Chapter 6:

32 3 1
                                    

"Expect things that will happen in unexpected ways,"

***

Sana naman maayos na to at para wala na akong problemahin.

Pagpasok ko sa room, ay grabe! Insulto agad ang natanggap ko,

"Wow! Ang aga mo ah!" Sabi ni Daphne, eto namang si Jonas kung makatawa 'kala mo wala ng bukas,

"Oh! Thank you for the insult," I said sarcastically to them at umupo na,

"Welcome!" Daphne replied and gave me big punch of smile, ugh! Ang aga namang mangasar,

Tumalikod na lang ako sa kanila at heto nagiisip ng gagawin, kainis naman walang makausap.

"Cayla, tawag ka daw ni Mam Mendoza sa faculty," sabi ng isa kong kaklase na si Francis na kakapasok lang ng pinto at bitbit pa ang kanyang bag,

"Bakit daw?" Sagot ko,

"Ewan,"

Agad kong tinignan sila Daphne at Jonas, amp*ta lang nang mga itsura nila! Ewan mo kung nangaasar o nananadya,

"Tsk! Tsk! Tsk! Lagot!" Sabi nung dalawa at umiiling iling pa yung ulo nila,

"Tch!" Inerapan ko na sila at umalis na, napagtripan nanaman ako.

Habang naglalakad sa corridor papuntang faculty, syempre mapapaisip ka din kung bakit ka napatawag sa faculty diba? Atsaka sa pagkakaalam ko na hindi nagpapatawag si mam, ay nakakakaba.

Ayan na malapit na ako, ayan na! Whoa!

Napatigil ako sa harap ng library na katabi lang ng faculty, owkamon! Babalik na lang ako sa room, sabi na nga ba eh hindi si Mam yung nagpapatawag sakin,

"Hey! Hey!" Wala di ko lang pinakikinggan yung tumatawag, basta go lang sa paglakad.

"Hey! Ikaw na nga tong tinatawag ayaw mo pang lumingon, ikaw na nga tong nilalapitan ikaw naman tong lumalayo, ang pabebe mo ah!" What the F! Nilingon ko na siya, sige pagbigyan ang mokong,

"Ano bang kailangan mo ha?" Tanong ko kay Dale,

"Wala akong kailangan sayo, ikaw ang may kailangan sakin," sagot niya with that 'evil-look', tsk! Yabang neto.

"Psh! Kung meron akong kailangan, baka hindi sayo," sabi ko pabalik at naglakad na muli pabalik sa room.

"Your just wasting my time!" Dugtong ko pa,

"Now you know what you want from me? Ganyan naman kayong mga babae, ginagawang pampalipas lang ng oras ang mga lalake," sabi niya na nagpatigil sakin. Ang lalim naman nito, atsaka bakit ako pinagsasabihan nito.

"Nah! Your making yourself a waste of time, kaya wag mo kaming sisihin,"

"At ikaw ang nagpatawag sakin kaya wag mo akong mahugot hugot diyan,"
sabi ko, kahit di ko alam yung mga pinagsasasabi nito kung may pambanat banatan na lang.

Tuluyan na akong bumalik sa room at sa pagbalik ko, nasa corridor palang ako rinig ko na ang mga hiyawan ng kaklase ko.

Dali-dali na akong lumapit sa kumpulan at hiyawan. Nang makalapit na eh ang nakita ko ay si Jonas na may hawak na Teddy bear at bouquet na ibibigay niya kay... Daphne. So eto talaga ang gusto niyang mangyari? Akala ko pa naman eh ititigil niya na to,

Eto ako ngayon pinagmamasdan silang dalawa na magmoment at meron pang mga supportive audience habang nakatayo katabi si Lawrence,

"Seryoso ba siya sa ginagawa niya?" Pabulong na tanong niya na talagang ako lang ang makakarinig pero halata sa tono ng boses niya na seryoso siyang nagtatanong,

Napatingin lang ako sa kanya at nagtataka,

"Ewan," sagot ko at binalik na muli ang tingin ko sa dalawang nagliligawan,

Umalis na siya at pumasok na sa room, ngayon ko lang napansin na dala pa pala niya ang bag niya mukhang kadadating lang. Pumasok na rin ako sa room at dun sinalubong nanaman ako ni Dale sa may pinto,

"Ang sakit namang panoorin ang mahal no na may mahal na iba," sabi niya sakin pero ngayon walang eye contact.

Nakakainis lang marinig na may humuhugot na iba, gusto ko ako lang at syempre kung makahugot tong lalaking to kala mo naman may pinanggalingan.

"Bahala ka diyan," sabi ko at dumaan na ng tuluyan. Nang makaupo na ako ay tinignan ko ang relo ko at kaya pala nagawa pang magligawan nung dalawa dun sa labas eh ang aga pa, may natitira pa ngang sampung minuto bago magbell eh. Minsan talaga mas gugustuhin ko pang malate kesa maghintay.

***

Girl Hugot Meets Boy Banat [On Going]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt