANG*NA! I hate him so much! Tapos nawrong number pala?!

Napatakip na lang ako ng mukha at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. I don't care kung may iba pang makakita basta mailabas ko lang ito. Habang umiiyak, I felt his arms around me... He is hugging me.

When Dale calls my name, I felt the excitement around me. But then he told me something that breaks my heart and tear them into pieces, I never knew that my happiness will last for just a seconds and now I can feel his warm hug calming me down, bringing back my broken heart into whole again like a magnet. Why Dale? It can't be Dale! I don't want to feel this way through him!

**************

Girl Hugot Meets Boy Banat [On Going]Where stories live. Discover now