Chapter 12:

25 4 0
                                    

'Small words but big in impact,'

**********



Nagumpisa na ang exam namin, three subjects in each day. Pagkatapos kong ipasa sa watcher ang last test paper ay bumuntong hininga ako, not because I don't know the questions, it's because last night.

Nakalabas na ako sa nakaasigned na room samin at muling nagbuntong hininga.

"What's with that deep sigh?" Someone asked from my back. Akala ko si Dale pero nung hinarap ko ay si Jonas pala, nagtatanong na mga mata ang agad na bumulaga sa aking harapan, mga matang di natinag sa katititig sakin.

"Nothing," sagot ko at umiwas nang tingin. Sa pagiwas nang tingin ko ay napabaling ako sa gilid ko and I saw Daphne coming out from the room. Agad na lang akong tumungo kay Daph at nagtanong tanong sa kanya kung kamusta yung exam. Ginawa ko lang yon para makalayo kay Jonas.

"Jonas, nandiyan ka pala? Tara sabay ka na samin," baling ni Daph kay Jonas nang mapansin nito na nakatayo siya sa likod ko. I remember the day na kasama namin umuwi si Jonas riding a jeep but why? Kung meron naman siyang kotse, bakit siya nag commute? That question didn't popped in my mind since nung nakita ko siya with Sam and also nung hinatid niya kami sa bahay, I actually forgot it, maybe because of the exam.

"Daph, bakit siya sasabay satin diba magcocommute tayo? Eh..... May kotse siya," I said to Daphne. Mayaman siya, obvious naman no? Pero nagcommute siya nung first day,

Tinignan ako ni Daph at ibinaling muli ang tingin niya kay Jonas,

"Edi, sakin na lang kayo sumabay, want another ride?" He said with this smile but his eyes were still serious. Bigla namang lumawak and ngiti ni Daphne sa kanyang mukha,

"W-wag na nakakahiya," sumbat ko at tumingin ng diretso kay Daph while playing my fingers behind my back.

"Ikaw Daph? Sabay ka sakanya?" I asked her. Umiling lang siya pero alam ko gusto niyang makisabay, hindi ko na siya hinayaang makatanggi kay Jonas kaya tinakbuhan ko na siya, I played a smile on my lips to show them na naisahan ko sila pero ang totoo, it hurts na di ko na magawang ngumiti,

Nasa labas na ako ng campus at nasulyapan ko sila Lawrence at iba pa naming kaklaseng lalaki kabilang na dun si Dale. Nakatayo lang sila sa may gilid at parang may hinihintay. Nakita kong napatingin si Lawrence sa direksyon ko pero inalis niya rin ito. Medyo mainit dahil half day kami at tirik na tirik ang araw kaya hinablot ko ang payong ko at binuksan ito, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa sakayan. Nakasakay na ako at umandar na ito. Pagdating ko sa bahay ay agad kong tinignan ang cellphone ko at itetext si Daphne kung nakauwi na siya o kaya kamusta yung feeling na sila lang dalawa ni Jonas sa kotse, ay wag na yung pangalawa, napaka stupido naman nang tanong na iyon.

Ako:

Daph nakauwi ka na?

After 5 minutes hindi siya nagreply, nagtaka din ako na wala akong natanggap na text kat Dale,

Hinayaan ko na lang, kumain muna ako ng tanghalian at tinuon ang araw ko sa pagaaral. Gabi na at dumating na rin si Ate at dumiretso sa kwarto niya, tumigil muna ako sa pagaaral para makapagluto nang hapunan namin. Maguumpisa na sana ako sa pagpriprito nang galunggong at tinapa nang biglang tumunog ang cellphone ko, akala ko ay text lang pero nang tinignan ko ay biglang lumabas ang unknown number... Well, nagdalawang isip ako na sagutin dahil di ko kilala pero sinagot ko parin dahil umasa ako na baka nagpalit lang ng number si Daphne,

"Hello?" sabi ko sa kabilang linya

Ilang segundo rin bago ito nagresponse,

"Like what I had told you, I'm here for someone else, so please......don't put me with her...... I never like her, I never did, so don't give me those look like....... you're jealous...... Because when you're jealous.... You've been hurt too.... And I don't want to see you hurt," sabi niya mula sa kabilang linya, sabay putol nang linya. Napalunok ako sa mga sinabi niya, ang tagal bago ito magproseso sa aking utak. Fvck this guy! Seryoso ba siya? Baka lipang lang si Jonas kaya niya nasabi yun o baka nawrong number siya. At paano niya nakuha ang number ko.

"Aray!" Sigaw ko dahil natalsikan ako ng mantika, nabalik na ako sa katinuan at inayos na ang niluluto ko.

Habang kumakain kami ay di parin maalis sa utak iyong mga sinabi ni Jonas kanina. Grabe! Selos daw ako? Kaya ba niya tinigil iyong pagligaw kay Daph dahil alam niyang selos ako? Fvck! Kung alam ko lang na may lahing manghuhula ang unggoy na ito edi sana di ako nakipagkaibigan dito. At ano daw sabi niya? Nasasaktan daw ako? Ayaw niya akong makitang nasasaktan? Sh*t! Lakas nang hangin nito no?




*********************

Girl Hugot Meets Boy Banat [On Going]Where stories live. Discover now